3

One Nightstand With Mafia Boss Chapter 8

Bumangon si Ivanna at dumiretso sa banyo para maghilamos.
Agad rin siya bumababa para magluto ng almusal.
KASAlukuyan naman na inaayos ni Lazarus ang kanyang polo habang nasa tapat ng salamin.
Hindi niya akalain na makakasama niya sa kanyang bahay ang babaeng nakaonenightstand niya lang.
Bumaba na si Lazarus at nakita niya doon sa kusina si Ivanna na nagluluto.
Umupo si Lazarus sa may tapat ni Ivanna na nakatalikod sa kanya.
Pinagmamasdan ni Lazarus ang likod ni Ivanna.
Napalunok si Lazarus na mapatingin sa magandang hubog ng katawan nito at mapuputing legs nito.
Nakasuot lang ito ng t-shirt na may butas na design sa likod kaya luwa ang maputing likod ng babae at nakasuot rin ito ng black cotton short na nagpatingkad sa puti na binti.
Habang si Ivanna ay tuloy lang sa paghahanda ng pagkain pansin rin niya ang mga malagkit na tingin sa kanya ni Lazarus.
Naghanda siya ng ulam nito.
Dala niya ang mangkok na may ulam, lumapit siya kay Lazarus habang itong lalaki ay nakatingin lang sakanya.
Ng makalapit siya ay inilagay niya banda ang mangkok sa harapan nito, amoy niya ang pabango ng lalaki dahil nakatagilid lang siya dito.
Aalis na sana siya ng biglaang hinila siya ni Lazarus sa pulsuhan kaya napasubsob siya sa matipunong dibdib nito.
Lumakas ang tibok ng puso niya.
Dahan dahan niya inangat ang ulo niya at nagtama Ang mga mata nila.
Napalunok siya ng makita ang itsura nito.
Nakita niya na napalunok ang lalaki hindi niya alam kung bakit.
Nagulat si Ivanna na itulak siya nito buti at hindi siya natumba at nabalanse niya ang binti niya.
Gustong tingnan ng masama ni Ivanna ang lalaki pero ayaw dahil baka mambulyaw ito.
Nakatingin lang ito sa kanya at lumapit sa kitatatayuan niya.
At sinira ang damit niya na ikinalaki ng mata niya kaya lumuwa ang pink na bra niya.
“Sa susunod ayaw ko na nagsusuot ka ng ganyang damit dito”.madiing sambit nito.
Napatanga lang siya dahil normal lang sa isang babae na magsuot ng ganito lalo na at wala naman siyang uniform na pang maid.
“Ano bang gusto mo isuot ko?”.may halong inis na tanong ni Ivanna.
Nagcross arm ito. “Kahit ano basta’t nakatakip yang buong katawan mo”.malamig na sagot nito.
Napanganga lang siya dahil wala siyang ibang damit na ganun dahil halos mga sexy damit ang mayroon siya dahil nga mahilig siyang magparty.
“Teka wala kang karapatan na pati damit ko ay ikaw ang magdedesisyon”.inis na sambit niya sa lalaki.
Napakunot ito. “Baka nakakalimutan mo Ms. Garcia nasa pamamahay kita at lalong pagmamayari kita kaya I have my own na magdesisyon kung ano ang isusuot mo”. maawtoridad na sambit nito sakanya.
“Kung wala kang damit na magtatakip giyan sa katawan”.Ani nito sabay kuha nito ng credit card sa wallet at ibinigay sa kanya.
“Take this bumili ka ng kahit ano”.wika nito.
Kinuha niya ito kay Lazarus.
“Bumili ka rin ng mga food para dito sa bahay, may papapuntahin ako dito para may maghatid Sayo”.at lumapit ito sa kanya na kinakabog ng dibdib niya.
Napaatras siya pero mabilis nailapit ang labi sa may bandang tenga niya at may ibinulong ito.
“Di mo alam Ms. Garcia kung paano ako nagtitimpi”.huling sambit nito at umalis na.
Parang may mga boltaheng kuryente ang naramdaman niya sa buong katawan dahil sa sinabi nito isa lang ang nasaisip niya.
“Naakit siya saakin”.tanging na sambit niya pakiramdam niya tuloy parang may mga paro paro na gumagalaw sa tiyan niya na gustong kumawala.
Pagkatapos niya iligpit ang hinanda niyang almusal ni Lazarus na hindi naman na galaw dahil sa nangyari kanina.
Agad siyang naligo at nagsuot ng pantalon na may butas butas at plain na white t-shirts.
Ng makababa siya may nakita siyang lalaki na prenteng nakaupo sa sofa at naglalaro ito ng cellphone.
Tumikhin siya ng makababa.
Tumayo naman ang lalaki at tumingin sa kanya.
“Ohh hi Ivanna I’m Owen...


Lumber at your service!”. ngising bungad nito.
Napasimangot nalang siya dahil nandito nman ang mukhang babaero.
“Hi”.walang buhay niyang bati dito
“Oh eh bakit ganyan ang itsura nyo parang hindi ka masaya makita ang gwapong lalaki sa balat ng lupa”.biro nito
Napaasim naman ang mukha ni Ivanna pero hindi rin maipagkakaila na may itsura rin ito.
Wala siyang sinabi at tinalikuran niya nalang ito.
Pumasok siya sa backseat at sumunod naman ang lalaki.
“Saan tayo ma’am Ivanna?”.tanong nito sa kanya habang nasa biyahe.
“Sa market, at tsaka wag mo akong tawagin na ma’am dahil boss ko rin ang boss mo”.saad niya dito
“Hindi kasi bagay sayo na maging katulong”.pagdahilan nito
“Talaga?”.pagsigurado niya
“Oo naman siguro nga kung ako ay matagal na kita niligawan”.biro pa nito
Tumawa naman siya dahil sa biro nito.
Mahaba haba rin ang biruan nila natapos lang iyun ng makarating na sila sa market.
Pinaiwan niya nalang si Owen sa sasakyan at siya ang bumili ng mga kailangan.
Ginamit niya ang credit card ni Lazarus sa pangbayad dahil ito rin naman ang kumakain dahil siya kahit tira ok na sa kanya.
Pagkatapos niya ay dumiretso na siya sa kotse kung nasaan si Owen.
Tinulungan siya nito ilagay ang pinamili.
“Uwi na tayo”.ayaya ni Ivanna dito at pumasok sa kotse pumasok rin si Owen sa driving seat.
“Pero Sabi ni Boss ay bumili ka raw ng damit mo”.paalala nito
Naisip niya rin yun pero ayaw niya naman na dagdagan ang babayaran niya kay Lazarus.
“Wag na uwi nalang tayo”.sagot niya dito
“Pero…”hindi na natapos ang sasabihin nito dahil tiningnan niya ito ng masama.
“Oh sige na, aishhh papagalitan ako nito ni boss”.reklamo nito.
Nakauwi rin siya ng maayos umalis narin si Owen.
Ininit niya lang ang ulam na tira kagabi para sa tanghalian niya.
Pagkatapos at naglinis lang siya ng buong bahay pansin rin niya na puro mga painting lang ang mga nakadisplay.
Ng gumabi ay may narinig siyang ugong ng sasakyan.
Pero Hindi niya na ito pinansin nagpatuloy siya sa paghanda ng hapunan.
Nagulat siya ng makita si Lazarus na mukhang nagmamadali at humahangos pa ito.
“Bakit hindi mo sinunod yung iniutos ko sayo”.galit na bungad nito sakanya.
Nakaramdam rin si Ivanna ng konting kaba lalo na at umiigting ang panga nito dahil sa galit.
“Are you deaf?”.napaigtad siya na mangbulyaw ito.
“Ayoko lang kasi madagdagan yung babayaran ko sayo”.halong kaba na sagot niya.
“D*nm Ms. Garcia may sinabi ba ako na bayaran mo?”.bulyaw nito
Nakaramdam si Ivanna ng inis dahil sa pagbulyaw nito.
“Bakit ba kasi pinapakakailaman mo ang pananamit ko?”.hindi niya rin naiwasan na mainis dito
“Dahil ayoko na nagsusuot ka ng ganyan sa pamamahay ko”.bulyaw nito sa kanya
“Edih ako na ang bibili para sa sarili ko, hindi ko na kailangan ang pera mo”.inis na saad niya dito
Nakita niya na lalo ito nagalit.
“Baka nakakalimutan mo Ms. Garcia na bayad ka saakin kaya dapat sundin mo ang utos ko dahil you are mine now”.may diing sa huling sinabi nito.
“Edi sayong Sayo na ako!”.bulyaw na ni Ivanna dito.
Bigla naman natigilan si Ivanna na mapagkaalaman kung anong sinabi niya pansin rin ni Ivanna na namula ang mukha ni Lazarus na hindi alam dahilan kung galit ito o dahil sa sinabi niya.
Tumahimik ang pagitan nila ng basagin ito ni Lazarus.
“Sige bukas na bukas wag na wag mong tatanggihan kung may dadating dito ng sandamak mak na damit”.wika nito at agad na umakyat sa taas.
Napatanga nalang siya dahil sa sinabi nito iniisip niya nalang na sana ay hindi totoo ang sinabi nito na may dadating na mga damit.
Agad niya nalang iniligpit ang pinagkainan na Hindi na nabawasan.
Bago siya matulog ay kinamusta niya muna sila Karen at natulog na rin siya.
A/N: Pasensya na po sa mga Readers ko kung ngayon lang po ako nakapag update naging busy po kasi ako sa mga modules hehehe😅🤞.

3 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *