0

Paint Of Love Chapter 5


Report

Nataranta na po kasi ako gawa ng gusto kong masaklolohan agad itong si Señiorita!
Patuloy sa pag aliba’y ang matanda.
Pasensya na ho at naabala pa kayo sa pag tatrabaho!
Sabi nalang ni Lucas at tumingin kay Samantha.
Naku wala ho iyon Señiorito, sige ho at mauna na ako sa inyong dalawa Señiorita!
Paalam ni Mang Delfin.
Salamat ho Mang Delfin!
Habol nya sa matanda.
At muling lumingon kay Lucas, ngunit madilim na ang anyo nito na agad syang kinabahan, nananakit man ang kanyang isang paa ay pilit syang nag lakad ng tuwid para wala ng masabi ang kanyang kasama na animo ay gusto syang kainin ng buhay.
Ngunit hindi ganuon kagaling umakting si Samantha para hindi mapansin ni Lucas ang kanyang iniinda.
Mang Delfin may ipapasuyo ho sana ako sa inyo kung pwede!
Dinig nyang sabi ni Lucas at lumingon si Mang Delfin na agad din na lumapit kay Lucas.
Ano ho iyon Señiorito?
Tanong ni Mang Delfin ng makalapit ito sa binata.
Pwede ho bang kayo na muna ang sumakay sa kabayong si Pearl ngayon?
Naku wala hong problema Señiorito!
Hindi na nag tanong pa si Mang Delfin at mabilis na sinakyan ang kabayong si Pearl.
Tinanaw nya ang papalayong si Mang Delfin sakay ng kabayo.
Si Lucas naman ay nakita nyang
tuloy-tuloy na nag lakad papunta sa kabayong si Black at pinalakad nito ang kabayo palapit sa kanya at ibinigay nito ang kanang kamay.
ngunit tinitigan lang nya iyon.
No arguments, Let’s go!
Sabi nito sa kanya, tinanggap nalang nya ang kamay nito at iniabot nya ang kanyang kanang kamay at walang kahirap-hirap sya nitong naiangkas kay Black, ngunit laking gulat nya ng nasa harap sya nito.
Mag po-protesta sana sya ngunit agad na pinatakbo nito si Black, at naka hawak ito sa kanyang tyan, tamang sabihin na nakayakap ito sa kanya.
Agad tuloy syang nahiya sa katabi dahil ang baho nya ng mga oras na iyon dahil sa putik, ramdam din nyang nag iinit ang kanyang pisngi dahil sa hiya.
Walang kahirap-hirap nitong pinatakbo ng mabilis si Black!
Ngunit ang tinatahak nila ay sa kanang daan pa din, may mga lubak pa silang nadaanan pero hindi iyon naging hadlang para hindi nila marating ang dulo ng hacienda, at buhay pa pala ang kubong nakatayo duon.
Ngunit wala si Matthew, pero sa gitnang daan naman dumaan ang Kuya nya at imposibleng sa tagal nila na huminto ay wala pa ito duon, nabasa siguro ni Lucas ang iniisip nya kaya nag salita na ito.
I think hindi na sya nakapag hintay sa atin at nag pasya ng umuwi!
Sabi nito na nag patiunang bumaba, pag katapos ay sya naman ang inalalayan nito para makababa.
May ilog na malapit lang dito, I think kailangang mo munang mag banlaw!
Sabi nito sa kanya ng itinatali nito si Black sa silong ng malaking puno na malapit sa kubo, alam nya ang ilog na tinutukoy nito, dahil duon sya naliligo sa tuwing napapadpad sya duon, malayo sa ilog ang mga tauhan nila kaya walang mag tatangka ng hindi maganda sa kanya kahit pa nag iisa syang nag pupunta duon.
Mabuti pa nga!
Sang-ayon nya kay Lucas at nag madali na syang pumunta para makapag banlaw na.
Narating nya ang ilog at tumingin muna sya sa paligid at sinigurado kung walang taong naliligaw duon, nang ma-tyak nya na walang tao ay mabilis nyang hinubad ang kanyang jumper pati na rin ang kanyang White T-shirt, undies lang nya ang kanyang iniwan at binanlawan nya lang ang may mga mantsa, matapos ay isinampay nya sa batuhan, madali naman iyong matutuyo dahil mainit naman ang sikat ng araw.
Hindi nya alintana ang init ng araw kahit pa walang silong, hindi pa sya makakabalik agad sa kubo dahil naka undies lang sya, hihintayin nalang nya munang matuyo ang kanyang mga damit bago muling bumalik sa kubo.
Gusto sana nyang maligo ngunit mababasa naman ang mga panloob nya, pero kung mag hihintay pa syang matuyo ang mga suot ay baka mainip sya, hindi naman siguro gagawi ang isang iyon dito.
Ngunit ng makita nya ang kalangitan ay unti-unting dumilim iyon.
Anak ng!
Basa pa ang kanyang mga damit.
Samantha are you do….ne?
Oh My God Lucas!
Natataranta nyang sabi ng tawagin sya nito at nakita syang walang damit.
I’m so….rry…, I thought your….?
Agad din na tumalikod ito, kaya dali-dali syang nag bihis kahit basa pa ang mga iyon.
I’m done, and what are doing here?
Galit nyang sabi kay Lucas na nakatalikod pa din.
Kukuha ako ng tubig ni Black,
Im so…rry…. and don’t worry wala naman akong nakita!
Sabi nitong humarap na at itinaas ang dalang galon, ngunit hindi ito tumitingin sa kanya.
Liar!
Sabi nya at iniwan na ito.
Nakaupo sya sa kubo ng makabalik si Lucas na dala ang galong may tubig at ibinigay iyon kay Black.
At kumuha ito ng ilang kahoy na malapit sa puno at dinala sa kubo, ibinaba nito ang mga kahoy na dala at nag simulang mag dingas, na curious naman sya sa ginagawa nito.
I think much better kung babalik na tayo ng Mansyon habang hindi pa bumubuhos ang ulan!
Ngunit pag ka sabi nyang iyon ay nag simulang pumatak ang ulan.
You sure?
Nangingiting sabi ni Lucas sa kanya at pinag patuloy ang ginagawa.
Sabi ko nga na ituloy mo na yang ginagawa mo at mamaya na tayo umuwi!
Sabi nya at umupo sa papag ng kubo.
Natawang muli si Lucas ng tingnan sya nito habang busy naman sya sa pag masid sa kubo, mukhang matibay pa naman ang kubo, ngunit wala kang makikita na gamit duon maliban sa dalawang upuan, at papag na kinauupuan nya ngayon.
Nakapag padingas na si Lucas at umupo rin ito sa papag sa hindi kalayuan sa kanya.
Agad nyang tinitigan ang binata na hubad ang itaas nitong katawan, sakto naman ang katawan nito, mabalbon ang dibdib, pati tyan nito at hanggang sa…!
Namula sya ng maisip nya kung ano ang ginagawa.
At agad syang napatingin sa mukha ng binata na ikinagiliw naman nito.
Kaya sa labas nalang nya ibinaling ang paningin.
How’s your clothes?
Dinig...


nyang tanong nito na hindi sya lumilingon dito.
Durty’s gone, but still wet!
Sagot nya dito.
Take it off!
Sabi nito na agad nag palingon sa kanya.
What?
Malakas nyang sabi dahil baka nag kamali lang sya ng pandinig gawa ng malakas na ulan.
I said, just take it off, baka mag kasakit ka pag natuyo yan sa katawan mo!
Sabi nito na medyo nilakasan din ang boses.
No it’s ok, hindi ako madaling tablan ng sakit!
Sabi nya dito at ng wala ng magawa si Lucas ay hinayaan nalang sya nito.
Mukhang matagal pa bago tumila ang ulan, medyo nilalamig na din sya, kaya itinaas nya ang kanyang mga paa, ngunit ramdam nya ang paang kumikirot at niyakap nya ang kanyang mga tuhod.
Ngunit nakita ni Lucas ang pag daing nya ng itaas nya ang kanyang mga paa na agad itong lumapit sa kanya at wala sabi-sabi nitong kinuha ang kanyang kanang paa at ibinaba sabay hubad sa kanyang sapatos.
Ouch!
Daing nya dito ng walang ingat nitong nitanggal ang kanyang sapatos, babawiin sana nya ang paa dito ngunit mahigpit iyong hinawakan ni Lucas.
Hindi ka magaling mag panggap na hindi ka nasasaktan!
Sabi ni Lucas at sinimulang masahihin nito ang kanyang paa, medyo makirot iyon pero unti-unting nawawala dahil sa pag hilot ni Lucas sa kanyang paa.
Better?
Dinig nyang sabi nito sa kanya na nag pabalik sa kanyang katinuan, nakapikit kasi sya at nakatingala pa.
Agad syang nahiya sa kanyang sarili.
Ah yeah, Thank you!
Nasabi nalang nya dito, tinanggal na rin nito ang isa pa nyang sapatos na itinabi muna saglit ni Lucas sa ibaba, ganuon din ang binata, hinubad nito ang sapatos at itinaas ang mga paa.
Tiningnan nya ang kabayong si Black.
Hindi ba sya nilalamig?
Tanong nya kay Lucas na kasalukuyan din na nakatingin kay Black.
Hindi sila madaling lamigin!
Tugon nito.
Lucas anong piling na tinitingala ka ng lahat?
Na curious nyang tanong dito.
Hmm, well about that, It’s good, madaling makuha ang isang bagay, gustuhin ko man o hindi!
Nagagawa mo ba ang mga gusto mo?
Sometime!
Tugon nito.
And how about you? Kamusta ang piling ng maging prinsesa ng Villamonte?
Curious na tanong din nito.
Natawa sya ng maisip kung ano ang buhay meron sya.
I wan’t a simple life, yung pwede mong gawin yung gusto mo, yung walang nag babawal at nakabantay palagi, yung hindi ka tumatakas mapuntahan mo lang yung isang lugar na nakapag papasaya sa’yo.
“Lucas”
Tinitigan ni Lucas si Samantha na kasalukuyang nakatingin ito kay Black, mababakas ang lungkot dito kahit hindi ito nakatingin sa kanya.
But we need to accept the fact na ito ang buhay mayroon tayo!
Sabi nya sa dalaga.
Yeah!
Sang-ayon naman ni Samantha.
Since when Kuya Matthew to know you to both each other?
Since when we are kid!
Oow, pero bakit hindi kita nakita ni isang beses man lang sa Mansyon?
You’re too young sweetie before para mapansin mo ang kagwapuhan at kakisigan ko!
Sabi nyang may pag mamalaki sa sarili.
Duh! Where?
Sabi nito at tinapunan sya ng tingin at nakataas ang isang kilay nito na ikinatawa lang nya.
I think malapit ng tumila ang ulan! Pag iiba nito ng usapan.
Yeah, You’re right!
Sang-ayon naman nya dito.
“Samantha”
Nag ayos na sila ng unti-unti ng tumila ang ulan, patay na rin ang apoy na ginawa ni Lucas kani-kanina lang, ng matapos sya sa kanyang pag sasapatos ay kita nya na nag bibihis na ito ng pang itaas, matapos ay tumingin ito sa kanya.
Napapadalas na yang pag titig mo sakin ng ganyan ah!
Baka naman matunaw naku nyan! Sabi nito na alam nyang nag bibiro lang.
Nuh, ang piling mo naman patpatin, ilusyunado kana din!
Irap nyang sabi dito at nag patiuna na syang lumabas ng kubo at pinuntahan si Black, agad din naman na sumunod si Lucas sa kanya at tinanggal nito ang pag kakatali ni Black, maya-maya pa’y sumampa na ito, sunod ay sya naman ngunit ang pwesto nya ay nasa gawing likuran naman nito ngayon.
Humawak ka ng mahigpit, at kailangan na natin na mag madaling makabalik agad ng Mansyon, baka kanina pa sila nag aalala sa atin!
Ok!
Sang-ayon nya dito at mahigpit syang yumakap sa bewang nito.
Napangiti naman si Lucas ng dahil duon.
Are you ready?
Yes!
Hiyaaah!
Sabi nito at nag simulang tumakbo si Black, nuong una ay banayad lang ito ngunit habang tumatagal ay bumibilis na ito, napapikit nalang sya dahil sa bilis.
Hindi namalayan ni Samantha na nasa Rancho na sila.
Narating nila ang Rancho ng ganuon kabilis.
Napa kurap-kurap pa sya na hindi makapaniwala.
Hmp! Señiorita nandito na ho tayo sa Mansyon!
Sabi sa kanya ni Lucas na natatawa.
Mukhang ayaw pang bumaba ng princess namin!
Dinig nyang sabi ng kanyang Kuya na nasa ibaba, aba’t hindi pa pala sya nakakababa, tsaka lang nya nakuha ang ibig sabihin ni Lucas.
Kaya agad syang bumitaw sa pag kakayakap dito at nauna ng bumaba pero agad din syang hinawakan nito sa kamay at naalalayan syang makababa, ngunit natatawa pa rin ito.
Nang maiapak nya ang kanyang kanang paa ay hindi na iyon kasing kirot nuong una.
So what happened to both of you? Ang tagal nyong dumating sa kubo kaya nag pasya ako na bumalik na ng Mansyon at nakita ko si Mang Delfin at sinabi nya sa akin ang nangyari, pupuntahan ko sana kayo pero bigla namang bumuhos ang malakas na ulan!
Sa mahaba nitong sabi.
Señiorita pumasok na po kayo at ng maka kain na kayo!
Dinig nyang sabi ng Mayordoma.
Tumingin sya saglit kay Lucas na mataman na nakatingin din sa kanya.
Thank you!
Sabi nya na walang boses na agad namang naintindihan nito.
It’s my pleasure!
Sabi naman nyang tugon nito at ngumiti sya dito bago tuluyang pumasok sa Mansyon kasama ang Mayordoma at akay sya nito, marahil siguro na alam din nito na may iniinda sya.
Hindi na nakapag lunch si Lucas sa kanila ng tanghaling iyon dahil may pupuntahan pa daw itong business meeting sabi ng kanyang Kuya kaya sila lang dalawa ang mag kasamang kumain ng pananghalian.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.