0

NINAKAW NA SANDALI CHAPTER 3


Report

“Sana ay hindi ako nagkamali nang piniling ahensya para sa paghahanap sa katotohanan ukol sa tunay kong anak.”panimula ni Mrs. Ledezma at agad siyang binigyan nito ng ilang lista kung saan pupunta ang anak nitong pinaiimbestigahan
Nabasa agad ni Makoy ang unang okasyon na dadalohan ng iniidolo niya. At Hindi niya inaasahan na dito sa kapistahan ng San Juan iyon dadalo. Magiging Judge ito sa isang Singing Contest.
“Gawin mo ang lahat nang makakaya mo para malaman ang lahat Mr. Selvestre. Umaasa akong isang araw ay May ibibigay kang impormasyon tungkol sa kanya.”panunukoy nito sa dalagang alam niya ay nagtatago sa isang mukha na Hindi para rito
“Mahirap man ang trabahong ito para sa akin ay gagawin ko na lang lahat nang makakaya ko para masagot ang mga tanong na gumugulo sa isipan niyo Mam.”nasabi na lamang ni Makoy sa Ginang
Tumayo na ito hudyat na Kailangan na nitong umalis. Inayos nito ang shade na suot nito upang Hindi ito makilala na ina ng isang Shanaira Ledezma. Wala rin itong mga bodyguard na nag-aalalay dito dahil lihim ang kanilang pagkikita ng Ginang.
NAng mawala na sa paningin niya ang Ginang ay seryoso niyang pinagkatitigan ang maamong mukha ng iniidolo niyang si Shanaira..dalawang litrato ang Maigi niyang pinagkatitigan. Una...


ay ang litrato nito since 2009 hanggang sa ikompara niya ito sa litrato na kuha pa lang ngayong 2010.ISAng taon ang agwat ng litrato Pero tila yata May Mali sa mga ito. DAHIL natuon sa May bandang kanan ng mukha ang kanyang mga Mata. May maliit na Nunal sa parteng baba niyon ang unang litrato samantalang sa pangalawa ay bigla iyong nawala.
“Nasaan nga ba talaga ang totoong Shanaira?at Sino ang babaeng ito na nagpapanggap?”tanong niya sa sarili
SAMANTALA…sa kompanya ng COJUANCO RECORDING COMPANY ay abala ang binatang si Jiro sa ilang papeles na Kailangan niyang tapusin.
“Babe..Hindi ka pa ba diyan tapos?”pagmamaktol na turan ng fiancee niya na si Shanaira
“Malapit na ito babe. Saglit na lang.”ani ni Jiro Kay Shanaira
“Nagrereklamo na ito babe na tiyan ko. Nagugutom na raw.”pagdradrama nito
“Okey!okey! Mamaya ko na ito tatapusin.”agad lapag ni Jiro ng kanyang pen sa mesa
Ikinatuwa naman iyon ni Nicole dahil KAhit Kailan talaga ay di siya nito kayang tiisin. Sobrang Mahal kasi siya ng binata.
Pinulopot niya agad ang kanyang mga braso Kay Jiro nang makalapit na ito sa kanya. At buong lambing niya ito na hinagkan sa labi.
“Thank you.”ani ni Nicole sa binata
“Let’s go!”


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.