My Soulmate



Naniniwala ba kayo sa soul mate? Isang taong itinakda ng Dyos na makasama habang buhay… Well aq Naniniwala aq don kc only 1 out of 10 lang Ang nakakaranas nito and I am so lucky na Isa aq Don. Since 9 years old palang aq meron akong napapanaginipang lalake tumatakbo aq sa gubat at naglalaro at Don ko sya laging nakikita at nakakausap nong una naisip ko bakit ang weird ng panaginip ko eh kc nga bata palang aq nananaginip na aq ng lalake… Sa panaginip ko malinaw na nakikita ko Yong mukha nya napaka gwapo at binata na sya Don Samantalang aq bata palang kahit sa panaginip ang hindi ko maintindihan bakit sa twing magigising aq nakakalimutan ko Yong mukha nya☹️ active aq sa simbahan namin Isa akong choir at member sa ibat ibang organization sa church namin Kaya naisip ko itanong kay father ang tungkol dito… Sinabi nya sakin maswerte ka pag nakita mo yon kc sya yong soul mate mo Kaya itinatak ko sa isip ko since diko naman naalala mukha nya pag nagising aq ay naghahanap nalang aq ng palatandaan sa kanya… Hanggang dumating ang time ng pagtatapos ko ng high-school at pumunta aq ng maynila, bicol nga pala probensya ko. To make the story a little shorter hinanap ko Yong ate ko sa Alabang para Don manirahan habang naghahanap aq ng trabaho. Isang araw bumili aq ng load sa tindahan at uso pa non yong ililista m yong number m sa notebook nila Para magpaload at diko inaasahan may isang lalake ang magkaka interest kunin ang number ko sa tindahang binilhan ko ng load.
Isang Gabi tumunog cp ko ang nakalagay can you be my txt mate? Aq yong taong di mahilig mag reply kong diko naman kilala Kaya nag deadma lng aq hanggang pinasahan aq ng limang piso Para lng aq mag reply… At nag reply nga aq ng sino ka? Nagpakilala syang c Ben at sinabing crush nya daw aq at kong pwedi daw ba syang manligaw. Sinabi ko sa kanya na kong manliligaw sya umakyat sya ng lingaw ng pormal at ayaw ko sa txt lang… Sinabi nyang sa day off nya aakyat sya ng lingaw at magpapakilala sya sakin sabado yong usapan namin non… Araw ng biernes habang naghuhugas aq ng pinggan my naamoy akong perfume na sobrang bango na halos ipinanligo na yata sa katawan dahil sa sobrang bango mula sa hagdan namin may bumungad na gwapong mukha at naglakilalang sya c Ben napaka ipokrita ko naman kong diko sasabihing kinilig aq masyado dahil sa ka gwapohan nya… Nag usap kami ng gabing yon...

getting to know it’s other ika nga hanggang sa mag aala una na ng madaling araw at sinabi kong magpapahinga na aq pero nong tatayo nako hinawakan nya yong kamay ko at sinabing sagutin kona sya agad at wag na patagalin pa pero sinabi kong ano ka Hilo ngayon palang tayo nagkita sasagutin na agad kita? Pero sinabi nyang di sya aalis hanggat diko sya sinasagot iniwan ko sya sa labas ng inuopahan ng ate ko sa pag aakalang aalis nalang sya pero pag silip ko sa bintana nandon parin sya at naglalaro lang ng snake sa cp nya (dipa uso dati yong cellphone na flat screen) Kaya sumilip aq at sinabing cge na nga pero susubukan lang natin ng isang buwan pag di nag work maghiwalay tayo agad at umayon naman sya sa kasunduan ko… Nakita kong tuwang tuwa sya habang bumababa ng hagdan. Naging kami at di lang isang buwan pero bumilang kami ng taon at sa twing nag kwekwentohan kami lagi kong sinasabi sa kanya na parang sinabi kona to sayo ah at ganun din sya sakin lumipas ang isang taon nagsama na kami at Don ko lang nalaman na hindi sya si Ben Kaya pala dati kapag tinatawag ko sya ng Ben sinasabi nyang Gil nalang itawag ko sa kanya o Kaya honey kc hindi pala sya ang txtmate ko ang txtmate ko ay yong pinsan nya at nakiki Hiram lang sa kanya ng cellphone Kaya nong mabasa daw nya na aakyat ng lingaw yong pinsan nya sa araw ng sabado inunahan nya na ng biernes Don ko naisip na Kaya pala ayaw nya bumaba kong diko sya sasagutin nong gabing yon…
Isang Gabi habang natutulog sya pinagmasdan ko mukha nya at naisip ko Yong lalakeng lagi kong napapanaginipan noon, naitanong ko sa sarili ko bakit Dina sya dumadalaw sa panaginip ko Samantalang noon twice a month ko sa napapanaginipan. Saka ko lang naisip yong palatandaang tinandaan ko sa panaginip ko, may nunal sya sa batok Kaya Dali dali kong tiningnan batok ng asawa ko at nakita ko nga ang hinahanap ko😍😍 may nunal sya buhay na buhay Kaya pala diko na napapanaginipan yong lalakeng yon kc andon na sya sa harapan ko at kasa kasama kona…😍😍😍 Salamat sa Dyos at ibinigay nya sakin ang lalakeng unang umangkin ng puso ko ng buong buo.. Isang lalakeng walang bisyo at mahal na mahal ko😘😘 My first and hopefully my last… Meron na kaming tatlong anak na bunga ng pagmamahalan namin ng soulmate ko. We live together for 15 years and still counting…
Salamat po sa pagbabasa ng Mala mmk kong kwento




One thought on “My Soulmate