0

MY PERSONAL MAID ” — Part 1


Report

MY PERSONAL MAID ” — Part 1
Written By : Shemi Manunulat / Shemi Manunulat II
” REA!!! ” dinig kung sigaw ni mama sa baba.
” PO!? ito na po pababa na po ako! ” sigaw ko pabalik kay mama.
PAGKABABA ko ay naabutan ko silang naka handa na din.
” Ang tagal mo mag ayos ” panenermôn sa akin ni kuya.
” Hoy kuya!! h’wag mo akong sermonan, atsaka ikaw nga itong ambagal maligo eh ” paghîhîyaw ko kay kuya. ” Kung ako sana kasi ang naunang maligo, idi sana kanina pa ako tapos! ” dagdag ko pa. at bakas sa mukha nito ang inîs.
” Aba!!! h’wag mokong sinusumbatan Rea!, makakatikîm ka sa akin! ” galit na turan ni kuya sa akin.
” Oh! Siya, tama na yang away niyo. Mamaya hindi tayo maka alis nito dahil sa away niyo ” pag aawat sa amin ni mama.
Pasimple naman akong napairap, dahil nakakainis yung lalaking yun. Lagi nalang mainit ulo niya saken, parang nabaliw na ata. Wala naman akong ginagawa sa kaniya.
” Ikaw Aldrin!, buhatin mo yang maleta ng kapatid mo. ” pag uutos ni mama kay kuya. Napatingin naman din ako kay kuya na ngayon ay parang sasabog na ang ulo dahil sa inis, kulang nalang uusok na yung dalawang tenga niya at pati yung ilong.
” Pero ma…...


” pagrer*klamo ni kuya pero hindi niya naituloy ng magsalita si mama.
” Wala ng pero-pero, basta buhatin mo na yan! ” sambit ni mama kay kuya sabay turo sa maletang hawak ko.
” Hays!!! Okay sige na nga! ” sambit naman ni kuya sabay hablot ng maleta sa akin.
‘ Buti nga sayo! tsng*na mo kasi eh, aawayîn mo pa kasi ako e, yan tuloy napala mo! ‘ sambit ko sa isipin ko.
By the way, ako nga pala si REAYANNA LEITH RAMOS ” REA ” in short, ako ay 19 years old. At si kuya naman ay si ALDRIN RAMOS, 21 years old.
Kung maitatanong niyo kung bakit kami may dalang mga maleta, dahil sa kami’y pupunta sa Manila. Doon daw muna kami tumîra pansamantala sabi ni Mama habang naghahanap sila ng trabaho. Doon kami kila Tita Michelle tîtîra, si Tita Michelle ay kapatid ni Mama. Labag man sa kalooban ni Mama na tumîra kami sa kanila sa Manila pero yun ang nais ni Tita Michelle. Si Tita Michelle nalang din daw ang magpapa-aral sa akin dahil kapos kami sa pera. Laking pasasalamat namin nila Mama kay Tita Michelle, dahil sa angking kabaitan at ng sa ganun ay tinulungan pa rin niya kami.
••••••••••WAIT FOR THE NEXT PART••••••••••
: Work of fiction
: Do not Copy!
: Plagiarism is a crime!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.