0

Pasali ako


Report

Pasali ako
Written by: Zvredd
“LENLEN, umuwi ka na!.” Galit na sigaw ni Aling Marla sa anak nitong si Lenlen. “Gabi na, bukas na kayo maglaro.”
“Ma, naman eh. Sandali lang, maglalaro pa kami ng tagu-taguan!.” Naiinis na sagot ni Lenlen dahil magsisimula na ang laro. Tumakbo siya para magtago ulit sa ibang lugar at para na rin makalayo kay Aling Marla.
Nang makahanap ng magandang pwesto, excited siya na umupo doon para magtago.
“Sigurado ako na hindi ako mahahanap dito ni Thea.” Masaya na sabi ni Lenlen sa sarili.
Nakaramdam siya ng lamig kaya yinakap niya ang sarili.
“Psst.”
“Ay kabayo!.” Mabilis na sabi Lenlen dahil sa gulat ng may biglang sumitsit sa kanya.
Napahawak pa siya sa kanyang dibdib dahil sa kaba at gulat.
Tingnan niya kung sino iyon, pero dahil madilim, hindi niya makita ang mukha ng batang nakatayo sa may...


tabi niya.
Bumilis ang kaba ng puso ni Lenlen dahil alam niya sa sarili na wala siyang katabi at nakitang tao nang umupo siya.
“S-sino ka?.” Kinakabahan na tanong niya dito.
“Anong ginagawa niyo?.”
“A-ah, eh,n-naglalaro n-ng tagu-taguan.”
“Pasali.”
“Huh?.”
“Pasali ako.”
“H-hindi pwede-.”
“Anong hindi?!.”
Mabilis na napasigaw si Lenlen ng biglang iilapit ng bata ang mukha nito sa kanya.
Nakangiti ito ng nakakatakot.
Nakakatindig-balahibo.
Tumakbo siya ng mabilis habang umiiyak at sumisigaw.
“TULONG! MA! MULTO!.”
Nanginginig sa takot at nanghihina na si Lenlen ng maka-hingi ng tulong kay Talim.
Bago siya mawalan ng malay, nasilayan pa niya ang nakakatakot na malapad na ngiti sa kanya ng bata.
KINABUKASAN, nang e-kwento niya ang lahat ng nangyari. Nalaman niya na may namatay na bata sa pinagtataguan niya. Ito si Princess. Nasunog ito ng buhay sa sariling bahay kasama ang kaibigan nito, si Andrei.
#Zvredd


Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.