3

Online sad love story


Report

I fell in love w/ a poser

Noon wala akong interes sa group chat group chat na yan
Hanggang sa my nag add sa akin sa gc sinubukan kong makisabay doon ko nalaman na masaya pala
Mula sa araw na yun halos araw araw my nang aadd sa akin sa iba’t ibang GC madami din akong nakikilala, naging kaibigan. Isang araw nagkukulitan kami ng kaibigan kong si sharlyn sa GC wala kasing online sa GC na yun kaming dalawa lang haha until my isang lalaking naglikezone, I read his name it’s(Steven Bolaños Sy), tahimik siya, minsan lang kung makihalubilo sa lahat ng gc na meron kami, una siyang pinansin ni sharlyn, tinanong niya kung sino ba daw ang mas maganda sa amin dalawa haha sinagot naman siya ni Steven ng “Pareho kayong pangit” haha
Hanggang sa hetong si sharlyn naglog out bigla
Kaya kaming dalawa na lang ni Steven ang naiwan nagkwentuhan ng kung ano ano basta huwag lang mabored
Until napunta kami sa “LOVE” we ask each other kung single ba o taken ,kung nakakailang ex na ba, at kung ano ano pa
Hanggang sa nagsuggest siya ng “dare” magiging kami daw in two months kung sino ang unang mahuhulog siya ang talo, na challenge ako sa dare na binigay niya kaya tinanggap ko,
Naging kami nga, madaming naka alam haha sa dami ba naman kasi naming gc
Hindi pa man umaabot ng dalawang buwan, We both lost sa dare na meron kami
Kaya naisip namin na totoohanin, yes tinotoo namin ang relasyon namin, nagpalitan kami ng Facebook account, nagchange status, single to in relationship to..
Sa relasyon talaga Hindi maiiwasan yung mga taong pakelaman ang meron kayo, lalo na mga kaibigan mo, I know naman they’re just being true friends s sa akin,
Si Kurt sobra Kong close sa lahat ng GC, Grabe kami kung mag asaran😂😂 at dahil sa pareho kaming hindi napapatalo, nali link kami sa isa’t isa haha, napapagkamalang mag jowa daw kami,pero wala talagang kami walang feelings, Hindi kami talo nun, tropa lang ang turing namin sa isa’t isa, he’s an hacker
Sinabi niya sa akin na poser daw si Steven na boyfriend ko, oo alam ko naman yun sa Simula pa lang, ang gusto ko lang kaya Hindi ako kumikibo kay Steven ko marinig o mabasa ang totoo.
Tinanong ko siya isang araw pero Hindi niya talaga inamin sa akin, ang sabi pa niya “wala akong magagawa kung naniniwala ka sa sinasabi ng kaibigan mo”
Nasaktan ako, naisip ko Hindi nga talaga niya ako ganoon ka mahal, wala siyang tiwala sa akin, pero dahil mahal ko siya sinakayan ko KASINUNGALINGAN niya kahit masakit, kahit mahirap, sabi ko sa sarili ko “poser man siya o Hindi wala akong pake basta mahal ko siya, Hindi naman kasi mata ang ginamit ko nung minahal ko siya kundi puso” araw araw nagchachat kami, araw araw puro kasinungalingan din nanggagaling sa kanya, kahit hirap na hirap na sinasakayan ko pa din siya,
Araw araw pinaparamdam ko sa kanyang kaya ko siyang tanggapin kahit sino pa siya, kahit ano pa siya, ganun ko siya kamahal kahit DI ko pa man nakikita ang totoong siya.
He’s cold towards me, lahat ng mga ka chat Kong lalaki bina block niya, kahit mga kaibigan ko, dahil nga mahal ko siya hinayaan ko siyang gawin kung anong gusto niya, kahit pa layuan ko mga kaibigan Kong lalaki, ginawa ko, nagpaka under ako sa kanya,
One day, Hindi niya ako chinat, online siya pero Hindi siya nagrereply sa mga chat ko sa kanya dumating ang gabi doon lang siya nagreply “puta! Galing akong school boung maghapon tapos pag open ko ito pa mababasa ko? Pagod ako! Huwag ka ng dumagdag pa” ouch! Strike three sobrang sakit, naluha na lang ako bigla sa mga nabasa ko, at dahil mahal ko siya nagpakumbaba ako, ibinaba ko ng todo pride ko sa kanya, sobra sobrang pasensya ang ibingay ko dahil sobra ko siyang mahal. Our 1st monthsary came… Gumawa ako ng video pagpapasalamat sa kanya I surprised him pinost ko pa yun sa Instagram ko, sa Facebook. Malaman niya lang kung gaano ako ka proud na bf ko siya kahit poser pa siya, kung gaano ako kaswerte sa kanya, (trivia: SWERTE nga ba?😅) “ako na babae my sorpresa sa kanya samantalang siya na lalaki walang ginagawang moves para sa akin” yan kadalasan mga nababasa ko galing sa mga kaibigan ko pero ang sagot ko lang ” ano ba kayo! Ako yung gustong mag pasalamat sa kanya, kaya ako yung gumawa ng video para sa kanya, alangan naman ako yung nagpapasalamat siya yung GA gawa haha” kahit pa disappointed ako haha sobrang, hinihiling ko din noon na may gagawin siyang sorpresa para sa akin pero wala dumaan ang isang linggo wala kaya hinayaan ko na lang. One week had past nag away kami malapit ng humantong sa hiwalayan, IYAK ako ng IYAK noon sa GC, sending kami ng voice clip haha mabasa niya siguro yung tinype ni Kurt sa GC na “hiyaan mo sila ang mag habol sayo, poser din naman yan huta madami pang iba jan” (huta- CS po namin dalawa hehe) nag chat siya, si steven “salamat sa lahat lahat, sa pagmamahal na binigay mo sa akin, siguro nga hanggang dito na lang tayo Maraming maraming salamat” that’s what he chat w/ me wala akong maisip na ireply, gulong gulo Utak ko, Hindi ko alam kung anong gagawin, kinakabahan mahal ko siya eh ayokong mawala siya sa akin, but then again he chat me again ng wala siyang natanggap na reply mula sa akin “Oo nga pala, poser po ako Hindi po yan ang totoong ako, sorry nagsinungaling ako, salamat ulit sa lahat lahat” mas lalo akong napahagulgol sa mga salitang yun, for almost a month, everyday that was always im hoping
That was always Im praying for… That he could tell me the truth.. And then finally god made it. Doon ko palang siya nireplyan “Oo alam ko, alam kong poser ka sa Simula palang” he replied me “alam mo? Bakit mo tinuloy ang relasyon natin kung alam mo naman palang poser ako? Kung alam mo naman palang niloloko kita?” I reply him “mahal kita eh, besides ikaw lang naman ang hinihintay Kong magsabi sa akin, ganun kita kamahal na kaya kong magpaka tanga para sayo, kaya Kong maging bulag para sayo😊” he thanked me, he ask for my forgiveness, he ask for the second change, he told me that he would change for me, patawarin ko lang siya
Pero yung ina akala ko noong madali Kong matatanggap Mali pala, akala ko lang lahat, alam niyo yun? Akala ko napaghandaan ko na ang panahon na yun, akala ko madali na lang para sa akin tanggapin, Hindi pala.
Mas masakit palang malaman Mismo sa kanya yung totoo I said to him “give me time to think, konting panahon lang hinihingi ko, gusto ko lang siguraduhin na kapag bumalik ako sayo walang pag-aalinlangan. And then yeah we made a desicion “COOL OFF” Magkasama kami sa lahat ng GC pero Hindi kami nagpapansinan, pinapansin niya ako minsan pero ako ang umiiwas, until one day, someone add me on facebook, it’s “Joshua jay Santino” in accept ko siya, he chat me, asking me kung kamusta saw ba ako, kung kamusta love life ko, kung maayos na ba kami ng boyfriend...


ko
Nagtaka ako how ? Paano niya nalaman na Hindi kami okay ng boyfriend ko? I ask him and he reply me “nabasa ko lang po sa mga post mo” the day after tomorrow he chat me again ang sabi niya “alam mo bang miss na miss ka na ng boyfriend mo? Ang sweet ng boyfriend mo ikaw pa din ang hinahanap kahit malayo kayo sa isa’t isa” for the second time nagtaka na naman ako kaya tinanong ko siya “paano mo nalaman? kaano ano mo ba siya?”
His reply? “Kaibigan ko lang po sa Facebook” madami akong napapansin sa kanya, katulad ng expression ng chat niya KAPAREHO ng Kay steven, kung paano niya ikwento ang tungkol kay steven, kaya kinompronta ko siya “sabihin mo nga ang totoo sa akin, ikaw at si Steven ba ay IISA?” He reply me “Hindi po ako siya, kaibigan ko lang po siya sa facebook” sa sobrang gulo ng UTAK ko
Nagpatulong ako sa kaibigan Kong hacker it’s Kurt pina survey ko sa kanya yung profile ni joshua, kung yung Joshua ba ay ang totoong mukha ni Steven Kurt said that yes, iyun daw ang totoong mukha ni steven, for the second time NAGAWA na naman niyang MAGSINUNGALING sa akin, ang sakit! Sobrang sakit palang yung taong mahal na mahal mo pinagsisinungalingan ka.
I confront joshua “bakit nagsinungaling ka na naman sa akin? Bakit Hindi mo agad sinabi ang TOTOO? Tinanong kita kung ikaw ba at si steven ay iisa, pero Hindi ang sagot mo
Bakit? NANGAKO kang NAGBABAGO ka na you promised me, magpapakatotoo ka na, Hindi ka na magsisinungaling” he reply “iniiwasan mo kasi ako, kaya gumawa ako ng paraan makausap lang kita, miss na kita, bumalik ka na sa akin oh” at dahil tanga na ako sa Simula pa lang nilubos ko na
Tinanggap ko siya ulit Hindi bilang Steven kundi bilang Joshua na, naging cold ako sa kanya, idinistansya ko ng konti ang sarili ko sa kanya
gustuhin ko mang” Huwag gawin yun, ilang beses ko mang saktan ang sarili ko kurutin, sampalin at sabunutan, para lang matauhan sa mga ginagawa ko sa kanya wala pa ding pagbabago, kaya sinabi ko sa kanya
HUMINGI ako ng sorry sinabi ko ang dahilan kung bakit I’m cold towards him he said naiintindihan niya daw ako, alam naman daw niyang siya ang may gawa, siya ang dahilan kung bakit ganun ako sa kanya,
Pero dumating yung araw na yeah Meryl maayos na ako, nakikipag jokes na ako sa kanya, nagiging sweet na ako sa kanya.. For 2 weeks naging okay ang lahat sa amin,
Until a very sad day came, nasasaktan daw siya dahil sa akin, sa mga post ko, sa mga biro ko sa mga lalaki Kong kaibigan, I’m hurting him, kaya ang sabi ko “kung nasasaktan ka na pala sa akin ng sobra ma’s mabuti ng PAKAWALAN na lang kita,
Malaya ka na, thank you for everything, mahal na mahal kita pero mas Hindi ko kayang manatili ka sa akin na puro sakit lang pala naibibigay ko, HUWAG ka mag alalala makakalimutan din kita” ayaw niya, ayaw niya sa desisyon kong yun pero nagmatigas ako
Buo na pasya Kong kumawala sa PAGIGING tanga, makulong sa relasyong walang kahahantungan
3 days had passed his best friend chat me sabi niya miss na daw ako ni joshua, gusto niya daw akong bumalik sa kanya pero I made a double secured for my heart that time
Hindi ko siya pinakinggan sinabi ko na lang na tama na, ayoko na
The day after tomorrow nalaman ko my isa pala siyang account na gamit I stalk that new account of him ang sabi niya kasi sa akin noon isa lang account na gamit niya, balak pa daw niyang gumawa ng isa “BALAK”, pero ang hindi ko alam nakagawa na pala siya, sa pagstalk ko nalaman Kong sa account niya na yun single siya, my nililigawan, for the third time nagsiningaling naman pala siya sa akin, strike three for hurting me
I did hurt so much! Kinompronta ko siya “bakit Hindi mo sinabing my isa ka pa palang account na gamit? Sabi mo yan LAng account mo? Akala ko ba walang kasinungalingan?” He reply me “BAGONG gawa ko lang to nung NAGHIWALAY tau, mhine please bumalik ka na sa akin oh, miss na miss na kita”
BAGONG gawa niya daw na account sa PAGKAKA alam ko NAGHIWALAY kami line of 20 ang date sa calendar
Ginawa ang account niya na un date:13? Sobrang sinungaling, BUKING na siya pero hindi pa din siya umamin
Sinasabi niya pa ding ginawa niya lang account na yun nung NAGHIWALAY na kami. NASABI ko na lang sa sarili ko
Tama na nga siguro ang desisyon Kong hiwalayan siya
Kahit pa PAULIT ulit siyang magchat sa akin Hindi ko PINAPANSIN
Sinabi ko sa KANTANG makakalimutan niya sin akp at ganun dina ko sa kanya, na makakahanap din siya ng ma’s worth it sa pagmamahal niya
After TWO DAY: For god sake! Kaka break pa lang namin my bago na ulit siya. Ang malala pa sila na. Gf na niya ng ganun lang ka ikling panahon.
Sinabi niya sa aking ” ikaw ang nagsabi na makakahanap din ako ng iba” fuck!! Oo sinabi ko yun, pero Hindi ko naman aakalaing ang dali niya lang akong kinalimutan.. Minura ko siya. Nagalit ako sa kanya. Yung ilang buwan na naging kami ano yun? LARO lang ba para sa kanya yun? Para agad agad maka move on siya?
Ni chat pa niya ako “Hindi niya daw mahal yung girl, ako pa rin daw ang mahal niya” I reply him “Hindi mo mahal pero NILIGAWAN mo, Hindi mo mahal pero sinabi mo sa best friend mong na fall ka na sa kanya kahapon!” Wow! Just wow! Sobrang sinungaling niya he is so unfair! Ako nagpakatotoo sa kanya, wala akong tinagong sikretong lahat ng account ko sinabi ko sa kanya BINIGAY ko ang password, minahal ko siya ng totoo kahit Hindi pa man kami nagkikita,
He reply me again “bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon, magbabago na talaga ako, itatama ko lahat ng Mali ko” i rey him “another chance? Para ano? Para saktan ako ulit? Para magsinungaling ulit? Para paniwalain ulit ako sa kasinungalingan? Huwag na, PALAYAIN mo na lang ako, palayain mo na ako sa PAGIGING bulag, sa pagiging tanga”
And then… We bid our goodbye for each other

After a month akala ko ayos na.. Oo naka move on na ako
Pero nung makita ko ang real account niya? Yung Joshua jay santino pala na account niya yun pala ang pangalawa
My isa pala siyang account na gamit ginawa 2016 pa and what the worst is… Nung kami pa may girlfriend pala siya in personal…
Ang sakit! Ilang months na naging kami yun pala sa ilang moths na yun ginawa lang pala akong libangan, ayos na eh.. Nakita ko pa
Lahat pala ng mga sinabi niya kasinungalingan din pala lahat lahat
Mahal niya ako? Pero may girlfriend pala siya
Gusto niya akong bumalik sa kanya? Para ano? Para paniwalain na mahal na mahal niya daw ako pero may gf naman pala siya😢😭
Sobrang sakit😢😢
Minahal ko siya ng totoo, ipinaglaban ko siya sa lahat kahit pa lahat sila totoo ang sinasabi
Yun pala lahat ng sakripisyo ko bale wala

hanggang dto na lang po
Salamat sa pagbabasa


3 Comments

  1. hey everyone, I was just checkin out this site and I really like the foundation of the article, and have nothing to do, so if anyone would like to to have an enjoyable convo about it, please contact me on squidoo, my name is bruce naeire

    https://xmc.pl

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.