0

Mysterious place 1


Report

Nag uusap ang 6 na magkakaibigang…
.
.
.

Sina Kier, Jonathan, Hannah, brylle, Jillian at fade, nang plano nila para sa bakasyon.

“Wala ba kayong alam na pwede nating mapuntahan?” Tanong ni Jonathan, ang babaero ng tropa.

“Wala na akong maooffer na lugar, lahat na ng probinsya ng kamag anak ko napuntahan na natin” sagot Naman ni Jillian, ang computer expert at inventor ng tropa.

“Ahah! May naisip akong lugar kaso may problema” komento naman ni Jonathan.

“Ano namang problema Yun?” Tanong ni Kier, Ang utak ng tropa.

“Kung pera yan, ako na ang bahala, sagot ko na” si Hannah, ang financer ng tropa.

“Sabihin mo na Kung ano yang problema, at ng maupakan” si fade, ang fighter ng tropa.

“Kasi ayaw nang lolo ko na pumunta pa kami dun, mapanganib raw Doon, pero Ewan Kung bakit” paliwanag ni Jonathan

“Patay naman na din yung lolo mo, Kaya pwede na tayo pumunta dun” Sabi ni brylle, ang joker ng tropa.

“Oo nga Naman, sige na Jonathan” pamimilit ni Hannah

“Sige na bro, sayang ng bakasyon” pamimilit rin ni Kier.

“Okay, okay. aalis tayo next week” nagdadalawang isip na sagot ni Jonathan

—-

Kier Residence

“Hoy! Wag ko nang mababalitaang sumasama ka dun sa mga bobo mong kaibigan!” Sigaw ng galit na ama ni Kier.

“Bakit po??”

“Madadamay ka sa pagiging Bobo Nila!” Sigaw nang ama

“Hindi po sila Bobo, matalino lang po ako” sagot ni Kier

“Wag na wag Kong malalaman na maaapektuhan Ang pag aaral mo” pangaral nang ama

“Opo tay” sagot nito

“Alam mo Kasi anak, ayaw ko Lang na matulad ka sa nangyari sakin, ilpinagpalit Ang...


pag aaral sa barkada Kasi iniwan Rin ako sa huli” Sabi nang ama

“Hindi ko po hahayaan mangyari iyon Tay” sabi ni Kier

——

Jonathan residence

“Jonathan, hinahanap kana ni mia” pinsan ni Jonathan

“Hayaan mo na Yun, wag mo nalang pansinin” Jonathan

—–

Brylle

—-

Hannah

“Hannah! Nakapagpaalam kana ba sa mga kaibigan mo?” Tanong ng ina niya.

“Hindi pa po” malungkot na tugon ni Hannah
“Nga pala mom, dad pwede po bang iextend ang flight natin?”

“At bakit Naman?”

“Kasi po nagpaplano Ang barkada na magbakasyon, isang linggo lang Naman po, pagbalik po namin tsaka na po Tayo aalis”

“Pag uusapan muna namin ng dad mo, sige na anak, tulog na”

——

Jillian

“Ano na Naman yang pinagkakaabalahan mo?”

“Gumagawa po ako nang cellphone na  nakakatext kahit walang signal”

*Clap clap clap*

“Ang galing Naman Ng kapatid ko”

“Eh Kung ganyan ka sa klase! edi maganda, kaso Hindi eh, itigil mo na yang kalukohan mo!” Sabay tulak sa nuo gamit Ang dalawang daliri

“Anong problema niyo?” Tanong ni Jillian

“Anong problema ko? Ang problema ko ay ikaw” Sabi nang kuya niya

“Ginagawa ko Naman Ang gusto niyo ah” Sabi ni Jillian

“Ginagago mo ba ako?” Tanong nang kuya niya


——-

Fade

“Fade, May gusto kaba sa kaibigan mong si Hannah?” tanong ni, faye, kakambal ni fade.

“Wala, bakit mo natanong?” Pagtanggi ni fade

“Don’t deny it, my dear brother, nakita ko sa cellphone mo, siya wallpaper mo” sabi ni faye

“Okay, may chioce paba ako!” Sagot ni fade

“Bat di mo pa inaamin?” Tanong ni faye

“Hindi ngayon Ang tamang panahon” sagot ni fade

“Eh KelAn Ang tamang panahon?” Tanong ni faye

“Ewan.. Basta darating Yun” sagot ni fade


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.