0

NG AMAZONANG CUTE CHAPTER ONE


Report

Huminto ang itim na Van sa napaka laking mansyon ng mga Vergara, sinalubong sila ni Mister Vergara Kasama ang binatang Anak nito.
naunang bumaba ang malaking lalaki naka suot ito ng sunglass at Combat na nagpapatunay na mula sya talaga sa Phoenix, ” hello Sir, i’m Captain Borex. ” pakilala nya kasabay ng pag abot nya ng kamay senyales na humihingi sya ng Shake hands na kaagad namang ginantihan ni mister Vergara.
sumunod ang may kaliitang lalaki, manipis ang katawan nya kumpara sa una pero sapat na para patumbahin ang dalawang tao sa isang suntok nya. ” Ako si Amoriz. “pakilala nya sa Sarili, may kanipisan ang boses nya kaya’t bahagyang napatawa ang binatang anak ng Vergara.
Bumaba ang isa pang lalaki naka comoFlodge ito ng t-shirt na halos pumutok na ang manggas dahil sa muscle ng braso nito, sa balikat ay naka sukbit ang Armalite nya na may mahabang sinturon ng Bala. “Kevin Sir. ” kanagiting anito.
“Akala ko ay Apat kayo? ” puna ni Mister Vergara
“Ang totoo po ay kaming tatlo ang galing mismo sa Phoenix at kami din ang naka assign para bantayan kayo Sir. ” sagot ni Kevin.
“pero paano ang anak ko? “alalang tanong ni Vergara samantala ang anak nyang binata ay nawalan na ng pag asa.
Nag tinginan pa ang tatlong agent tsaka tumango sa isa’t’isa. Lahat sila ay napalingon sa paang tumapak sa lupa na naka combat shoes na patigue, unti-unti itong bumaba sa ban, naka puti itong t-shirt na naka tack-in sa patigue nitong army pants, hanggang balikat ang buhok nito at naka suot din ng Sunglass habanf may supal-pal na toothpick sa gilid ng bibig nya. “Elaxa Chandrei Valdez, ako po ang naka assign para bantayan ang anak nyo. ” kalmadong pakilala nito.
Kumibot-kibot ang nguso ni Jiro dahil taliwas ang inaasahan nya, iniisip nyang lalaki ang magbabantay sa kanya pero isang babae ang dumating na kahit sumuntok yata ay hindi nito magagawa.
humagalpak ang tawa ng binatang Vergara, iniisip nyang baka biro lamang ang palabas sa harap nya.
“Ikaw?hahaha..panong ikaw? Anong magagawa mo hahahaha” dire-diretsong saad ng binata sa gitna ng pagtawa nya.
Napailing na lamang si Alexa sa pangmamaliit na ginagawa sa kanya ng Binata kaya wala syang nagawa kundi bunutin ang 45 na baril na nakasuksok sa baywang ni Amoriz, itinutok nya iyon kay Jiro dahilan para manlaki ang mata nito.
“Anong ginagawa mo! ” suway ng kapitan nila pero hindi intensyon ni Alexa na saktan si Jiro sa...


halip ay ihinarap ni Alexa ang bunganga ng baril sa sarili nya samantala ang gatilyo naman ay pinaharap nya kay Jiro tsaka nya inisa-isang tanggalin ang bala noon ng wala pa yatang isang minuto, na tila nag hihimay lang sya ng Mais at walang kahirap-hirap.
Ginawa nya iyon para ipabatid na magaling syang humawak ng baril, hindi pa natapos doon inikot ikot ni alexa ang baril sa kamay nya bawat paghinto noon ay nakay jiro ang bunganga ng baril.
“sige, tama na yan.Gusto kong makilala mo ang anak ko. “ani Mister Vergara. “Rein jiroVergara ang pangalan nya, makaka asa ba’kong iingatan mo sya? ” tanong nito kay Alexa.
“ibibigay ko po ang buhay ko para kay Master Jiro. “sagot ni alexa.
“Dadddy! Hwag mo akong ipagkatiwala sa kanya! “ani Jiro.
“Gusto mo ba talagang makita ang kakayahan ko? ” mawawalan ng pasensyang saad ni Alexa pero na namatiling kalmado ang boses nya. “Ikaw. ” itinuro nya si Kevin. ” patamaan mo ako ng suntok samukha.” hindi mayabang ang pag kakasabi ni Alexa parang natural lang, kahit pa kaonting takot ay hindi sya kakikitaan.
“Ako? “takang tanong ni Kevin.
“Bakit? Duda ka din ba sa kakayahan ko? ” tumaas ang kilay ni Alexa.
“Hindi naman, inaalala ko lang ang mukha mo, sayang kasi kung masusugatan lang. ”
“Sige tignan natin.” ani Alexa dahan dahan nyang ibinuka ang mga binti nya at gumawa ng 90 degree na distansya, binend nya ang tuhod nya at ipinorma ang kamay nya pang dipensa.
Humakbang palapit si Kevin para umatake pero nag aalanagan sya na baka masaktan nya ang dalaga kaka’t nawala sya sa Focus pati na ang target ay nawala sa Harap nya.
‘Ang bilis. ‘ nasabi ni Kevin, naramdaman nya na lang na may nakatutok sa leeg nya.
“Ngayon bata, sabihin mo kung ayaw mo padin akong maging Personal guard mo.” tanong ni Alexa.
Hindi kumibo si Jiro sa tanong nya. ” kukunin ko yung kotse ko. “paalam ni jiro.
“Heto ang Badge ko.” ihinagis ni Alexa kay Kevin ang Badge nya na ikinalaki ng mata nito.
“Alpha? “tanong ni Kevin. “mula ka sa alpha? ” ulit pa nito. Alam kasi ng lahat na ALPHA ang pinaka sikat na agents world wide at nandoon din ang pinaka magagaling na member kaya’t kung alpha ang isa sa kanila ay posibleng hindi sila mabawasan.
Tumango si Alexa. “Captain ako ng Alpha. ” nakangising aniya tsaka naglakad papasok sa kotseng kararating lang na drive ni Jiro.


Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.