1

Nag-kita Muli Tayo

Report

Ako si Shia, 17 years old. Hindi maganda ang buhay ko, lahat malas. Mag-isa na lang akong binubuhay ang aking sarili.

FLASHBACK

“Huwag na ‘wag mo akong kakausapin kahit kailan Shia, hindi kita minahal, si Vian ang mahal ko!” Tumulo ang mga luha ko na parang hindi na kailan pa titigil.
“Bakit.. bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ‘to Joven!? Kung kailan totoo na nararamdaman ko para sa iyo, kung kailan—”
“Tumigil ka na Shia, nasabi ko na ang lahat ng nasabi ko, hindi kita mahal!” Hinawakan niya sa kamay si Vian at umalis sa harapan ko.

END OF FLASHBACK

“Hayst Shia! Ano ba huwag mo ng isipin ang nakaraan..” Sinusuway ko ang...


sarili ko.
Nakatulala ako sa hawak kong unan at hinampas hampas ito.
“Nag-sisisi akong minahal kita Joven! Napakasama mo! Sana.. sana hindi na lang kita nakilala!!” Umiyak ako hanggang sa makaramdam ako ng antok.

KINABUKASAN

“Love.. gising na, may ginawa akong—” agad akong bumangon, alam ko na iniisip ko, halos araw² na lang, hindi naman ispesyal iyang Joven na ‘yan. “Hindi ba Shia s’ya ang dahilan kung bakit ka ganito!?” Tumayo ako padabog at kinuha ang phone ko..

Nagulat ako ng makita ang oras “Shia! Omg bakit mo nakalimutan! Ngayon mo gagawin ang pinaka-importante sa lahat!”

Umupo ako sa aking higaan at bumagsak uli.
“Kaso.. baka pagalitan ako, hindi na muna ako papasok!”


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.