0

Paputok


Report

Paputok❞
[❗Disclaimer❗: Ang kwentong ito ay kathang isip lamang at gawa-gawa nang malilikot kong imahinasyon.]
(•••••••••)
“Pare, magbabagong taon na mamaya. Anong gagawin mo?” tanong ni Mang Ador sa kapwa tambay rin na si Mang Palo.
“Magpapaputok lang ako. At kung may mapagtripan. Ayun pagtritripan.” Sagot ni Mang Palo habang naninigarilyo.
Habang abala sila sa pag-uusap ay may nakita silang isang asong pagala-gala sa kalsada.
Ang itsura nito ay isang asong sugatan at nanghihina na. Halatang wala pang kain. Agad na kinalabit ni Mang Palo si Mang Ador.
“Pare, jackpot!” Nakangiting sambit ni Mang Palo.
Agad na napangiti si Mang Ador sa nakita n’ya. Alam na n’ya ang ibig sabihin nang kumpare n’ya.
Saglit silang umuwi nang bahay at agad na pumunta sa pwesto nang aso. Lumapit sila rito at kinausap.
“Doggie, doggie. Gutom ka na?” natatawang tanong ni Mang Palo.
Tahol lang ang naging tugon nang aso.
“Sige, papakainin ka namin.” Nakangiting sabi ni Mang Palo at saka sinindihan ang paputok at nilagay sa bibig nang aso.
Napatakbo sila palayo at nang pumutok ang paputok. Nagkalat ang dugo sa kalsada. Biglang pumuti ang mata nang aso at halos mangisay ngisay sa sobrang pagkagulat.
“Oh pare, success. Napakain natin s’ya!” Manghang sabi ni Mang Palo kay Mang Ador.
Wala silang tigil sa pagtawa. Lalo na nang tumayo ang aso.
Agad rin itong napatayo at nanghihinang naglakad paalis sa lugar. Naglakad ito habang tumutulo ang dugo galing sa bibig nito.
Gustong tumahol nang aso ngunit, hindi n’ya magawa dahil wala na s’yang boses.
Pagewang...


gewang na ito nang makita nang mga tao sa kabilang baranggay.
Agaran nilang dinala sa pinakamalapit na vet ang nag-aagaw buhay na aso.
“Doggie, doggie. Wag kang mag-alala. Magiging maayos ka rin.” Ang naluluhang sabi nang isang concern citizen sa aso habang karga karga ito.
Pagkarating sa vet ay dinala ito sa emergency room at doon ay isinalba.
Naiiyak na sa labas ang mga taong nagdala sa aso sa vet. Hindi na sila mapirme. Gusto nilang malaman kung naging maayos at masa maayos lang ba ang aso.
Lumabas ang doctor at umiling. Nakaramdam nang kaba ang mga taong nagdala sa aso.
“Buhay ang aso. Pero ang malungkot lang rito. Hindi na s’ya pwedeng kumain dahil sa natamo n’yang sugat sa bibig. Nabuhay man s’ya, pero hindi na s’ya makakakain.” Malungkot na sambit nang doctor at saka umalis.
Nag-iyakan ang mga tao sa nalaman nila.
Makaraan ang ilang oras, agad ring binawian nang buhay ang aso. Lumabas ang doctor at ibinalita ito sa lahat.
{Matuto tayong ituring na parang tao ang mga hayop. Dahil may buhay rin sila. Nag-alaga tayo at buhay ang ating inalagaan. Wag nating tratuhin na parang brutal ang mga hayop lalo na ang mga aso. Kung tayong mga tao ay takot mas lalo silang mga hayop na wala namang ginawa kundi ang mabuhay. Kaya sana, itrato natin ang mga aso bilang isang nilalang}
______________
[Welcome back to me again hehehe. It’s me Sunday Blue Writes is signing in as your writer again😊]
«Work of fiction»
«Written by: Sunday Blue Writes»


Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.