0

MY ID*OT EX-HUSBAND


Report

MY ID*OT EX-HUSBAND”
By:DANE_WRIGHTS
PROLOGUE:
“What’s this? An annulment paper? Ano na namang pumasok sa utak mo, Eiron?” Pabalyang inihagis ko ang folder sa lamesa at nag-dekwatro habang nakatingin nang seryoso sa lalaking nakatayo sa aking harapan.
“Just sign this and we’re done.” May diing sabi niya na sobrang layo ng sagot sa tanong ko.
Napaismid naman ako sa narinig ko, “Nag-iisip ka na naman ba?”
“Ano bang mahirap sa ipinapagawa ko?” May inis sa kaniyang tono at muling kinuha ang folder saka ito sa akin inilahad sa mukha ko.
“Sure ka na?” Tanong ko pa na ikinatango niya. ” Talagang-talaga?”
” Yes. I’m f*cking serious.”
“Walang bawian? Hindi ka maghahabol?”
” I already have Gia in my side. Nothing to worry. She can give me a child na hindi mo magawa.”
‘Gia na naman. Lagi na lang Gia.’
“Okay. ‘Yun naman pala. And 2 years being married is enough. It was just an arrange marriage. So, you have rights to do what you want.” Pinal na turan ko na lang at kinuha na nga ang folder.
Inilapag ko pa ito sa lamesa at hinawakan na ang ballpen para pumirma.
Nang makapirma na ako ay saka ko ito sa kaniya ibinalik. Nakita ko naman ang pagnguso niya.
“Ginawa mo talaga? Hindi mo man lang ako...


pinilit pa?”
“Id*ot. Who do you think I am? Bahala ka na sa buhay mo. At saka heto mga listahan. Nandiyan na lahat ng dapat mong gawin. Huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin. Alis!” Pangtataboy ko pa sa kaniya kaya nakita ko ang pamumutla niya.
Hindi na sana niya susundin ang utos ko nang bigyan ko siya nang nanlilisik na tingin.
Kaya nagmadali na siyang lumayo sa akin. Habang hawak-hawak ang annulment paper naming dalawa.
Nang makita ko na siyang wala na sa bahay, ay saka ako nagpalabas nang mahinang buntong hininga.
Napahawak pa ang aking kaliwang kamay sa aking sentido para hilutin lang ‘yun.
“Kasalanan niya ‘yan. Panindigan niya. Pero hindi ibig sabihin ay hahayaan ko na lang siya na mapunta sa iba. Ipapamulat ko lang sa kaniya kung gaano ba ako kawalan sa buhay niya.” Mahinang sabi ko sa aking sarili at napahawak sa aking tiyan na malapit ng magkaumbok.
“Sorry, my twinny. Your dad is an id*ot one. He need to suffer even a little years lang naman. But don’t cha worry, I’ll make sure he’ll be safe.” Kausap ko sa mga anak ko na walang kaalam-alam ang mokong.
Naniwala kasi sa prank ko. Id*ot talaga. Bahala siyang magdusa.
©®DANE_WRIGHTS
PLAGIARISM IS A CRIME.
CAN DO REPLY BOX POLICY? THANKS!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.