0

MY PRECIOUS MAN


Report

MY PRECIOUS MAN
❥𝐋𝐒 𝐂𝐫𝐮𝐱’𝐞𝐢𝐳
[typos and grammatical errors ahead]
Ala-sinco na ng hapon at abala ako sa paglu-luto para sa’min ng boyfriend ko at Oo, mag live in kami legal kami both side.
Nasa kala-gitnaan pa lamang ako ng pagluluto nang biglang may magsalita sa likod ko, Si Zion.
“Pen, ako na diyan.”napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang kinukusot-kusot ang mga mata.
Wala kaming kahit anong call sign, our names is the best for us!
Halatang kagigising palang niya, tuwing alas-tres kasi ng hapon ay natutulog siya. . . I mean kami, pero sadyang mas nau-una akong nagi-gising.
“ ‘Wag na kaya ko na ‘to.”hinalo ko sa bawang yung mga natirang kanin namin kaninang umaga para sana gawing sinangag.
Hindi na’ko naka-rinig pa sakanya ng mga salita pero nagulat na lamang ako ng may mga bisig na pumulupot sa bewang ko at inagaw sa’kin ang kawali.
“Ako na, dito ka nalang sa tabi ko para mas ganahan ako sa pagluluto.”napa-nguso ako at agad din na napa-ngiti.
“Wehh, sure ka?”tumango siya at...


natatawang tinuon ang pansin sa niluluto.
“Opo, wag kana mag-luto kasi baka matalsikan ka lang ng mantika at mag-tubig pa ‘yang mga kamay mo.
“Ayos lang ‘yu──”pinutol niya ang sasabihin ko at na nermon na parang siya ang masasaktan.
“Para sa’kin hindi, dahil masakit kaya ang matalsikan ng mantika tsaka sabi ni Tita ingatan daw kita at wag kang hahayaang masaktan. . . Aba! para magpadagdag points syempre susunod ako.”sunod-sunod na sabi nito using his proud tone.
“Okay, sabi mo ih. . . As if namang may magagawa pa’ko diba?”sabay kaming tumawa at sabay din naming hinanda ang mesa bago kumain.
Habang sumusubo ng kanin ay hindi ko maiwasang hindi mapa-ngiti at mapa-sulyap sa kanya.
Parang dati, kaaway ko lang siya noon pero boyfriend road to Fiancee ko na siya ngayon!
“Zion, happy 7th anniversary.”usal ko.
Napa-tigil siya sa pag-subo at namumula ang pisnge pati tengang tumingin sa’kin bago ngumiti.
“Happy 7th Anniversarry din Pen, I love you.”usal niya.
Tumango ako “I love you too!”sabay finger heart na nag-patawa sa kanya ng mahina.
@eunha


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.