0

One Nightstand With Mafia Boss Chapter 4


Report

Nasa labas sila Ivanna at Karen Ng ER, makikita mo sakanilang itsura ang sobrang pag aalala
Maya maya.lang lumabas na ang doctor.
Sabay ang dalawang napatayo.
“Doc kamusta si Hanna?”.tanong agad ni Ivanna.
Huminga muna ng malalim ang doctor.”Masyado na malala ang kalagayan niya lalo na sa kanyang puso hindi naman siya pwedeng painumin ng pain killer dahil masyado pa siyang bata”.paliwanag nito.
“Ehh doc ano po ba ang ibig nyong sabihin?”.tanong naman ni Karen
“As posible kailangan na siyang operahan”.sagot ng doctor na ikinagulat nila.
“Ho!?, kailangan siyang operahan?”.tanong muli ni Karen.
“Oo ganun na nga”. sambit ng doctor
“Pero doc parang masyadong bata pa siya para maranasan ang operation na ito”.saad ni Karen
“Humihina ang puso niya kailangan talaga siyang operahan”.wika ng doctor.
“Magkano po ba ang babayaran?”.tanong ni Ivanna.
“Siguro aabot ito ng apat na milyon”. sambit ng doctor na ikanganga nilang dalawa.
“Kailan siya operahan?”.tanong muli ni Ivanna.
“Siguro bukas”.Ani ng doctor.
“Bukas na po agad!, Bakit parang Ang bilis doc”.parang hindi saang ayon sa wika ni Karen.
“Like what I said lately humihina na ang puso niya kapag pinatagal natin toh ay baka lalo pang lumala at kapag lumala kinakailangan na nating humanap ng heart donor”.paliwanag Ng doctor.
“At may tsansa ring maging successful ito dahil ramdam ko na lumalaban ang bata”. patuloy ng doctor.
“Sige doc gawin nyo ang lahat ng makakaya nyo para gumaling siya, at handa akong magbayad kung magkano pa yan”.sagot naman ni Ivanna.
Tumango namn ang doctor.”Wag kayong mag alala pwede nyo pa naman siyang makausap, sa ngayon pwede nyo siyang puntahan sa room niya, sige Mauna na ako”.paalam ng doctor.
Tumango naman ang dalawa.
Pagkaalis ng doctor agad nagsalita si Karen. “Paano na tohh Ivanna?”.tanong ni Karen kay Ivanna.
Napahilot naman sa noo si Ivanna. Habang nag iisip kung saan sila kukuha ng apat na milyon.
Napansin naman ito ni Karen na mukhang nag iisip rin ang kaibigan.
“Sige pupuntahan ko si Mr. Chao mag uutang ako sa kanya”.pagpapa alam naman ni Karen.
Si Mr. Chao ay isang intsik na utangan.
“Hindi, hindi ka pupunta Kay Mr. Chao”.pagpigil ni Ivanna.
“So saan naman tayo uutang, sa panahong ngayon walang magpapautang saatin”.may inis na sagot niya kay Ivanna
“May pera ako at sobra payun sa apat na milyon”.sagot ni Ivanna na kinagulat namn ng kaibigan.
“Huh?, saan naman galing Yan?.
“Basta, wag mo na nating pag usapan iyan ang mahalaga may pang paopera tayo”.sagot niya.
Na akmang aalis na si Ivanna pero pinigilan ito ni Karen.” Sabaihin mo saakin saan galing Yan?,”.tanong muli nito.
Napahinga naman ng malalim si Ivanna dahil alam niyang hindi siya tatan tanan ng kaibigan. “Naalala mo ba kahapon na sinabi kong may nakasex ako ayun ninakaw ko yun dun”.sagot niya.
Lumaki naman ang mata ng kaibigan.”Sigurado ka?”.
“Oo, wag na muna natin yun pag usapan ok”. sambit niya dito.
“Pero ninakaw mo yun Ivanna paano kung puntahan ka niya?”.pag aalala na tanong nito sa kaibigan.
Tinapik naman ni Ivanna sa balikat ang kaibigan. “Hindi mangyayari yun ok”.pagpapatatag na sagot niya dito para hindi mag alala.
Tumango naman ito bago sila tuluyang umalis para puntahan ang kwarto ng bata.
KASAlukuyan na nakaupo sa swivel chair si Lazarus sa kanyang office dito sa White House ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Tiningnan niya ito at napangiti siya ng makita ang tumawag sakanya.
Walang iba kundi ang kanyang girlfriend nasi Shaira.
“Good morning babe”.bungad nito sakanya.
Napangiti naman si Lazarus ng marinig ang malambing nitong boses. “Good morning too babe,”.bati niya rin dito.
Shaira Ocampo ang matagal na niyang girlfriend kasalukuyan ito nasa Italy kasama ang daddy nito. Isa rin itong doctor.
“Nag almusal ka na ba?”.tanong nito sakanya.
“Yeah, ikaw?”.tanong niya naman dito.
“Oo”.tipid sagot nito.
Mahaba haba rin ang kwentuhan nila dahil minsan lang talaga ito nakakatawag sakanyan, dahil sa marami rin itong pasyente.
Pagkatapos niyang ibaba ang cellphone ay siya rin pagpasok ni William sa kanyang office.
“What?”.bungad na tanong niya dito.
Umupo naman ito sa harapan niya.
“Nakuha ko na ang background ng babaeng naka one night nyo boss”.diretsahang sagot nito.
Kumunot ang noo niya at tumango rin.
“So, sino siya?”.tanong ni Lazarus dito.
“She’s Ivanna Garcia, 27 years old, nakatira siya sa *******Street, at wala siyang matinong trabaho kaya pagnamakaw rin ang ginagawa niya”.mahabang kwento nito.
“Ok, samahan mo ako pupuntahan natin siya”.Ani niya dito.
“KAMUsta na ang pakiramdam mo hanna?”.tanong ni Ivanna sa bata.
Kakagising lang nito kanina at pinakain na rin ito ni Ivanna ng tanghalian.
“Ok na po ako mommy”.mahinang sambit nito pero sapat na para marinig niya.
Ngumiti si Ivanna sa bata hindi niya rin alam kung paano sasabihin sa bata na kailangan nitong magpaopera, awang away rin siya sa bata dahil...


masyadong bata pa ito para maranasan ang ganitong kalagayan.
“Magpahinga ka muna ok”. sambit niya dito.
“Opo”.sabay pikit ng mga mata nito.
Napahinga naman ng malalim si Ivanna.
Maya maya biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Iniluwa nito si Karen namay dalang damit ng bata.
“Ohh tulog na pala siya”.bungad nito at inilagay ang bag sa may sofa.
“Oo pinagpahinga ko muna siya”.saad niya dito.
“Hmm mamaya ko nalang siya papalitan, ikaw umuwi ka muna para makaligo, ako na ang bahala dito”.utos nito kay Ivanna
Tumango si Ivanna at nagpaalam na rin siya.
Nakauwi naman siya ng maayos sa apartment. Pansin rin niyang may dalawang kotse na nakaparada sa harapan ng apartment.
Hindi niya alam pero parang kinakabahan siya pero isinaalis niya nalang sa kanyang isipan, at inisip na baka may bisita ang kapitbahay nila.
Binuksan niya ang pinto at isinarado rin, at dumiretso sa sala pero ganun nalang ang gulat niya na makita na may lalaking nakaupo sa sofa.
Nakasuot ito ng tuxedo para itong hari na nakaupo sa upuan.
Dahan dahan niyang tiningnan ang lalaki at nanlaki ang mga mata niya ng makilala kung sino ngayon ang kaharap niya.
Bumilis ang tibok niya na magtama ang mata nila.
“Nagkita rin tayo”.bungad nito sakanya.
At ang lalaking yun ay walang iba kundi ang nakaonenightstand niya.
“Anong gi..naga.wa mo dito?”. nauutaltal na tanong ni Ivanna kay Lazarus.
Ngumisi naman si Lazarus ng makita ang reaction ng babae.
“Hindi mo ba itatanong kung sino ang kaharap mo o kaya pagsilbihan ang bisita mo”. nakangising sambit ni Lazarus.
Napalunok naman si Ivanna dahil kinakabahan talaga siya.
“Sino ka pala?”.may halong kaba niyang tanong.
Tiningnan lang siya nito. “Gusto mo ba ng kape or juice?”.patuloy ni Ivanna.
“No thanks,”.tipid na sagot ni Lazarus
“Lazarus my name and you are?”.tanong naman nito kay Ivanna
“Ivanna”.sagot ni Ivanna.
Tumango lang ito.
“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, I need my necklace na ninakaw mo”. baritonong sambit nito kay Ivanna.
Hindi naman nakapagsalita si Ivanna dahil sa sinabi nito. Napakurap Lang siya ng ilang beses.
“Are you deaf?”.dun lang natauhan si Ivanna
“Ano bang kwintas ang sinasabi mo?”.pinatatag ni Ivanna ang kanyang boses na hindi mautal ngunit nandun parin ang kaba.
“Don’t lie little sl*t “.bulyaw nito kay Ivanna
Natakot naman si Ivanna dahil sa pagsigaw nito kaya napaatras siya.
Sobrang bilis ng tibok niya habang pinagmamasdan ang lalaking nasa harapan niya na parang bang nagliliyab Ang mga mata nito sa galit.
“Boss nakita ko na”.sabay silang napatingin sa nagsalita.
Isang lalaki na may salamin ang nakita ni Ivanna at mukhang bata pa ito.
Lumapit ito sa kanila at ibibigay sa amo ang nakuha.
Kinuha ni Lazarus ang binigay sa kanya ni William.
Pinagmamasdan ng mabuti ni Lazarus ang kwintas na parang sinisiguradong hindi ito peke.
“So ikaw pala si Ivanna?”. napatingin naman si Ivanna sa lalaking kasama ni Lazarus na tanungin siya nito.
Tumango siya. Napakunot si Ivanna na makitang tiningnan siya nito sa baba hanggang ulo.
Wala namang masama sa suot niya, isang plain na pantalon at white t-shirts pero kita parin ang hubog ng katawan niya.
Napangisi si William dahil sexy at maganda ang nakaonenight ng boss niya.
“Don’t look like that Willam”. maawtoridad na sambit ni Lazarus kay William na mapansing ang malagkit na tingin nito kay Ivanna.
Ngumisi lang sa William sa boss niya.
Tumayo si Lazarus at lumapit kay Ivanna pero huminto ito Ng may ilang distansya.
Napatitig si Ivanna kay Lazarus.
“Nasaan ang pera?”.tanong nito sa kanya
Napatunganga si Ivanna na magsink sa kanya ang tanong nito na ang limang milyon ang tinutukoy nito.
“Wag mong sabihing ginastos mo na?”.may diing tanong nito.
“Babayaran ko yung limang milyon”. diretsahang sagot ni Ivanna kay Lazarus.
Dahil kung ibibigay niya ang limang milyon wala na siyang ipangpapaopera kay Hanna.
Napangisi si Lazarus sa sagot ng dalaga.
“Kailangan ko yung pera kaya ibigay mo saakin ngayon”. maawtoridad na sambit ni Lazarus.
Hindi alam ni Ivanna ang gagawin pakiramdam niya nabuhusan siya ng malamig na tubig.
“Hindi ko pwede ibigay sayo dahil kailangan ko yun”. mahinang sagot ni Ivanna
“Kay ninikaw mo”. sambit ni Lazarus
“Gusto mo bang makulong?”.tanong ni Lazarus na ikinagulat ni Ivanna.
Pakiramdam ni Ivanna maluluha na siya.
“Hindi pwede please wag”.pagmamakaawa ni Ivanna
“Gagawin ko ang lahat please”. patuloy pa ni Ivanna at tuluyan na tumulo ang luha niya.
Lumapit naman si Lazarus kay Ivanna hanggang may konti nalang na distansya.
“Sige, I want you to work to me”.saad ni Lazarus dito.
“Anong trabaho”.nauutal na tanong ni Ivanna.
Ngumisi si Lazarus at inilapit ang mukha kay Ivanna.
“Be my maid!”.
A/N: Sorry po pla kung malaswa yung cover photo ko pero pinalit ko na po kaya sana maintindihan nyo po.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.