0

My husband secret Chapter ten

Hello Mrs. Rumulo! ”
” Yes sir,”
” Nakita na namin ang asawa mo, andito siya ngayon sa aming headquarter nakadetaine! Sambit ng pulis na Nasa kanilang probinsya. Nasa kabilang Linya ito.
“A.. Anu po?” gulat niyang sambit.
“Mrs. Rumulo nahuli ang asawa mo sa isang buy-buyst operastion kaya nakakulong siya dito sa aming himpilan. . Kung gusto nyo po siyang makita pwedi nyo po syang dalawin,sa City jail. Dahil bukas ay ililipat na siya.
Kinabahan siya sa sinabi ng pulis. Bago siya magkumento sa pulis ng kung anu anu ay nais muna niyang makausap si Troy. Noong hapon din iyon ay umuwi siya sa kanilang probinsya para kumpirmahin ang balita.
Pagpasok pa lamang niya sa gusaling iyon ay tinanong niya agad ang warden nakabantay sa
Sa front desk. “Sir itatanong ko lang po Troy Rumulo kung nandito siya?!
Ikaw ba ang asawa niya?
Yes po! a.. Ako nga po.
may tinawagan sa loob ang lalaki. Ilang sandali pa, ay tinuro siya nito kung saan siya papasok.
Pinapasok siya nito sa isang lugar na Di kalinisan may mga mesa at upuan. Unang beses niyang makapasok sa ganitong lugar, Hindi niya in akala na mkakapunta siya sa ganito ng lugar na nakikita lamang niya sa tv. May ilang mga tao din sa Lugar na iyon na sa palagay niya ay may dalawin din sa loob.
“Dito po tayo ma’am naroon ang asawa mo,” sambit ng jail guard sa kanya.
Hindi pa man siya na kakarating sa mesang tinuturo nito ay nakita na niya ang asawa sa kabilang mesa Naka orange na damit. Mahaba ang buhok na medyo kulot nangitim na ito bagamat hawig pa rin ito sa boss niyang si Wilson, Iyon nga lang, ito ang gusgusing version ng kanilang boss.
Patakbo siyang lumapit lumapit dito.
“Troy!! Sambit niya dito sabay niyakap niya itong mahigpit.” Namiss kita..! Bakit ka ba napunta rito?”
Parang nahiya ang lalaki sa kanya kaya kumalas ito mula sa pagka yakap sa kanya.
“Sorry Anicah, hindi ko gustong madamay ka pa, Hindi ka na sana nag punta dito..”
Bakit mo kasi yon ginawa. Bakit ka nag benta ng bawal na gamot. Alam mo namang bawal iyon?”
“Anicah, na set up lang ako, hindi ko alam na drugs ang Ipapatrabaho sa akin ng boss ko.” Hindi ko ito ginusto kaya, maniwala ka.. Saad nito sa kanya.

Pinagkatitigan niya ito sa mata.. At hinawakan niya ang mag kabilang pisngi nito.” Oo Troy naniniwala ako sayo. Gagawa ako ng paraan para makalaya ka dito, mahal kita. Gusto na kitang mkasama. Naluluhang sambit niya sa asawa. Saka ito yumakap sa asawa.
“talaga mahal?
Oo.. Ako na ang bahala.” hinigpitan pa niya ang yakap dito.
” namis kita mahal..” Aniya at hinalikan niya ito sa labi. Wala na siyang pakialam kung maraming tao sa paligid. Basta namis lang niya ang asawang si troy.
Naramdaman ng lalaki ang labis na na pagkasabik sa kanya ng asawa. Sa nakikita niya dito mukhang malaki na nga ang ipinagbago nito mula ng iwanan niya. Hindi na ito yong pinakasalan niyang spoiled brat at Maarte.
Namis niya ring yakapin at halikan ito kahit madalas niya pa itong nakikita.
Oo nakikita niya nga ito kaso Hindi niya naman mahawakan mahalikan dahil mayroon siyang dahilan. Bukod pa dun ay Gusto niyang malaman kung hanggang saan ang kaya nitong ibigay na katapatan sa kanya.
Mula noon hangaang ngayon nagkalat sa paligid niya ang mga peking tao na akala niya ay concern sa kanya. Wala siyang itulak kabigin sa mga ito. Kabilang na dito ang kanyang mga pinsan.
Bilang heredero ng Sandoval gruop of Company, gusto niyang makakuha tapat na mamahalin, at napasubo siya sa asawang si Anicah. Bago pa maging komplikado ang lahat ay kailangan niyang itong ayusin at bago ilagay sa tama.
“Mahal sabihin mo sa akin anu ba ang kailangan kung gawin para matutungan kita?”
” Hindi ko rin alam Anicah, kausapin mo si Warden siya ang magsasabi sayo kung anung gagawin mo.”
Tumango lamang ang babae sa kanya.
Gabi na pinayagan siya ng warden na matulog sa isang kwarto kasama ang asawa ng gabing iyon.
Katakot takot na transformation pa ang pinag daanan ni Wilson para maging makatotohanan ang kwento nila kay Anicah. Tungkol sa kanyang pagkakakulong, kinakailangan pa niyang
Magbayad ng mga kasabwat para maisakatuparan ito. Pati ang humiram na mabahong damit sa isang detaine para soutin ay challenging din sa kanya dahil sa mabahong amoy nito na masakit sa ilong.
Ngunit nakita Niya sa asawa na wala itong pakialam kahit anu pa ang amoy ng sout niya.
Nakasubsub ito sa katawan niya habang mag katabi sila sa maliit at matigas na higaan na iyon.
“Anicah anu ba ang ginagawa mo? Takang tanong niya dito, dati kasi pumapayag lang ito kapag mayroon siyang nagawa para dito pero, ngayon may kasalanan pa siya, mabaho at gusgusin ngunit ramdam niya ang mainit nitong...


hininga sa labi niya . Kasabay ‘ng mga kamay nitong tila may kung hinahanap sa katawan niya..
” mahal, namis lang naman kita.. Sobra..”sambit nito ng matonton ang hinahanap.
malamlam ang mata nitong Nakatingin sa kanya,ito na rin ang gumawa ng para may MAganap sa kanila. Gusto man niya itong pigilan ngunit gusto rin ng Kanyang katawan. Hindi niya matanggihan ang asawa. Kung sabagay ilang buwan na rin siyang nagtitiis. Kaya pinag Bigyan na niya ang sarili, Pati ang asawa.
” Troy mahal na mahal kita.” mahinang sambit nito sa kanya..
“Mahal din kita Anicah. Lagi mong iisipin Palagi lang akong Nasa tabi mo kahit magkalayo pa tayo.”
“Oo Troy, balang araw makakasama din kita. Kung pwedi nga lang magpakulong din ako dito para magkasma na tayo dito” . Sambit nito sa kanya habang Naka yakap.
“naku ‘wag mahal kahit makulong ka pa magkahiwalay din nmaan tayo ng selda kaya don’t do anything para makulong ka ha?” pakiusap niya dito.
” Oo… Tumango ito sa kanya.. Pangako gagawa ako ng paraan para mailabas kita. Muli nitong sambit sa kanya at inangkin nito ang kanyang labi. Tila wala itong sawa sa pag-angkin sa labi niya. Na Nagustuhan niya rin ilang sandali pa tila umiinit na naman ang pakiramdam nila. At muli niyang ipinaramdam ang pagmamahal niya sa asawa.
Kinabukasan matapos bumili pangkain para sa asawa ay nagpaalam siya dito. Bumalik siya sa maynila.
Isa lamang ang Kanyang naisip para makalaya si Troy. Ayon sa pulis na may hawak ng kaso. Maari daw mag pyansa ang asawa ng limandaang libong piso o kalahating Milyong piso. . Para pansamantalang makalaya.
Hindi niya malaman kung saan kukuhanin ang perang ipambabayad sa asawa. Hindi pa doon kasali ang pambayad sa abogado.
Para na siyang magkakasakit sa nangyayari sa
Buhay nilang mag asawa. Ganunpaman ay kailangan niya itong tulungan. Noong panahon na ama niya ang nsa abang kalagayan ay Hindi ito nag dalawang isip ng silay tulungan.kaya ngayon siya nman ang Tutulung kahit sa anu mang paraan.
AGAD siyang ng file ng company loan sa pinagtatrabahohang kompanya. Mabuti na lamang at madali itong maaaprove kaya lang 80 thousands lamang ang nakuha na niya.
Lahat na yata ng loan ay inaplyan na niya kaso kulang pa rin Hindi man lang ito umabot sa dalawang daang libong piso.
“Ano nang gagawin ko ngayon.? Namomomroblima niyang sambit sa isip. Iniisip niya kung saan pa siya posibling makakuha ng pera. Wala namang maititulong ang pamilya niya sa kanya ganun din ang mga kamag anak niya.
Narinig niyang tumunog ang telepono. Agad niya itong sinagot.
Hello sino to? ”
Ma’am Anicah,”
Diego ikaw ba yan?
Oo ako nga ma’m!
Bakit ka napatawag?”
“kailan mo ba balak na Ilabas si boss sa ‘kulungan?
” ito nga Diego eh.. Kulang pa ang pera ko dalawang daan pa lamang ito. Ikaw bka may alam ka pa dyan na pwedi Kong mautangan tulungan mo naman ako oh.. “magmamakaawa niya dito.
Wala ma’am eh.. Pano kaya yan ma’am yang pa naman ang gusto Kong sabihin sa inyo. Kailangan na nating mailabas si boss sa kulungan kung Hindi baka…baka Hindi na natin siya pang abutan ng buhay doon..” ramdam niya ang pag aalala sa tinig nito..
” Anooo?? Bakit?? Nag alaala niyang sambit.
Nabartulina si boss. Nakita ko puro pasa ang katawan.. Sambit nito sabay padala ng litrato sa kanyang telepono. Habag ang nadama Niya sa
Nakita. Duguan ito parang hapong hapo may posas patalikod ang dalawang braso.
“Ma’am kung maari sana wag na kayong pumunta dito kung Hindi baka lalong pag initan si boss ng mga pulis, kaya kung pupunta kayo dito kailangan may pera na kayo para mailabas natin siya ka agad… “Saad ng lalaki sa kabilang linya.
Naiiyak niyang ibinaba ang telepono..” Anong gagawin ko?? Naluluha niyang sambit sabay pinagmasdan ang nkakakaawang anyo ng asawa sa telepono.
“Miss Anicah What are you doing here?seryusong Tanong ng boss na si Wilson Sandoval.
Tiningnan niya ang kaharap. Maraming nagla’aro sa Kanyang isipan .. Naisip niya na baka ito ang Magkatulong sa kanya, kaso nakakahiya. Ngunit uunahin pa ba naman niya ang hiya kisa sa kaligtasan ng asawa, wala namang masmang sumubok kaya naglakas loob siyang mag sabi dito total naman pakiramdam niya madali itong lapitan.
.. Ka.. Si po sir na kulong po ang asawa ko Hindi ko alam Kong saan ako kukuha ng pampyansa sa kanya. Kulang pa po ang hawak Kong pera dito. Sir, kakapalan ko na po ang mukha ko… Baka naman po pwedi nyo akong tulungan… “” boung suyong pakiusap niya sa amo.
Natahimik ang lalaki sa tinuran niya.” Miss
Abad, ganito na lang busy ako ngayon mamayang hapon puntahan mo ako sa office ko saka natin pag – usapan ang tungkol sa problima mo ha?” Saad nito sa kanya saka ito umalis.
Nakahinga siya ng maluwag sa tinuran nito.. Atleast nkakuha siyang tutulong sa kanya.
Kung anu pa ang susunod na mangyayari.. Abangan….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *