0

NAGING TULAY NAMIN NI CRUSH ANG BUNSO KONG KAPATID


Report

NAGING TULAY NAMIN NI CRUSH ANG BUNSO KONG KAPATID”
✍️:_cassandraminky
Birthday ngayon ng crush ko at syempre dahil medyo makapal ang face ko, pupunta ako.
“Hoy, Tasha, isama mo ‘tong bunso mong kapatid kung pupunta ka sa party ng crush mo! Ang kapal talaga ng mukha mo! May lakad kame ngayon ng Papa mo, isama mo ‘yan,” sabi ni Mama.
“Ma, bakit di niyo na lang po yan isama–”
“Manahimik ka kung gusto mong pumunta!” pinanlakihan na ako ng mata eh, edi gora.
“Ito naman, oo na isama ko na yan,” hutik, di na nga ako imbitado may dadalhin pa akong isang di imbitado, haayss!
“Oanira kang kapatid ka, hmp!” sabi ko habang kinakamot ang ulo ko.
Pinaliguan ko na lang at ang kulit pa, malelate na kame nito sa psrty chsrr.
Binihisan pagkatapos at gora!
____
Ang daming bisita, naol.
“Ang cute naman ng bata, sino kaya Ama niyan noh?” bulongan ng mga marites sa gilid-gilid.
“Oo nga eh, teka–kamukha yan ng Anak ni Mare ah?” ha? Teka–Ate kapatid ko ‘to, hindi ko ‘to anak. “Siguro, girlfriend ito ng nagbibirthday tapos iyan ang Anak nila, malalaman natin yan mamaya.” ehh?
Wait–Pinaprocess ko ang sinabi nila. Anak ko daw ‘tong bunso kong kapatid, tapos kamukha daw ni Vincent–BWAHAHAHAHAHAHAHA–Crush humanda ka may kalokohan akong gagawin, pffft!
“Bunso,” tawag ko sa kapatod kong kandong ko. “May ipapagawa ako sa ‘yo,” sabi ko.
Tiningnan lang ako nito.
“Mamaya, pumunta ka sa harapan. Kapag may nakita kang lalaking nakatayo sa harapan, si Vincent, lapitan mo tawagin mong Papa,” utos ko. Naks! Sana gagana.
“Papa?” hutik kang bunso, sumunod ka sa sasabihin ko kundi oapauwiin kita.
“Oo, tawagin mo siyang Papa tapos uniyak ka, kunyare. Gets mo?” me
“Otey,” very good–BWAHAHAHAHAHA. Charrot. Salamat saidea marites bwahahaha.
Nagsimula na magsalita ang mc at di nagtagal tinawag na niya si Vincent sa harapan.
May mga nagbibigay ng message sa kaniya. Ang tagal naman ng last, hmp!
…..
…..
Ito na last na! This is it pancit HAHAHAHAHAHA.
“Bunso, oumasok ka na sa eksena....


Galingan mo ang iyak mo ah? Para walang sakit sa katawan ehe,” sabi ko.
“Otey,” nyay! Bumaba ito mula sa pagkakandong sa akin at pumunta na sa gitna—HAHAHAHAHAHA! Sorry Ma, napagtripan ko si bunso.
“Uwaaaahhhh!!! Papa!!” parang gusto kong matawa pero di pa tapos ang eksena–ehe.
May mga nagulat at di makapaniwala pati si Vincent nashock.
“Sabi na eh, Anak ng birthday boy yon!” sabi ng marites kanina.
Okay, self, pasok!
“Anak…” tawag ko sa kapatid ko–Ang mukha ni Vincent shock ma shock.
“Vincent, what is this??” tankng ng Mama niya.
He didn’t know what to say, sorna baby amp!
Hinila ko si Precious, kapatid ko.
“Iha–”
“Excuse us, Mom.” ang higpit ng hawa niya sa kamay ko huhu. Sorry na, kalokohan lang naman eh huhu.
“Tasha, anong kalokohan ‘yon?!” Vincent
“E-ehe, sorry na trip lang huhu.” sabi ko.
Kinakabahan tuloy ako huhu.
“Papa, wag mo awayin ti Mama,” BWAHAHAHAHA–ay teka gakit pala ‘to huhu.
“Anong—” ngumuso ako nong tiningnan niya ako. “Sige, gusto mo pala ng eksena ah? Halika dito,” a-anong gagawin niya?!
Kinarga niya ang kapatid ko at hinila ang kamay ko.
KYAAAHHH–anong gagawin niya?
“B-biro lang naman yon kanina huhu, sorry na.” baka ipahiya niya ako huhu.
“Ikaw nanguna eh, humanda ka.” aniya.
Waahhh! Mama paktay ako nito.
“Give me the mic,” nangangatog na ang binti ko. Sana pala di ko na lang ginawa huhu. “Everyone, I’m sorry sa oinakita kong attitude kanina, I was just shock. I want to introduce to you my family,” Vincent
Hmm? Binigay niya sa mc ang nic at inakbayan ako. May naghihiyawan at nagpalakpakan. Ang magulang niya nakisabay din.
“Anak pala gusto mo ha? Humanda ka sa sampo,” buling niya at hinalikan ako sa panga ko.
H-HUTIK!
“Aanakan kita taon-taon, ako pa hinamon mo ah?” bulong niya ulit.
And there, because of that scene naging kame at nagpakasal, nagkaanak, tinotoo nga niya ang sinabi niyang aanakan niya ako ng sampo!!!
NAGING TULAY NAMIN NI CRUSH ANG KAPATID KO.
“I love you,” Vincent
__________
Works of fiction.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.