0

MY POSSESSIVE BROTHER CHAPTER 5


Report

MY POSSESSIVE BROTHER ( SEASON 2 )

BREATHE’S P.O.V
Jusko lord, late na ako panu ba ‘yan.
Naparami kasi ang kostumer namin ngayong araw, naaawa rin naman ako kay tiyay kong iiwan ko lang syang mag isa doon.
Ilang beses ko na kasing sinabi sa kanya na kumuha nang katulong nya sa karinderya pero ayaw nya, sa halip daw kasi na ibayad nya ang pera sa katulong nya edi sa akin nalang daw.
Diba ang bait nang tiyay ko, hehe!
Kaya ngayon nag iisip na’ko nang libo libong rason para sa proff ko, alam kong magagalit sakin yun gayong late ako. May pagka terror pa naman yun.
Pagdating sa campus ay wala na halos estudyante, paniguradong kanina pa nagsisimula ang klase.
Nasa ikatatlong palapag ang room ko, meron kasing anim na palapag ang MIS. Nakakapagod pa man din umakyat, doon ako dumaan sa kaliwang hadgan dahil malapit lang naman yun sa room ko.
Nakita kong mabilis na naglakad papasok ang unggoy tsaka ang dalawa nitong asungot na kasama, sa room na hindi lang din kalayuan sa room ko.
Late din siguro sila kaya sila nagmamadali, maya maya lang ay napadaan ako sa room nila at nagtama ang paningin namin.
“P-parang nagso-slow motion ang lahat”, ani niya.
Ah, pinapa recite pala sya. Mabuti naman at nakasagot sya kung hindi pagtatawanan ko talaga sya in case na madetention sya.
Pagdating sa room ay nagsisimula na nga ang klase, kinakabahan ako.
“G-good morning miss, i-im sorry im late”, nakatungong ani ko.
“What did you do why are you late?”, taas kilay nitong tanong.
“A-ahmm, nalate po ako nang gising”, pagsisinungaling ko.
“And when have you been lazy?”
“A-ah, hindi na po mauulit”, hinging paumanhin ko.
“The next time your late in my class, you already know where you’re going next”, seryosong ani niya.
Tumango ako.
Nahihiyang nagtungo ako sa upuan ko dahil sakin nakatingin lahat nang mata nang mga kaklase ko.
“Maria clara bakit ngayon ka lang, kalokers ka?”, mahinang bulong ni Querty, kaibigan kong bakla.
“Tumulong kasi ako kay tiyay sa karinderya, alam mo na, naparami ang kostumer namin ngayong araw. Ewan ko, at mukhang sinwerte yata kami kaya ayun nalate ako”, pabulong ko ri’ng ani.
Tumango tango ito.
“Kaya pala, akala ko nga nakadakwit ka na nang fafa sa labas kaya nahuli ka”, ani nito tsaka humagikhik.
“G*g*, wala ngang jowa fafa pa kaya”, ani ko.
“Ms. Del Valle”, napatayo ako dahil sa lakas nang pagkasigaw ni miss.
Tsk!
Si querty kasi, ang ingay.
“Aba! nahuli ka na’t lahat nagawa mo pang makipag chismisan dyan sa bakla mong kaibigan, stanapp”, naka pameywang na ani niya.
Sinasabi ko na nga ba eh!
Recitation na naman to malamang sa alamang.
“S-sorry miss”, ani ko.
“Sorry sorry, answer my question”, uh- oh!
“Defined love”, nakangiti nang ani niya.
EH?
Baliw yata to si miss eh, kanina lang galit na galit ngayon naman nakangiti.
“Miss, papaano ko sasagutin ang tanong mo eh hindi nga ako nakakaranas nyang love na sinasabi mo”, ani ko.
“Not all the love I say is based on, in a relationship. Why? don’t you have a family that loves you?”, natigilan ako sa sinabi nya.
Sabagay tama sya, hindi naman lahat nang love ay nakabatay lang sa mga may status pero hindi rin lahat nang love na sinasabi nya ay nararanasan ko.
Siniko ako ni querty.
“Best, are you okay?”, nag aalalang tanong nya, tumango ako at sapilitang ngumiti.
Alam kasi ni querty ang lahat sa buhay ko, alam din nito na wala akong kinalakihang magulang. Maliban kay tiyay na syang nag alaga sakin mula nang ipinanganak ako ni mama.
“Del Valle?”, may halong inis na tawag ni miss, tiningnan ko sya.
“Tama po kayo, hindi lahat nang love ay naka base sa taong may mga status pero ang love para sakin ay hindi ko pa nararanasan. Hindi ko pa kasi naranasan ang lumaki nang may magulang na nag aaruga, i belong to a broken family miss. My mother died when she gave birth to me, my father was not with me. I just grew up with my aunt but the love she gives is not enough, unlike what a real parent gives. Iba ang alaga nang magulang sa tiyahin, kaya hanggang ngayon ay nangungulila parin ako sa pag aaruga nang mga magulang ko”, malungkot kong ani.
Ramdam ko ang pananahimik nang buong klase, bahagya kong pinunasan ang luhang nagbadya sa pisngi ko.
Umupo ako at humalakipkip.
“Shhh, tahan na bestie”, ani ni querty at niyakap ako.
“O-okay, im sorry del valle. Hindi ako alam ang nangyayari sa buhay mo. By the way, see you tomorrow, goodbye class”, paalam nito at lumabas na nang classroom.
“Okay ka na ba? grabe naman kasi yung si miss, magtatanong na nga lang about pa dun sa love chuchu na yun, kung ako nalang sana tinanong nya nang ganun”, inis na ani ni querty.
“Sino bang nalate sating dalawa?”
“Ikaw”
“Oh, eh bat ikaw ang tatanungin nya nun, baliw ka talaga. Halika na nga sa canteen, nagugutom na’ko”, yaya ko at hinila sya sa kamay.
Pagdating sa canteen ay sya na ang nag order.
“Oh, libre ko yan dahil nag emote ka...


kanina. Pasalamat ka at mabait ako”, mataray nyang ani at natawa naman ako.
Sabay kaming kumain at sabay din kaming nagtungo sa locker para magpalit nang PE uniform.
Taekwondo member kasi ako. Ito ang club na napili ko, bukod sa taekwondo ay magaling din akong kumanta at sumayaw pero nahihiya akong ipakita ang talent ko kasi baka pagtawanan lang ako nang iba.
Ilang beses din naming pinag awayan ni tiyay ang about sa taekwondo na yan. Ayaw nya daw kasi na magkanda bali-bali yung buto ko baka wala na daw akong silbi sa karinderya nito.
Ilang beses ko di’ng ipinaliwanag na pang self defense ko lang yun para in case na may mga taong gagawa sakin nang masama, edi mapagtanggol ko manlang ang sarili ko.
“Oh, panu ba ‘yan bestie. Kita nalang tayo mamaya hah!”, ani nya at tumango naman ako.
Pagdating ko sa loob ay ako nalang pala at si jimmy ang inaantay.
Yumuko ako nang ulo kasabay nang pagsaklop nang dalawa kong palad, sign na humihingi ako nang paumanhin.
Ngumiti ang instructor namin.
Dalawang linggo palang naman ang pasok kaya ngayon palang namin namimeet ang instructor namin, mukhang bata pa ito base sa itsura nya, gwapo, maputi at medyo matangkad.
Kung hindi ito nakasuot nang white belter na damit ay baka mapagkakamalan mong estudyante sya.
“Now, can we start?”, nakangiting ani niya, lumabas ang malalim nitong dimple sa magkabilang pisngi nya.
Ang cute nya!
“But before that, i want you all to introduce your self first para naman mas makikilala ko kayo”, ani nya.
“Pero ako muna ang mauuna. My name is Luke jyxon thompson but you can call me Sir Lj for short, i am 18 years old, half chinese half filipino and i am your instructor for today until in the end of this school year”, nakangiting ani niya.
Ah! kaya pala singkit ang mata nito, may lahing chinese pala.
Nagsimula nang magpakilala ang mga kasamahan naming iba. Hindi namin kaklase ang iba kong kasama dahil taga ibang section sila, pero mukha naman silang mababait.
Pagkatapos nilang magpakilala ay ako na ang sunod.
“And you are—?”, tanong ni sir.
Tumayo ako.
“Good morning everyone, my name is Breathanny Chantel Del Valle, but you can call me breath for short. Hope na marami akong maging kaibigan dito”, ani ko at aktong uupo na nang—-
“And why did you consider choosing taekwondo as your activity?”, tanong nito.
EH? part pa ba yan?
Pero dahil mabait ako, sasagutin ko ang tanong mo sir.
“Dahil gusto ko lang po”, maikli kong tugon.
Tumango tango ito bago ngumiti.
“Okay, now can we start?”, sumagot ang lahat maliban sakin.
Naghilera muna kami sa gitna at mano mano nya kaming tinuruan, in fairness, madali lang naman pala. Hindi naman kami nahirapan at ang mas nakakatuwa pa eh, mabilis lang naming namemorize.
“Okay, very good students, i didn’t expect this to happen. Dati kasi ay medyo nahirapan akong turuan ang last year na mga students here but now, i was surprised na ganoon nyo lang kadali natutuhan yun. So, tomorrow i will group you into two, goodbye students”, paalam nya.
Isa isa kong inayos ang mga gamit ko, tsaka mabilis na lumabas. May dalawa pa akong subject kaya magbibihis muna ako nang uniform.
Hindi pa ako nakakalayo sa practice room nang may tumawag sakin.
“Sir lj bakit po?”, nakangiti itong lumapit sakin.
“Breathe right?”
Tumango ako.
“By the way, baka naabala kita?”, ani niya, umiling ako.
“May 10 minutes pa naman ako bago ang next class ko”, ani ko.
“Hmm, ganun ba? pwedi ba kitang yayaing mag lunch, wala kasi akong kasama. If, okay lang sayo?”
“Ah hehe, okay lang naman sir”
“Dont worry, libre ko. So, can we?”
Sabay kaming nagtungo sa canteen at sya na ang nag order, maya maya ay dumating na ito dala ang dalawang tray nang pagkain.
“Sobrang dami naman yata nyan sir”, nahihiyang ani ko, hindi naman ako malakas kumain kasi.
“Because i know na napagod ka dahil sa training, kaya dinamihan ko na ang orders”, nakangiting ani niya at isa isang isinalansan ang pagkain sa mesa.
“Sabihin mo lang kung kulang pa yan para makapag order pa ako”, ani niya.
“No sir, nakakahiya na nga sayo eh. Sobrang dami nito baka hindi pa natin maubos”
“Then ipapabalot natin, tsaka nga pala wag mo na akong tawaging sir. Dalawang taon lang naman ang tanda ko sa’yo, nakaktanda naman kung sir pa ang itawag mo sakin”
“Part po yun nang training eh, tsaka magtataka ang ibang members kung bakit lj lang ang tawag ko sa’yo”
“Don’t mind them basta as of now, just call me lj without sir, okay ba yun?”, naninigurong ani niya at tumango naman ako.
Nagsimula na kaming kumain habang nag uusap at nagbibiruan. Hindi ko alam pero mabilis gumaan ang loob ko sa kanya, sa ilang oras lang naming magkausap at magkasama ay mabilis di’ng gumaan ang loob ko sa kanya.
Matapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanya at nagpasalamat, nagtungo muna ako sa locker ko para kuhanin ang uniform ko para makapagpalit.
Tamang tama pagdating ko sa room ay syang pagdating din nang proff namin.
— Blythe ✍


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.