One Hot Summer

6

Ilang beses kong inignora ang kanyang mga texts at tawag.Hindi naman sa ayaw ko itong sagutin,pero alas onse na ng gabi noon at napakaalinsangan.Hindi na nga ako makatulog dahil sa init ng gabi,dumagdag pa ang mokong na ito na lalaong nagpagulo ng gabi ko…

HOLY WEEK 2013

Nagpasya akong magbakasyon ng tatlong araw at umuwi ng probinsya para makasama ko ang pamilya ko.
Dahil sabik ako sa galaan,pagdating ko sa amin matapos makapagpahinga saglit ay nag-umpisa na akong magtext sa aking mga highschool friends na mga nagsiuwian din mula sa iba’t-ibang lugar.
Mabilis naman sa alas kuwatrong nagsipagreply-an ang mga ito.
Nagkasundo kami na magge-get together sa isang lugar malapit sa ilog.

Pero siyempre,bago ang takdang oras ay nakipagkita muna ako sa bestfriend ko.Ang init,sobra!!
Dahil siguro doon kaya ako nahilo at pag-uwi nang bahay ay ipinasya kong huwag na lang tumuloy sa usapan namin ng barkada.
Naisip ko kasi na hindi naman pupunta ang bestfriend ko(niyaya ko kasi siya pero sabi niya for single ladies lang daw,pamilyado na kasi)so,magpapass na rin siguro ako.

Ipinasya kong umidlip sandali.Promise,sobrang nahihilo talaga ako.Hindi nakatulong ang pag-ihip ng preskong hangin sa mukha ko.Ang init parin at para akong sinisilaban.
Sabagay ano namang bago?Eh summer nga ‘di ba?

Nasa kalagitnaan na ako nang pagtulog nang mag-ring ang noo’y 1100 kong di keypad na cellphone,haha!

“Hello”,bungad ko.

“Hello,uy ano na,makakapunta ka ba?”,tanong ng isa kong kaibigang babae.(wag na lang nating pangalanan)

“Naku,baka malabo na,Pasensiya na,medyo nahihilo pa kasi ako.Kagagaling ko lang kasi ng bayan.Pag-uwi ko,gan’to na ang pakiramdam ko.Sorry talaga”.

“Ganun ba,friend?Sayang naman.”may panghihinayang sa boses ni frenny nang sumagot.

Ilang minuto din kaming nagkausap bago ito nagpaalam.

Nahiga na ako ulit nang mag-ring na naman ang cp ko.Si frenny ulit.

“Hello”.

“Hello,naku pasensya ka na,friend.May nangungulit kasi dito at gusto ka daw makita”.

“Huh?–“,at ‘di ko na nabigkas ang itatanong ko sana dahil may umagaw na ng phone ni frenny.

“Hello”,anang boses ng lalake sa kabilang linya.

“Hello,sino naman ‘to?”tanong ko na medyo humanga sa ganda ng tinig nito.

“Haha!,si Jonathan ‘to(binanggit ang apelyido),Kumusta ka na?” sabay tawa sa kabilang linya.

Si Jonathan ay classmate ko noong fourth year highschool ako .

“Ah si Jonathan,hello okay lang ako.Ikaw?”

“Okay na ako,nakausap na kita eh”,at tumawa ulit siya sa kabilang linya.

Hmp!medyo napreskuhan talaga ako sa kanya.
Naiinis na ako pero ‘di ako nagpahalata.Kung anu-ano lang naman ang napagkwentuhan namin at halos gusto ko na siyang babaan ng cellphone.
Paano naman kasi eh tawa lang naman ito nang tawa na para...

bang ginugood time lang ako.

Nang sa wakas ay magpaalam na siya ay nakahinga ako nang maluwag.

“Sige bye,ingat na lang”,sabi ko

“Bye,punta ka na mamaya huh?Gusto kasi kitang makita “,ewan ko kung imagination ko lang iyon pero parang seryoso naman siya sa pagkakasabi niya.

“Naku di ko sure talaga.Saka wala akong masasakyan.”

“Walang problema,may motor ako,susunduin kita”.

“Huh?”,nagulat talaga ako.Sinasakyan ko lang talaga siya. Pero usapang “sasakyan” pala talaga ang makakapagpapayag sa aking pumunta at magpasundo sa isang taong ngayon ko lang ulit makikita.

“Sige na,” pamimilit niya at ayaw ko rin naman siyang ipahiya so,pumayag na rin ako.

“Yes! Sige,kita tayo mamaya,huh?I LOVE YOU”,sabi nito na ikinangiwi ko.Grabe,ang lakas talaga ng tama ng isang ‘to!😂

Medyo humupa na rin ang pagkahilo ko at gusto ko rin namang makita ang mga friends ko,kaya naisip kong,sige pupunta na lang ako.

(Well curious ka rin naman kasi kung ano na ang itsura ni Jonathan ngayon,di ba?)sabi ng munting tinig sa utak ko at napangiti akong mag-isa.😂😂Nang dahil lang talaga sa nagandahan ako sa boses niya eh.😂

Nagretouch lang ako saglit at naghintay sa text niya.May napagkasunduan kaming oras kung kailan niya ako susunduin.

At iyon na nga ang una naming pagkikita matapos ang pitong taon.

Ibang-iba na siya ngayon.Mula sa maliit na binatilyong tahimik lang sa isang tabi noon,ngayon ay puno na ng kompiyansa sa sarili at panay salitang may sense of humor naman kahit papaano ang lumalabas sa kanyang bibig.

Inaamin ko,nakuha niya talaga ang interes ko.Pero aaminin ko ba naman iyon sa kanya?😂

Iniangkas niya ako sa kulay pulang motor niya at sabay naming binaybay ang daan patungo sa habambuhay….

Oo,iyon ang umpisa.Akala ko nga doon lang din matatapos ang lahat.Pero mula noon,hindi na niya ako tinigilan.Nakilala ko ang isang Jonathan sa likod ng karismarikong ngiti.Ngunit hindi lamang siya si Jonathan.Siya si Jonathan na responsable at puno ng paninindigan.Si Jonathan na never akong iniwan kahit sa gitna ng mga mabibigat naming pinagdaanan.Si Jonathan na kahit may mga bisyo ay mabuting tao at may takot sa Diyos.Higit sa lahat,may pagmamahal sa magulang at kapatid.

We got married a year after.Ilan sa aming mga batchmates ang nagulat,nanukso at kung anu-ano pa..Pero mas marami naman ang nagsent ng kanilang pagbati.

Ngayon ay may isa na kaming anak.Five years of love and marriage.Yes,it had been five years but still,the feeling is still as intense as our first time.




27 thoughts on “One Hot Summer