0

MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR


Report

❤️❤️MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR❤️❤️
.
CHAPTER 1
.
Masaya si Alvin dahil ikakasal na siya kay Erica, 3 days nalang ay kasal na nila.
.
Alvin : Lalabas daw kami ng barkada mamaya, okay lang ba?
Erica : ikakasal na tayo baka kung ano-ano pa ang kalokohang gagawin mo?
Alvin : God, Erica ano bang akala mo naman sakin?
Erica : naninigurado lang ako mahirap na, alam kung madaming babaeng naghahabol sayo.
Alvin : kahit habulin pa nila ako, at saka wala ka bang tiwala sakin?
Erica : meron pero sa mga ibang babaeng humahabol sayo, at pati na din sa mga kaibigan mo. Wala!
Alvin : sweetheart, pagbibigyan ko lang sina, pare Jessie na makainuman mamayang gabi, alam mo naman eversince ay goodboy ako, hindi ba! (Sabay dampi ng halik sa mga labi ni Erica)
Erica : sige, but make sure na ako lang ang babae sa buhay mo. Alam mo naman ako, ayoko ng may kahati!
Alvin : oo naman, kilala mo naman ang ugali ko one woman man, alam mong ikaw lang ang mahal ko.
.
Ngumiti naman si Erica, at kinabig ni Erica palapit ang mukha ni Alvin, isinunod naman ni Alvin ang mukha niya sa kilos ni Erica, hanggang sa magkalapat na ang mga labi nila, hanggang sa natatangay na sila ni Erica at nagiging mapusok na sila sa halikan nilang iyon..at naramdaman ni Erica na nagiging malikot na si Alvin sa katawan niya at bigla na siyang kumawala.
.
Erica : wait, wait….remember kasal muna, bago ang lahat.
Alvin : (bumuntong hininga)..ano ba naman ang 3 days, ipaghihintay ko at talagang magiging akin ka na…magiging akin na ang pinakamamahal kong babae sa buong mundo!
.
Naging mailap ang mga mata ni Erica kay Alvin, waring may sumundot sa kanyang konsensiya dahil ang totoo, hindi niya talaga mahal si Alvin.
.
Erica : sige na Alvin umalis ka na, sa kasal na lang tayo magkita.
Alvin : pinapaalis mo na ako!
Erica : oo may gagawin pa kasi akong mahalagang bagay.
Alvin : mas mahalaga pa sa akin?
Erica : please Alvin, iwan mo na muna ako.
Alvin : okay, tawagan na lang tayo.
.
Lumabas na si Alvin ng pinto, naiwan si Erica na may pinplano, may tinawagan si Erica sa Phone.
.
Erica : (may kausap sa phone)..hello, ano okay na ba yong pinapagawa ko, siguraduhin mong hindi palpak yan!
.
At sumapit ang gabi ay nagpunta si Alvin sa bahay ni, Jessie.
.
Jessie : pare, akala ko hindi ka na dadating..
Alvin : I told you guys, hindi na ako pwedeng magsasama sa inyo sa mga happenings na ganito, dahil ikakasal na ako..
Jessie : kaya nga dapat samantalahin mo habang hindi ka pa naitatali, dahil kapag natali ka na, wala kana. Hanggang bahay ka nalang.
Marlon : tama si Pareng Jessie, kapag kasal na kayo ni Erica lalong wala ka ng pagkakataon na mag-goodtime.
.
Ang dalawa pa nilang barkada ay umayon din sa sinabi ni Marlon, na sina, Brando, Garry.
,
Alvin : alam naman ninyo na saksakan ng selosa si Erica.
Jessie : wag mo na muna isipin si Erica, mag-happy happy muna tayo ngayon, at pare may sorpresa kami sayo..sigurado kong matutuwa ka sa sorpresa namin..
Alvin : ano ba yun..
Jessie : uminom muna tayo, mamaya mo malalaman ang sorpresa mo.
Alvin : baka kung ano na yang sorpresa na yan ha, umayos kayo! Baka may kalokohan kayong gagawin sakin ha.
Jessie : relax pare!!
.
Samantala may isang babaeng iyak ng iyak sa isang napakagandang silid, ang pangalan ay Katelyne Bermudez, umiiyak si Kate habang ginagala ang paningin sa maganda at malawak na silid, at sa kwartong iyon ay may malamig na hangin na nanggagaling sa Aircon, na nanunuot sa kanyang katawan, na lalong umigting ang kanyang takot, bagay na nakapagpanginig sa kanyang katawan..sobrang siyang takot na takot.
.
Kate : nay, bakit mo ako iniwan, bakit hindi ka lumaban para sakin inay, ano ang gagawin ko, tulungan mo ako nanay ko, hindi ko po ito kaya..(umiiyak niyang sabi sa sarili).
.
Matagal siyang nag-iiyak, naupo siya sa isang sulok ng silad na iyon at inaalala kung bakit siya naroon ngayon, sa silid na iyon.
…..
Dante : punyeta!!! Wala ka bang alam iluto kundi galunggong ha Greta?? (Galit niyang sabi sa asawa)
Greta : pasensiya ka na Dante, yan lang ang kaya ng pera ko.
Dante : ano?? Bakit hindi ka ba naglabada?
Greta : naglabada, kinailangan kasi ni Kate na bumili ng project niya sa eskwela, kaya naibigay ko sa kan——
Dante : gaga!!!(sigaw nito)..mas importante ba iyong project sa eskwela kesa sa makakain ko ha, napaka-tonta mong babae ka, wala kayong kwentang mag-ina puro kayo pabigat!!
Greta : G-graduating na kasi yong anak mo, kaya kailangang hindi siya ma-incomplete!
Dante : tanga!! (Sinabunutan ang asawa)..diba sinabi ko na sayo na huwag mo nang pag-aralin yang anak mo at wala naman tayong isusustento jan sa lintik na anak mo na yan! Mga bwesit!
.
Pagpasok sa pinto ni katelyne ay nakita niyang sinasaktan ng tatay niya ang kanyang nanay, kaya tumakbo siya palapit sa mga magulang niya at inawat ang tatay niya.
.
Kate : tay tama na po, maawa kayo kay nanay!(umiiyak niyang sabi)
Dante : hoy, wag kang makialam dito ha!(sabay duro sa mukha ng anak)..napaka tigas ng ulo ninyong mag-ina!!
Greta : Aray ko Dante, nasasaktan na ako, bitawan mo na yong buhok ko!
.
Binitawan naman na ni Dante ang buhok ng asawa.
.
Dante : dapat kasi pahintuin mo na sa pag-aaral yang si kate, ang dapat ay sumama siya kay Anita sa night club!
.
Napakagat labi na lang si Katelyne sa sinabi ng ama, talagang ayaw siyang mag-aral ng ama, at ang gusto ay ipasok siya sa club.
.
Greta : hindi ako makakapayag na mapares ang anak ko sa kabit mo..isang mumurahing babae na kinakalakal ang katawan, magkamit lang ng salapi..hindi ko mapapayagan ang gusto mo dante, magkamatayan na!!
Dante : ah ganun! (Akmang sasampalin..)
Kate : huwag tay..(humarang si kate)..maawa ka naman kay nanay!!
Dante : hoy Greta, huwag na huwag mong masabihan si Anita ng ganyan ha, dahil kung ikaw lang naman na nagkukunwaring malinis, mas gugustuhin ko pa si Anita kaysa sayo!
Greta : kung ayaw mong makarinig ng masama tungkol sa kabit mo, huwag mong pakialaman ang pagpapaaral ko kay katelyne!!(matapang niyang sabi)
Dante : eh ako naman ang napepirwisyo pati makakain ko madadamay, imbes na karne ang ulam ko nauuwi sa bilasang galunggong!!
Greta : kung nagtatrabaho ka ba naman ng matino eh, hindi yong hinahaluan mo pa ng pagsusugal at pambababae di sana nakakain mo yong gusto mong kainin!at sana nakakatulong kapa sa pagpapaaral sa anak mo..
Dante : ah ganun! At gusto mo ako ang dapat na magtrabaho para diyan sa anak mo? Na hindi ko naman sigurado kung anak ko nga siya!
Greta : Anak mo siya, kahit kailan hindi ako nagtaksil sayo dante..ikaw nga itong may kabit, sakin mo pinapataw ang gawain mo!
.
Hindi makapaniwala si Kate sa nangyayari sa pamilya niya, at di tuloy niya maiwasang magtanim ng galit sa ama..mula pa pagkabata niya ay naririnig na niya sa bibig ng tatay niya iyon, at labis siyang nasasaktan, kaya napapaiyak nalang siya kapag naririnig niya iyon sa kanyang tatay.
,
Dante : gaga, kahit kailan di mo ako mapapaniwala na anak ko nga yang bastarda na yan.(sabay katos sa ulo ng asawa).
Greta : wala akong magagawa kung hindi mo ako paniniwalaan.!(umiiyak na sabi)
Dante : hindi talaga dahil, malandi ka din eh…at ikaw (baling sa anak at sabay duro sa mukha)..tigilan mo na yang kaaaral mo, sumama ka na lang kay Anita sa club para magkapera pa tayo!!(sabay alis at lumabas ng bahay)
.
Nag-iiyakan ang mag-ina.
.
Greta : anak, ipangako mo na magtatapos ka ng pag-aaral ha!!
Kate : opo nay, pangako po magtatapos po ako, at iaahon ko po kayo sa hirap, pinapangako ko po iyan..
Greta : at wag kang maniniwala sa tatay mo na hindi ka niya anak, anak ka niya, kailanman ay hindi ko pinagtaksilan ang tatay mo.
.
Nagsumikap si Greta para pag-aralin si Katelyne, kahit hirap na hirap sa paglalabada, at makatapos maglaba, ay may iba pang trabaho..at hanggang sa nakatapos na nga ng highschool si Katelyne..at hanggang sa hindi inaasahan ay nagkasakit ng matindi si Greta, nagkaroon siya ng tuberkulusis, at hanggang sa nakaratay nalang sa banig ng karamdaman, at hindi na naka-pag-aral si katelyne ng kolehiyo, dahil siya na ang nagtatrabaho para sa pamilya nila, at inaalagaan pa niya ang nanay niya, yong tatay niya ay nagtatrabaho para lang sa pansarili nito, pangsugal at pambababae,...


at pang-barkada, di makatulong sa gastusin sa bahay nila.at kahit man lang sa gamot ng nanay niya.at hanggang sa humina ng humina ang katawan ng nanay niya.
.
Kate : nay. Kumain na po kayo oh. May dala po akong sopas, merienda ko po yan kanina sa paglalabada ko, hindi ko po kinain, inuwi ko na lang po sa inyo!!
Greta : (hirap sa pagsasalita)..anak hindi ko na kaya, maiiwan na kita anak, alagaan mong mabuti ang sarili mo ha anak, mahal na mahal kita..
.
hirap na sa pagsasalita si Greta dahil sa hindi na ito makahinga.
.
Kate : nay naman,(hinawakan ang kamay ng ina) huwag naman po kayong mag-salita ng ganyan.kumain na lang po kayo, kasi gagaling po kayo nay.wag po kayong mag-iisip ng kung ano ano, lumaban po kayo..
Greta : anak, nararamdaman ko, hindi ko na talaga kaya, paalam na anak ko,(lalong humirap sa pagsasalita)..anak mahal na mahal kita.
Kate : nay, mahal na mahal ko din po kayo, kaya po dapat magpalakas po kayo.
Greta : mangako ka anak, na kahit wLa ako, tuloy lang ang buhay, huwag mong iisipin na wala na ako sa buhay mo.
Kate : nay, huwag ka naman pong magsalita ng gayan oh.
.
Pinipigilan ni Katelyne ang kanyang luha, ayaw niyang umiyak sa harap ng nanay niya dahil gusto niyang ipakita sa nanay niya na matatag siya at may pag asa siya, na gagaling at gagaling ang nanay niya..
.
Kate : nay, madami po akong pangarap para satin, gusto pong ialis kayo dito, gusto ko pong ibigay ang maalwan na buhay.
.
Greta : anak, patawarin mo ako anak, hindi ko na mahihintay pa yun, wala na akong pag asa.
.
Hirap na hirap na sa pagsasalita si greta.
.
Kate : nay naman, huwag na po kayong magsalita muna.
Greta : anak mangako ka na magtapo ka ng pag aara mo ha, magiging masaya ako, kung magiging matagumpay ka sa buhay mo.
Kate : opo nay, magtatapos ako, at pinapangako ko po na bibigyan ko po kayo ng—-
.
Hindi na naituloy ni Kate ang sinasabi niya dahil bumitaw na sa paghawak ang kamay ng nanay niya sa kanyang kamay dahil nawalan na ito ng buhay…
.
Kate : nay!
.
Ngunit di na ito nagsasalita pa.
.
Kate : nanay!!
.
WLa nang buhay ang kanyang ina kaya di na ito nagsasalita pa.
.
Kate : nanay, gumising po kayo nay, nay, (laglag na ang luha)…nay, ano ba wag mo akong iwan nanay ko, nanay gumising ka nanay ko!!nanay!!!!!!!
.
Walang patid sa pag iyak si Katelyne, hindi niya alam kung kakayanin niyang mabuhay ngayong wala na ang nanay niya!!
.
Dante : kahit umiyak ka ng umiyak diyan ay di na mabubuhay pa ang nanay mo..pasalamat ka na lang na nawala na ang nanay mo, dahil kung hindi, pasanin mo pa siya..
.
Napakagat labi na lang si kate sa sinabi ng ama, galit na galit ang kalooban niya sa kanyang tatay, at lumipas ang mga araw ay hinatid na nila sa huling hantungan ang nanay niya, sobrang naghihinagpis ang kalooban ni katelyne di man lang nalasap ng nanay niya ang masarap na buhay, puro pasakit ang natamo ng nanay niya sa kamay ng tatay niyang andoong pagsalitaan ng masasakit andoong pagbuhatan ng kamay, nang paulit ulit..habang tinatabunan ang kabaong ng nanay niya ay walang tigil ang pag-iyak niya..samantalang ang tatay niya ay parang natuwa pa sa nangyare.
,
Kate : Nanay ko mahal na mahal kita!!
.
At ngayon nga wala na ang nanay niya, wala ng tututol sa tatay niya na ilublub siya sa putikan, binenta ng tatay niya ang lupa at bahay nila, hindi niya napigilan ang tatay niya na gawin iyon at doon sila nanirahan sa bahay ni Anita, naging katulong ang labas niya, pinamili siya ni Anita na kung ano ang gusto niya ipasok siya sa club o magsilbi na lang siya roon sa bahay ni anita, pinili ni Katelyne ang pagsisilbi na lang sa bahay, kesa ipasok sa club. Pero ang hindi alam ni Katelyne ay, ibenenta pa din siya ng tatay niya.
.
Anita : dante tiyak na malaking pera ang makukuha natin kapag nakahanap tayo ng parokyanong bibili sa anak mo.
Dante : sige humanap ka ng bibili kay kate, dahil naubos ko na yong pera kong pinagbentahan ng bahay.
Anita : tiyak kong titiba tiba tayo jan sa anak mo, dahil sobrang ganda at kinis..maraming maglalaway diyan sa anak mo..sigurado ka bang virgin pa yan?
Dante : oo, hindi pa nagkakaboyfriend yan..
Anita : mabuti kung ganon..buti hindi mo naisipang pagsamantalahan yang anak mo sa ganda na yan!
Dante : pwede ba, ayusin mo yong salita mo, di ko kayang gawin kay kate yun!(pasinghal niyang sabi)
Anita : okay, pasensiya na!!!
.
At hanggang sa nakahanap si Anita ng bugaw na bibili kay Katelyne.
.
Anita : Sariwang sariwa yong babae ko!! (Sabi sa baklang bugaw)
Maria : sigurado ka ha,?
Anita : siguradong sigurado nga, virgin pa yun dahil sabi ng tatay niya ay hindi pa nagkakaroon ng boyfriend ang anak niya!
Maria : okay, mabuti kung ganon. Ayaw kong masira sa mga suki ko, alam mo naman ang mga suki ko. Mga mayayaman at mga pulitiko..alam mo naman na mas gusto nila ng sariwang sariwa..nasaan ba siya?
Anita : nasa bahay!
.
At hindi nga nagtagal ay pinuntahan nila si Kate.
.
Anita : kate, may naghahanap ng saleslady, baka gusto mong pumasok..
Kate : po?
Anita : ayaw mong pumasok sa club eh, kaya pumasok ka nalang ng saleslady para naman mabawasan ang gastusin ko dito sa bahay.
Dante : oo kate sumama ka nalang sa kanya(si maria ang tinutukoy ng tatay niya)
.
Si Maria ay isang bugaw
.
Kate : sige po tay, kelan po ba ako mag-uumpisa?
Maria : ngayon na sana, sumama ka na sakin ngayon..
Kate : sige po, magpapalit lang po ako ng damit..
.
At pumasok muna sa banyo si kate para maligo dahil tagaktak ang pawis niya sa paglalaba ng mga damit ni Anita.
.
Maria : wow, ang ganda nga..
Anita : di ba sabi ko sayo, o paano ang bayad?
.
Kinuha ang bag at kumuha ng pera.
.
Maria : oh eto ang 10 libo..
Anita : uy, hindi pwede yan!!
Maria : (kumuha pa ng pera sa bag)..oh ayan 20 mil na..
Dante : ang baba naman ng presyo mo? Dagdagan mo!
Maria : sige 30 mil..
Dante : 50 mil!!
Maria : ang laki naman!!
Dante : makaka-alis ka na!!
Maria : aba hindi, sige 50 mil.
.
At kumuha pa ng karagadagan sa bag ang bakla??at inabot sa kamay ni Dante, pero nakita iyon ni Kate…nalaman niyang binibinta pala siya ng tatay niya.
.
Kate : tatay?
Dante : sige, isama mo na siya (sabi sa bakla)
Maria : halika na kate.
Kate : tatay anong ibig sabihin nito, ibinibenta nio ako??(umiiyak niyang sabi)
Anita : sumama ka na kate!!
Kate : hindi ako sasama..(binalingan ang tatay)..tatay anong klase kang ama, nakuha mong ibenta ang sarili mong anak..wala kang puso tay, wala kang puso, at wala kang kwentang tao..
.
Dumapo ang mga kamay ng tatay niya sa mukha niya, at pinagtulakan na siya ni Anita na lumabas, ngunit nagpupumiglas siya, hinila siya ng ubod ng lakas ni Anita papalabas, hanggang sa binuksan ni Maria ang kotse na pagsasakyan nila, at hanggang sa naipasok siya ni Anita sa kotse, hindi na nakawala si Katelyne dahil may pumipigil na lalaki sa kanya na kasama ni Maria, ang lahat ng mga tao roon na kapitbahay nila ay pinagtitingnanan sila, wala naman ni isang tumulong kay katelyne.
.
Kapitbahay 1 : naku, sa umpisa lang yan, pero kapag nagtagal ay magiging hasler na din yang si Katelyne..
Kapitbahay 2 : oo magiging bihasang pokpok na din yan..
…..
Punong puno ng luha ang pisngi niya sa alaalang iyon, kay saklap ng kapalaran niya, hanggang sa napagod na ang isip ni Katelyne na mag-isip at mag-iiyak, tumayo siya sa pagkakaupo at tiningnan niya ang kwarto na iyon kung meron siyang malalabasan, pumunta siya sa bintana baka sakaling makalabas siya roon ngunit bigo siya…kaya nagpasya na lang siyang bumalik sa kama at naupo at nag-iiyak na lang uli siya, dahil wala na siyang pag-asa sa isip niya ay sana ay mamatay na lang daw siya sa mga oras na iyon, takot na takot siya dahil maya maya lang ang papasok na roon ang lalakeng kukuha ng kanyang pagkababae, na iningatan niya buong buhay niya!!!
.
Itutuloy.
Mga kakwentuhan ko diyan, heto na naman po ako,sana po support nio po ulit ang aking kwento sana po magustuhan nio..salamat.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.