0

ONE MILLION ROSES


Report

Abala ako sa pagsasaayos ng mga bagong deliver na bulaklak sa shop ngayon. My family owned and inherited this from our ancestors, from my great grandmother Lola Linda. Natatandaan ko pa nang ikinuwento ni Mommy na ang dati raw nitong pangalan ay Hermosas Flores. Hango ito sa wikang espanyol na ang ibigsabihin ay ‘beautiful flowers’ o mga magagandang bulaklak.
Ngunit ngayon ay napalitan na ng Flower Deities. Si Mommy na ang nagpalit niyon. At bilang kanyang nag-iisang anak na babae ay mukhang sa akin ito ipamamana. Wala rin namang hilig dito si Kuya Diego. Sa tingin ko nga ay mas masisiyahan s’ya kung mga sasakyang panghimpapawid ang masisilayan n’ya.
What should I expect to a pilot being fascinated with airplanes and the sky?
Bakasyon ngayon kaya naman ay ako ang inatasan ni Mommy na mamahala sa flower shop sa dalawang buwan kong bakasyon. Wala na rin sa aking kaso iyon dahil nasasanay na ako.
“Ms. Cherry kung kumpleto na raw ho ba ang ipinadalang bulaklak?” tanong sa ‘kin ni Javy, isa sa mga assistant ko rito.
Tumango ako nang nakangiti.
“Yes, they are. Nando’n pa ba sa labas ang flower suppliers natin?”
“Opo, Ms. Cherry.”
“All right. Pupuntahan ko na muna sila para sa bayad.”
Tipid na tango na lang ang nagawa ni Javy. Siya na rin ang pumalit sa puwesto ko kanina. Tinalikuran ko siya na nag-aayos na ng mga makukulay na bulaklak sa istante. Mabilis rin naman akong nakapagbayad. Kinausap ko nang kaunti ang supplier na siyang suki na namin simula pa man noon.
Masaya akong pumasok ng shop. Sa dami ng bulaklak na ni-order namin ay naka-discount pa rin kami. Well… ang galing ko talagang mambola!
Akala ko ay magbibilang kami ng ilang oras bago magkaroon ng customer. Usually kasi, nagsisipagdagsaan lang ang tao rito sa shop kung may espesyal na okasyon. Kung wala naman masyado, ay heto medyo matumal ang kita.
Ngunit kadalasan naman ay hindi natatapos ang araw na may sa sampu hanggang labinlimang dumadaan. Para magpaayos at magpagawa ng bulaklak.
Thirty minutes have passed right after the freshly picked flowers were delivered to our shop. The flower shop’s bell rang, a signal that a customer came in. And it revealed a beautiful man I’ve ever seen in my entire life.
He’s wearing a baby blue long sleeve polo and black slacks. There’s a white coat folded and hanging on his right arm. His clean cut hair and charming smile, I knew that he’s a doctor.
“Ah.. good morning! Is this Hermosas Flores, the flower shop?” He asked while reading the name of our shop on a piece of paper. Cute.
“Yes, it is Sir. But Hermosas Flores was its former name. It’s now Flower Deities, welcome! How may we help you Sir?”
He smiled as he walk towards my direction on the counter. Mas makisig pala siya lalo na kung mapagmamasdan nang malapitan.
“I would like to buy a bouquet of flower, Miss. I want it to be simple and sincere.”
“All right, Sir. Please take a seat in the meantime. We’ll give it to you right away.” I smiled at him.
Tatalikod na sana ako nang tawagin niya uli ako. Not by my name but with ‘Miss’.
“Yes, Sir? Is there anything else you need, sir?” Ewan ko kung bakit ko pa ito natanong. Bulaklak lang naman ang mayroon kami, hindi ba?
He chuckled.
Iyan tuloy nagmukha na akong katawa-tawa sa paningin niya. Yaay, kahiya! I shouldn’t have asked that nonsense question. Akma na akong aalis nang magsalita na siya.
“What’s your name?”
Three words. I didn’t know would lead us to our beginning.
“Cherry, Cherry Mendrez. Sir…?”
He smiled again. “Bellissima. I mean, nice meeting you. Don’t call me Sir. It should be Travis. I’m Travis Leonardo.”
He handed his hand on me by which I also gladly accepted. I thought it was just for a hand shake. I was surprised when he placed it infront of his lips. In a split second, I felt his soft lips at the back of my palm. He kissed it.
Javy showed up while holding the bouquet of flowers that Travis ordered. Good thing she didn’t saw us from that position.
Hindi naman sa wala akong tiwala kay Javy ngunit mabuti na ring nag-iingat. Mahirap nang ma-issue.
“Ito na po sir ang ipinag-uutos niyo. Nakuha po ba ang inaasahan niyo?” magalang na tanong ni Javy.
“Yes. Thank you.”
Akala ko ay tuluyan na iyong tatanggapin ni Travis nang mabitin sa ere ang kamay ni Javy. Hawak niya pa rin ang bulaklak.
“Pakibigay na lang rin kay Cherry. Heto ang bayad. Maraming salamat uli.”
Gulat akong napatingin sa kanya. Bakit? Ngunit hindi rin naman ito ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak. Karamihan ay nagmula ito sa mga kakilala at… oo sa mga manliligaw ko. Ngunit hindi ko rin mawari kung bakit iba ang nararamdaman ko ngayong galing ito sa isang estranghero.
He’s handsome, yes. A good looking stranger, yes he is! And I wouldn’t lie that I’ve liked him that moment I saw him enter our flower shop.
Maybe, maybe this is what they called love at first sight?
“P-po? Nais niyo pong ibigay ito sa amo ko? Kay Ms. Cherry po o ibang babae po na kasing pangalan lang ng amo ko? Ah e, hindi po kasi kami nagde–” pinutol na ni Travis ang dapat na sasabihin ni Javy. Siguro’y ngayon lang siya nakabawi sa pagkakagulat rin kanina.
“Oo. Sa kanya ko nga gusto ibigay. Kay Cherry Mendrez at wala nang iba. My beautiful deity, indeed.” Marahang pagtawa ang narinig ko mula sa kanya.
Napatungo na lang ako. Alam kong kasing pula ko na ngayon ang kamatis. Ramdam ko rin ang matinding pag-iinit ng pisngi ko. Ano’ng nangyayari sa akin?
“I hope this will not be the last time we’ll see each other, my beautiful deity. Arrivederci.” Iyon na lang ang narinig ko. Bago siya nawala sa harapan ko.
Pag-alis niya ay agad ko namang narinig ang tili ni Javy. Akala ko kung anong meron na o napahamak na kami. Sunod na lang na naramdaman ko ay ang pagtusok niya sa tagiliran ko.
“Iba talaga ang ganda niyo, Ms. Cherry! Waaah ang gwapo po talaga ng lalaking iyon ‘no!?” tili niya.
Halos takpan ko na ang mga tainga ko sa kasisigaw niya. Pilit ko ring sinasalag ang daliri niyang akma na naman akong tutusukin sa tagiliran. Nakalimutan na niya siguro kung sino itong ginaganito niya.
“Oo, gwapo siya. Tama ka Javy, kaya.. ang mabuti pa’y bumalik na tayo sa ating trabaho.”
“Pero po.. wala na naman po tayong customer. Magkuwentuhan na lang tayo!” Umiling ako sa kanya.
“Kahit na. Oras pa rin ng trabaho kaya’t lahat ng walang kaugnayan sa trabaho ay dapat na isantabi.”
“Opo. Masusunod po, Ms. Cherry. Pasensya na po.” Nakayukong aniya.
Papasok na sana ako sa maliit kong opisina nang mapahinto ako sa sinabi niya.
“Ms. Cherry, iyong bulaklak niyo po nakalimutan niyo!”
“Salamat.” saad ko nang tuluyang matanggap ang bulaklak at isinirado ang pintuan ng opisina.
Napasandal ako sa likod ng pintuan. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi.
“Travis…” nakangiti kong usal sa pangalan ng makisig na binata.
• • •
“5 bouquet of roses for me, please.” wika ng kung sino.
Hindi ko na magawang tingnan kung sino iyong sumunod na customer. Masyado na akong abala sa kanina naming customer. Ngayon na raw kasi ang kasal ng pamangkin niya kaya heto at kinukulit na kami sa bulaklak.
“No’ng isang linggo ko pa iyan ipinasadya sa inyo ‘di ba? Oh, bakit ngayon niyo lang inasikaso? Dyosko naman! Ang palpak ng serbisyo niyo!” iritableng saad ng ginang.
Napapikit ako sa biglaan niyang pagbulyaw. Hindi naman sana ito mangyayari kung hindi nagkasakit ang halos kalahati ng empleyado ko. Iyong iba naman ay nagka-emergency no’ng nagdaang linggo.
Napabuntong hininga na lamang ako.
“Anong ibinubuntong hininga mo diyan? Magmadali, mamayang alas tres na ang kasal ng pamangkin ko?! Hindi ba’t ikaw ang manager? Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Ipagawa mo iyan sa empleyado mo! Dyoskopo.”
“Pasensya na po talaga, Mrs. Alduande. Kulang po kasi kami sa staff noong nakaraang linggo kaya ngayon lang namin naasikaso. Kaunting oras lang po ang hinihingi ko sa inyo. Matatapos rin po ito.” Pinilit kong ngitian siya sa kabila ng iritasyong nararamdaman ko na rin.
Kung siya kaya rito at kung makapagmadali naman ay parang ang dali lang itong ayusin. Kalma lang, Cherry. Naiintindihan mo ang ginang. You have to be professional.
“Javy, pakidala mo muna si Mrs. Alduande sa opisina ko nang makaupo siya. Pakidalhan mo na rin ng tsaa.”
Ipinagpapasalamat ko nang hindi na ito nag-eskandalo pa. Tahimik itong sumama kay Javy papunta sa aking opisina. Pansin ko rin na kalmado na uli si Mrs. Alduande.
“Sasha, Aleeza at Bianca kayo na muna ang bahala rito. Sampung bouquet na lang naman ang hindi nagagawa. Makakaya niyo na ba iyon?”
“Opo, Ms. Cherry. Pasensya na po ulit.” They all said in unison.
Bale dalawampu’t isa ang kinakailangan naming matapos na bouquet. Isa para sa bride ang pinakaespesyal at dalawampu naman para sa bridesmaid.
Makalipas ang isang oras ay natapos rin. Kalmado nang lumabas si Mrs. Alduande sa opisina ko at agad na dumiresto sa gawa naming bulaklak. Tila biglang nawala ang mabangis na tigre kanina at napalitan ng isang napakaamong tupa.
“Tunay ngang magaganda ang gawa niyo, Ms. Mendrez. Hindi ako nagkamali sa pagpili. Napahanga ako ngunit sana’y hindi na maulit ang kanina. Inaasahan ko rin ang maagap niyong serbisyo sa susunod.”
“Opo, makakaasa po kayo. Pasensya na po talaga Mrs. Alduande.”
Nakahinga ako ng maluwag nang nakaalis na si Mrs. Alduande. Bumalik rin ako agad sa counter para naman asikasuhin ang sunod na customer. Ngunit hindi na pala kailangan dahil nando’n na si Aleeza.
Naisipan ko na lang tuloy na magpahinga sa opisina. Pero hindi ko na rin pala magagawa dahil sa taong humawak sa palapulsuhan ko.
“Travis..” sambit ko.
“Hindi mo man lang ba ako pagbebentahan?” ngisi niya.
Napatingin ako sa may counter at laking gulat ko nang nakatingin na rin pala sa gawi ko si Aleeza. Aleeza’s one of my mother’s eyes lalo na kung may lalaking lumalapit sa ‘kin. For sure she’ll tell this to Mommy.
I abruptly removed Travis’ hand on my wrist. I saw how he was shocked but then he managed to give me a smile, like he always did.
“B-bakit? Ahm… nand’yan naman si Aleeza. Pakisabi na lang sa kanya ang order mo, doc.” I smiled too.
Mabuti’t sa kabila ng di maipaliwanag na kaba ay nagawa ko pa ring ngitian sya. He was in his usual attire. Probably, he is on duty as I notice that familiar white coat clinging on his right arm again.
“Pero mas gusto ko ikaw…” he paused. “ang mag-asikaso no’n para sa ‘kin.” He pleaded, almost whispering.
Halos limang buwan na syang ganito. Consistent customer who orders 5 bouquet of flowers a day. Let me rephrase that, he always orders 5 bouquets everyday until the cycle goes on. We became close since then, he’ll invite me for lunch and we’ll eat together. Pero hindi ko rin talaga mapigilang hindi mapaisip.
Sino kaya ang binibigyan nya ng mga bulaklak na ‘yon? To think that he has a girlfriend makes my heart prickled.
“Ms. Cherry!” tawag sa ‘kin ni Aleeza.
Kapagkuwan ay saglit akong natanga sa kinatatayuan ko. Hanggang sa lumapit na sa pwesto ko si Aleeza, bumulong sya at sinabing magc-CR lang daw. Kaya naglakad na uli ako papuntang counter. At ramdam ko rin ang pagsunod ni Travis sa likod ko.
“So, ilang bouquets nga ulit, doc?” bungad ko sa tonong nang-aasar.
“Doc?” Nakangiting aniya habang napapailing.
Hindi ko alam ngunit sa tuwing tinatawag ko sya ng doc ay laging ganito ang reaksyon nya. Kapansin-pansin ang pagkawili sa kanyang ekspresyon.
Napailing na lang rin ako. Bakit pa ako nagtanong e alam ko na rin naman kung ilan ang lagi nitong order. Stupid me!
“5 bouquets of red roses. Here you go, sir.” sabi ko.
“Thank you, my beautiful deity.”
“Ang bolero mo, doc! Siguro sa mga babae mo ‘yan binibigay.” Pabiro pa ako umiling-iling.
All I heard was his soft chuckles. I pouted. Tingnan mo nga naman talaga oh, hindi nya tinangging sa mga babae nya nga ‘yan. Turn-off na ata ako sa’yo doc.
“What’s your favorite flower, Cherry?” He suddenly asked.
“Bakit bibilhan mo rin ba ako?” Biro ko.
“Just answer me…”
I giggled before answering him.
“Roses.”
“Then roses it is. Pabili ako.”
Wala nang tanong tanong ay inihanda ko ang inorder nya. Hindi ko na inisip na bibilhin nya ‘yon para sa ‘kin. I would never assume unless it is stated.
“Heto na doc.” Inilapag ko na sa counter table ang isang palumpon ng mapupulang rosas.
“Para sa’yo ‘yan.” Hindi man lang...


sya pumikit nang sabihin nya ‘yon.
Kita siguro sa ekspresyon ko ang pagkakagulat kaya gano’n na lamang ang laki ng ngiti nya sa ‘kin. Hindi ko rin maipaliwanag ang mabilis na pagtatambol ng puso ko sa saya at kilig.
“T-talaga doc? Baka pinaaasa mo lang ako.” Biro ko nang makabawi sa gulat.
“Para sa’yo talaga ‘yan. Red roses resembles your beautiful name, Cherry. And… if you haven’t notice, I am courting you.”
My eyes widened on the words he said. Natulala ako. Seryoso ba sya o pinaglololoko nya lang ako?
Ipinilig ko ang aking ulo. Pakaraan ay nagawa ko ring ngitian sya.
“You’re a good joker, Travis.” Tipid akong napatawa.
“I’m serious, Cherry. More than serious on you.”
Nagkibit balikat na lang ako. Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang pumpon ng rosas. Napangiti ako nang maamoy ang sariwa at mabango nitong samyo.
“Salamat dito Travis. Pero marami na kami nito kaya hindi mo na kailangang mag-abala na bigyan ako.” Tipid lang syang napailing sa ‘kin.
“Kung gano’n ay kailangan ko pa lang higitan ang mga rosas na mayroon kayo rito. Can I earn your sweet yes from that?” He smirked.
° ° °
Today is our 8th monthsary. Yes, after his 4 months of courting me, I finally gave him my sweet yes of which he called. Hindi ko naman kasi ugali na patagalin pa ang isang bagay kung alam ko naman ang nararamdaman ko sa kanya.
I love him and I can also feel that we’re on the same page. Our feelings were mutual.
Naalala ko pa nang araw na sinagot ko sya ay no’ng inaya nya akong magdinner date. I wore a simple black dress. Napaka formal ng dating ko kaya nang matanaw nya ako ay pansin ko ang kaba sa mukha nya. Napangisi lang ako.
Siguro iniisip nya na babastedin ko na sya. The dinner went well, after finishing the main course that’s when I decided to tell him my answer about his courtship. He was sipping his glass of red wine when I uttered the word ‘yes’. He choked.
Tawang tawa pa rin ako kapag naaalala ko iyon. The doctor and his ever cute gestures.
“Are you ready, baby?” He softly whispered while assisting me at every steps I took. Because I was in a blindfold.
“Travis.. nakakainis na ‘yang pasurprise mo. Ang dami mong paandar!” Peke ko pang nahampas ang mga kamay nya na nasa balikat ko.
Mahinang pagtawa lang ang nagawa nitong isagot sa ‘kin. Kahit na nakapiring ang mata ko’y nagawa ko pa ring umirap.
“Open your eyes, baby.” he said after he gently removed the handkerchief on my eyes.
Sumalubong sa mga mata ko ang isang kwarto na may mga balloons na nakadikit sa pader. At ang mga letrang ‘happy monthsary’ sa ginto at pilak na balloons. May mga pagkain na rin sa mahabang puting lamesa.
There were fairy lights and scattered roses on the wooden floor. Everything’s simple yet romantic.
“Happy monthsary, baby.” He kissed me at my forehead.
“Happy monthsary. I love you and thank you!” I said while clinging my arms to his nape still, having my sweet smile.
We were swaying, dancing slowly while following the rhythm of the slow and mellow music that’s both our favorite.
“You know that I love you more baby.” He was about to claim my lips when the door flung open.
It revealed a group of grannies. They are all holding a stem of red rose while smiling sweetly at me. Only the old woman who opened the door managed to say a word.
“Teka, sino ka hijo? Ikaw ba ‘yan, Doc Trav–” inunahan na ni Travis ang dapat na sasabihin ng lola.
“Opo. Ako nga ito Tita Rosita, kayo pa nga po ang laging nagsasabi na napakagwapo kong binata hindi ba? I am the sexiest doctor in this lifetime.” Nagawa pa nitong kumindat sa ‘kin. Inirapan ko na lang nga.
Pakinig ko ang pagtawa nang ilang mga matatanda na nasa likod ni lola Rosita. Nakangiting napapailing na lang rin si lola Rosita sa tinuran ng binata.
“Pasok po kayo. Join us on our simple celebration.” Paanyaya nya. Tumango rin ako at nakangiting sinalubong sila papasok.
“Napakagaling mong umarte hijo. Nalimutan mo na atang kakuntsaba mo kami?” saad uli ni lola Rosita.
Natawa na lang ako nang pabirong hinampas ng matanda sa ulo si Travis gamit ang rosas na hawak. Inabot ito sa ‘kin ni Lola Rosita na hindi naman gutay gutay. Ganoon rin ang ginawa nang sumunod na mga matatanda. May ilan na pinuri ang kagandahan ko habang karamihan sa kanila ay ginawaran lamang ako ng matamis na ngiti.
“This is where I work, baby. A place where I can almost call it a second home, the home for the aged. I’m glad that I’m their doctor.” Kita ko sa mga mata nya ang pagmamahal nya sa trabaho at sa mismong mga tao na kasama nya rito.
“And they’re much more glad to have you, Travis. They deserve you, baby.” I smiled.
“No one’s ever deserving for me no other than you, baby. Always remember that.” And he sealed his words with a kiss.
I thought that sweet moments will stay longer. I thought it would last long not until the most shocking news knocked on my door. How I wish I didn’t open the door and heard the news.
The man I loved. The man who vowed to love me until forever already left me. He died from a plane crash.
Hindi lang ang eroplanong iyon ang bumulusok paibaba, pati ako. Kagaya ng eroplano ay para akong naputulan ng pakpak nang araw na iwan nya ako. Hindi man nya intensyon ngunit naiwan nya pa rin ako.
He was my cloud nine, he will forever be. My sunshine behind my cloudy skies and stormy heart. And now he’s gone…
I was busy arranging the freshly delivered flowers at the stands when the bell rang and the shop’s door went open. An early customer at April morning. Usually ay wala kaming gaanong customer tuwing buwan ng Abril, bibihira lang kasi ang okasyon.
A man wearing a white coat, gray inside long sleeve and black slacks approached the counter. His looks kinda familiar at me.
“Good morning, is this Hermosas Flores?” I think I’ve heard that before.
Isang tipid na ngiti ang kumawala sa aking labi.
“Yes, it is sir. Hermosas Flores was our shop’s former name. It was renamed as Flower Deities after the how many years and because of different owner.” He was just silently listening at me.
Strange. Why am I having a feeling of déja vù in here?
“Interesting. All right then, may I please order 5 bouquets of tulips.”
I am not looking to the faces of my customers since then but his remark pushed me to look him in the eye. Saglit na nanlaki ang mata ko nang mapagmasdan sya ng mabuti.
This can’t be happening. You’ve got to be kidding me here.
I bit my lower lip to stop myself from shredding a tear nor to stop sobbing. It’s been a year still I miss him. I miss him so much that I’m seeing his face to the customer in front of me.
“T-travis…” I held his face, convincing myself that he was my love.
“I’m sorry but Travis isn’t my name. My name’s Travon, Doctor Travon Leonardo.” Parang napaso ang kamay ko nang magpakilala sya.
He sure is not my Travis. May pagkakahawig sila sa mukha ngunit kung pagmamasdan ng mabuti ay malalaman ang kanilang pagkakaiba. Si Travis ay may nunal sa ibaba ng kanang mata malapit sa kanyang matangos na ilong habang si Travon ay nasa may itaas ng kanyang labi.
And have I heard it right? His family name is similar with Travis.
“Doctor?” I uttered confuse. Sa pagkakaalam ko si Travis ang doktor sa pamilya Leonardo.
“Yes, Miss. I am the eldest of Leonardo’s and yes, Travis is my brother. I am also the only doctor in the family.”
Hindi rin sa ‘kin nasabi ni Travis na may kapatid sya. Mukhang marami pa pala akong hindi alam sa kanya.
“But how can you explain the uniform he wears whenever he come by to visit me? Are you really telling me the truth?”
“It was mine. He was disguising as me like he always do. My brother’s not a doctor, he was a landscape architect. He was doing a project in Greece which would be his supposedly big break for his career. But then, things happen and misfortune came on his way…” his voice was sad like his eyes. It pained my heart seeing someone in this state again.
I remember myself in him.
“I’m happy that you are moving forward and doing well, Cherry. My brother loves you so much that he wanted me to give you this. I hope I’m not yet late.” Kuya Travon handed me a red scented envelope. There’s a key at the top of it and a small piece of paper.
“Thank you po, kuya.”
“No problem. Just a small thing.”
Isang address ang nakapaloob sa kapirasong papel. Maaga pa naman kaya naisipan ko nang puntahan ito. Nag-iwan na rin ako ng note na maaaring mabasa ni Javy o Aleeza. Sila na muna ang bahala sa shop.
Pakiramdam ko kasi malaki ang mawawala sa ‘kin kapag hindi ko sinunod ang nararamdaman ko. My Travis wants me to discover this by myself.
Isa’t kalahating oras ang itinagal ng byahe bago ko narating ang address. Isang kulay green na gate ang tumambad sa ‘kin pagkababa ko ng aking kotse. Malinis ang paligid sa labas pa lang ng gate. Halatang namimintina ng maayos.
Nang mapansin ko ang padlock ay agad na kinuha ko sa aking bulsa ang susi. Tama ang aking hinala na para ito rito.
Ganoon na lamang ang pagkamangha, gulat, saya at halo halong emosyon ang naramdaman ko nang makita ang nasa likod ng berdeng gate.
Roses. This whole place is full of white and red roses. It’s so beautiful like a paradise you won’t get tired to look at.
In the middle of the fields of roses there stood a wooden like bench. But when I got near it, I realized that it is made of cement. It fooled me. Very creative.
Nang makaupo ay doon lang muli sumagi sa isipan ko ang envelope. Binuksan ko ito at isang liham ang tumambad sa akin. Halos magtubig ang mga mata ko nang mapagtantong ito ay kanyang sulat kamay.
Dear Cherry,
How are you, baby? I hope you are not missing me that much. If you are reading this now, I’m glad and thankful that Kuya did what I asked him. How do you find the small garden I made for you, baby? I made what I promise. And I’m sorry if I’m not around anymore. I’m not there with you, I picked that place because it’s perfect when the sun rises and sets. I was planning to look at your beauty at those two phases of the sun. Do you like the two colors of roses I planted? It has meaning baby. Red roses reminds me of you, your red lips and your beautiful name as red as roses. White roses symbolizes my purest love for you baby, forever. My love for you is just like those millions of roses, greater and infinite. And I’m sorry that I lied about my job. I was just too shy to face you with my not so good progress at my real job. I don’t have anything yet to prove to you. I am not yet deserving of you. I love you. I love you more than my life baby. You knew that. Happy Anniversary!
Yours truly,
Travis
Hindi na matigil sa pagtuluan ang mga luha ko matapos mabasa ang liham nya. Oh god, I almost forgot this day. April 6, our 2nd Anniversary. How can he planned it perfectly as if he knew the things that would happen in the future?
He never fail to surprise me. My man has different ways of surprising me and that’s one thing I love and hate about him.
I love his other surprises. The only surprise that I will forever hate was his death.
But I know that he’s happy now at the real peaceful paradise and so, I’ll be fine and happy too.
I smiled while looking at the sky and the rising sun. I closed my eyes and let the soft breeze and sunlight touched my skin.
“Don’t worry my love, I promise that I will always take good care of our one million roses. I love you,”
° ° °
CESIA ELIZALDE (starlettblue)
Photo used not mine. Credits to the rightful owner. Thank you for reading all the way here 🐧💙


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.