1

Patience


Report

Lahat ng tao ay may kanya-kanyang love story, may sobrang dramatic, merong sobrang saya at meron namang OK lang, chill lang, may patago, merong seryuso at laro laro.

Hi, ako nga pla si Leonilyn😊 17 yrs. Old, isang senior high school student ng Tiglawigan National High School. Isa lang akong sinpleng babae, may talento at matalino. Myembro ako ng isang rap production sa syudad namin dito sa Cadiz city. Parati akong kumakanta mapa school contest man, barangay o city. Linggo nang hapon nun nung nag record kami ng ilonggo rap music na ipapalabas na namin sa YouTube, madaming tao ang nanonood, sa computer shop lang kase kami nagrerecord, wla pa kase kaming sariling studio. Nandun din ang iba pa naming mga kasama sa grupo at nag eedit ng kani-kanilang mga kanta. Isa na dun si Jaypee Toriado o mas kilala sa code name nyang Still Jay, a by the way nakalimutan KO, Ms. Lyn pala ang code name KO sa grupo namin. Si Jaypee ay 17 yrs. Old nadin kagaya KO. Pinakilala ako ng isa naming kasamahan sa kanilang lahat, natuwa naman ako kase mababait naman sila, lalo na si Jaypee😂. Ilang linggo ang lumipas at nag chat sya sakin sa fb, nangamusta at nais nya daw makipag close sakin, alangan naman na e snob ko eh ang bait naman nung tao😂. Simula nun halos linggo linggo kami nag rerecord ng kanta, nabigla nalang ako isang gabi nag chat sya, manliligaw daw😱, syempre napahinto ako sandali😂 nung Una di pa ako naniwala hanggang sa kinausap ako ng kasama namin at sinabing seryuso nga syang talaga. Oo na aaminin KO na, nung Una palang gusto KO na din sya, pano ba naman? Gwapo na mabait at magaling pang kumanta’t sumayaw. Sino ba naman ang di magkakagusto nun? Pero dahil syempre babae ako pinatagal KO pa yung panliligaw nya, hanggang sa ikatlong araw ng setyembre taong 2017,...


oo sinagot KO na sya, medyo takot at may pag aalinlangan man OK lang, sa totoo kase pinagbabawalan pa kase akong mag bf, strikto kase magulang KO. Pero ang sabi nila pag meron na daw, wag daw akong mag atubiling ipakilala sya sa kanila, oo gustong gusto KO syang ipakilala, kaso natatakot ako.

Kamakailan lang nagpatawag ng meeting ang isa naming kasamahan tungkol sa recordings namin sa bahay nila jaypee mismo, Infairness napaka ayos ng bahay nila. Medyo nahiya ako nandun kase mama nya at papa nya, pati Tita at mga kapatid nya.

Di KO akalaing ipapakilala nya pala ako😱sa kanila, sobrang nahiya talaga ako at syempre nangibabaw parin ang tuwa😂 lubusan akong nagpasalamat na pinakilala nya ako sa pamilya nya, sobrang saya namin, nagkantahan, on the spot lyrics making habang kumakanta😂, naglaro pa sila ng hugotan at ako napili nilang hugutan sa huli sabi pa nga ng kapatid nya na Sana sya naman maipapakilala KO sa pamilya KO. Sobrang bait ng pamilya nya, di ako nagsisisi na sya ang sinagot KO, di paman kami ganun na ka legal, gagawa ako ng paraan at mag iipon ako ng lakas para mapakilala KO din sya sa pamilya KO. Lubos akong nagpapasalamat sa pamilya ni jaypee, sobrang supportive po nilang parents basta sa mabuting gawain lamang, at sa mga anak nila, at saka thank you din po sa support nyo saming dalawa at salamat din po kase naintindihan nyo po ang sitwasyon naming, kahit mahirap kakayanin.

Nagpapasalamat ako sa patience na binibigay mo lagtok, sorry talaga ha, salamat at naiintindihan mo. Tandaan mo mahal kita😘

Sa isang relasyon napakaraming bagay ang dapat e consider at nangunguna na dun ang pasensya, dahil kung wla nito sa relasyon nyo, masasayang at masasayang lang din yun. Lalo na kung ang relasyon ay patago, sapagkat ito’y bawal sa is a.

Salamat po sa mga nagbasa.

Pahinge naman po ng advice, ano po ba ang gagawin ko?


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.