0

My sweet surrender Chapter 2


Report

My sweet surrender
Chapter 2
Tinanggal nya ang suot na apron at hairnet, kapagkuwan ay naghilamos sya. Ng tingnan nya ang sarili sa salamin ay medyo nanibago sya. Nasanay kc syang nka-makeup araw-araw dhil pumapasok sya sa trabho. Nka ponytail lng din sya. Sya na ang tatao sa cash register dhil magbe- break ang kahera.
Bago Pa sya makaupo sa harap ng cash register, nakita nyang napatingin sa knya c tita Lolita at ang kausap nito. Hndi nya alm kung bakit kinutuban sya ng masama, lalo na at titig na titig sa knya ang matandang lalaking kausap ng madrasta nya na parang hinuhubaran sya niyon.
Napayuko sya sa suot nya. Parang gusto nyang magsisi kunh bakit nag-blouse sya at hndi na lng nag t-shirts gaya ng uniform ng mga tauhan nila sa restaurant. Ng mag-angat uli sya ng tingin, nakita nyang nakatitig Pa rin sa knya ang matandang lalaki.
Naiilang na ibinaling nya ang tingin sa parking lot. Natutok ang mga Mata nya sa pumaradang makintab na itim na range rover. Marahil ay isa na naman sa mga bigatin politiko na aficionado ng sabong ang sakay nyon.
Bumukas ang Pinto sa driver’s side. Lumabas doon ang isang naka-sides na lalaki. Marahil ay driver – bodyguard iyon ng my ari ng sasakyan. Hndi kalakihan ang katawan nito ngunit mapipintog ang muscle nito sa braso at hakab na hakab sa malapad na dibdib nito ang suot nitong gray- tshirt masuwerte ang binabantayan nito, mukhang kayang-kaya nito iyong ipagtanggol sa isang bigwas lng ng kamao nito. Ng matamaan ng sikat ng araw ang suot nitong manipis na kuwintas ay kumislap iyon sa tama ng liwanag.
Hinintay nyang pagbuksan nito ang ipinag- drive nito na cguradong isang mayaman na sabungero ngunit dere- deretso na itong pumasok sa entrance ng sabungan. Mukhang kilala ito roon. Iniwan Pa ng my ari ng sabungan amg ginagawa nito upang batiin lng ang dumating na lalaki. Ipinakilala rin ng my- ari ang lalaki sa kaibigan nitong sikat na congressman na taga- Mindanao.
So, malamang na sabungero ang dumating na lalaki ant hndi driver-bodyguard gaya ng unang inakala nya.
Napailing sya. Pabata ng pabata ang mga nalululong sa sabong. Sa tingin nya ay hndi nag kakalayo ang edad nila ng guwapong lalaking dumating. Guwapo? Ipinilig nya ang ulo. Malay nya kung duling pala ito kaya naka-shades.
Tinapik ng my- ari ng sabungan ang balikat ng lalaki at kinamayan uli ito ng congressman. Kapagkuwan ay pumasok na ito sa loob. Ng tanggalin nito ang shades nito, napasinghap sya. Mapupungay ang mga Mata nitong tila nangungusap. Kung hndi lng marahil sa goatee nito, mukha na itong anghel.
Nilapitan agad ito ng mga sexy at mestisang promo girls na nagbebenta ng mga magazine at tshirt
“Ate Margaret, kinukuha na ‘yong chit sa table five, “anang isang serbidora.
Napapitlag sya. Sa kakatunganga nya sa lalaki. Ni hndi nya namalayan ang paglapit sa knya ng isang serbidora.
“Cute, bili ka naman nito, “alok kay jed ng...


isang sexy promo girl sa hawak nitong magazine. Ang cover nyon ay ang sabungerong nag- champion noong nakaraang international Derby sa araneta coliseum. Nginitian nya ang babae. Nakasuot ito ng putting miniskirt na gadangkal lng yata ang haba. Maliit lng ang babae ngunit napakataas ng taong ng sapatos nito kaya umabot ito hanggang sa balikat nya kahit limang talampakan at sampung pulgada ang taas nya. Lumapit ang dlwa pang babae sa kanya. Sa tingin nya ay hndi na magazine ang inaalok ng isang sa knya dahil halos idikit na nito ang dibdib nito sa knya. T-shirt lng nman na my print ng ipino- promote ng mga itong produkto ang pang -itaas nito ngunit ginupit ang kuwelyo nyon at laylayan kaya litaw ang alindog nito.
Tumikhim sya. “Magkano ba? “Tanong nya.
Sinabi ng babae ang presyo.
Dinukot nya sa bulsa ng pantalon nya ang knyang wallet. Humugot sya mula roon ng ilang dadaanin. “Keep the change, “aniya sa babae ng iabot nya rito ang pera..
Thanks, cutie, “sabi ng babae. Bahagya Pa Pa nitong hinaplos ang braso nya ng iabot nito sa knya ang binili nyang magazine.
“No problem, sexy, “aniya. Sinuklian nya ng kindat ang ngiti nito.
Kumurap-kurap ang babae na tila my guto pang sabihin sa knya ngunit iniwan nya na ang mga ito. Napapailing na tinungo nya ang restaurant in tita Lolita na madalas nyang tambayan kpag nagpupunta sya sa sabungan. Doon nya hihintayin ang mga kasama mya. Papunta na raw doon ang kaibigan nyang c macoy. Nauna syang nakarating dhil maagang natapos ang meeting nya kanina.
Magpapahangin muna sya. Mamaya na nya papasyalan ang mga alaga nila sa nakatokang cock house sa kanila. Sigurado syang nasa mabuting kalagayan ang mga iyon dahil sya Mimo ang naghatid sa mga iyon kaninang umaga.
Nakita nya c tita Lolita na kausap ang isang mayamang sabungero na dating konsehal sa manila. Ito ang mahigpit na nakalaban nya noong nakaraang taon sa taunang Derby. Nginitian sya ng mga ito ng makita sya. Tumango sya at ngumiti. Umupo sya sa isang bakanteng mesa malapit sa mga ito.
“Girls, asikasuhin nyo nga itong c jed! “Sigaw ni tita Lolita sa direksiyon ng kusina.
“Sige lng ho, tita. OK lng ho ako, “aniya rito. Binuklat nya ang magazine at nagbasa habang hinihintay ang kukuha ng order nya. Napalingon sya sa nasa kabilamg mesa ng marinig nyang humalakhak ang kausap ni tita Lolita.
“Kung gusto mo. Lolita, ibigay mo nlang sya sa Akin, wala na tayomg pag- uusapan sa utang mo. Burado na lahat, ” anito.
Bahagyang tumawa c tita Lolita ngunit halatang ninerbiyos. “Huwag nman, konsehal. Baka sa susunod na buwan, makaluwag- luwag na kami. ”
“Minsan lng akong mag- offer ng ganyan para lng sa isang babae, Lolita. Maganda kc, “ani konsehal..
Tumawa uli ng alanganin c tita Lolita.
“Hindi ako nagbibiro, Lolita. Nakahanda akong magbigay kahit isang milyon para lng sa knya, “anito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.