0

My husband cheater


Report

Kabanata 61
Ang huling kabanata.

—–Agad nila dinala sa hospital si mang leandro at dinampot naman ng mga pulis si elane. Para panagutin siya sa batas.

Labis naman nababahala si aling agnes dahil sa ginawa ng asawa nitong pag salba sa buhay ng anak. At nagpapasalamat sila sa ginawa ni fate dahil sa kanya ay nakatawag ito ng mga pulis para mahuli na si elane.

“Patawarin mo ako sa lahat.” Ani mateo habang hawak hawak niya ang kamay ng asawa na may dugo dahil siya ang unang lumapit sa ama ng makitang tinamaan ito..

“Para saan.” Aniya habang naka tingin ito sa mga mata ng asawa.
“Dahil sa mga kalokohan ko.. sa mga panloloko ko sayo, na- na uwi sa ganito.” Naiiyak na niyang sabi.

“A-alam mo bang… Matagal kuna iyon, pinagsisihan.. kung sana…?” Dina natoloy ang sasabihin pa sana niya ng bigla siyang yakapin ni zara.

“Sshhh…. tama na.”

“Labis akung nag alala kanina dahil akala ko sayo, nakatama ang putok ng baril…labis pa akung nag alala para sa anak natin.” Pagpapatoloy pa niya. Ilang sandali dumating na sina tricia at tita lucia at ganun din ang kaibigan ni mateo na si jun.

“Bro” kamusta kayo!” Pag alalang sabi naman niya sa kaibigan. Habang sina tricia at tita lucia ay kausap si aling agnes at aling veronica.

“Salamat sa diyos at sa braso lang tinamaan si leandro.” Pag alalang sabi niya.
“Hayop na iyon!! Sana mabulok sa bilangguan ang babaeng iyon.!” Ani tricia na napikon na rin sa nangyari sa tito nito.

Dumating din si ethan sa hospital. Pagkaraan ng ilang oras sinabi ng doctor na hindi naman seryoso ang tama ng baril sa kanyang braso kaya malayo sa disgrasya at pwedi na siya i-uwi.

Maraming kaso ang kinakaharap ni elane. Kaya tuluyan na siyang nakulong. Lalo na at buhay ni zara ang kanyang pinagtangkahan.

“Sana, maging maayos na ang takbo ng buhay natin mateo.” Ngiting sabi ni zara habang hawak hawak nito ang tiyan.

“Oo” dahil nakakulong na si elane. At sana matanggap niya na ikaw na ang mahal ko.” Bigla siyang kinurot ni zara.
“Oo’ kasi nun si elane ang mahal mo dahil dimo ako kayang mahalin nun dahil nerd ako.” Dogtong pa ni zara at pinisil pisil ang matangos na ilong ng asawa…

Paglipas ng isang buwan. Nakatanggap ng tawag si zara mula kay flour. Gaya ng dati dina natagpuan si diego.

Kabanata 62

—-Baby shower nina mateo at zara. Dahil kauna-unahang baby nila. Minabuti nina zara at mateo na sa mansyon gaganapin...


ang party baby shower nila. At dahil sa pakiusap ni ethan sa kanyang ina ay napapayag itong bumalik ng bansa para makilala naman nito ang kapatid na si mateo. Nung una ay kinasusuklaman ng ginang ang pamilya ni fabio sa ibang babae, pero dahil matagal nang patay ang asawa at maraming taon na din ang lumipas ay minabuti nitong magpatawad alang alang sa dalawang anak..

Pero dahil hindi pa handa si dave para harapin muli ang dating katipan ay mas pinili nitong manatili nalang sa america kasama ang asawa nito at mga anak.

Nagkaharap din sa wakas si aling veronica at josefina sa tagal tagal na panahon..

Humingi ng patawad si aling veron dito dahil sa ginawa niya nun… Mabait naman ang ina ni ethan. Kaya move on na siya sa lahat.

“Hijo, gusto ko pagbalik ko dito sa pilipinas ay merun kanang ipakilala saakin na apo ko.” Birong sabi ng ginang..

“Diko pa nakikita ang babae na magiging ina ng mga anak ko.” Ganti nito sa ina.

“Masyado kasi siyang subsub sa trabaho tita.” Sagot naman ni mateo habang nasa hapag kainan sila.
“Hay naku” ganyan talaga sila. Lalo na si dave nun?” Pagmamalaki pa ng ginang sa dalawang anak. Na bigla naman sya napasulyap sa kinaroroonan ni zara. Dahil minsan na niya nakilala si zara nung time na sila pa ni dave. Si zara ang unang yumuko napansin naman ng ginang ang pamumula ng pisngi ni zara..

Kaya bigla naman siya nagkwento ng ibang story.

Lumipas pa ang ilang buwan. Agad dinala ni mateo si zara sa hospital dahil manganganak na ito. Labis naman ang kagalakan ng mga magulang ni zara lalo na ang ina ni mateo..

At maaga din pumunta sina tita lucia at tricia sa hospital para dalawin ang pamangkin nitong manganganak na.

Isang malusog na batang babae ang isinilang ni zara. At kuhang kuha niya ang shape ng mukha ni mateo na labis naman ikinatuwa ng lalaking ama.

“Ang cute” ani tricia habang karga karga nito ang baby na kakahatid lang ng nars sa kuwarto ni zara.

“Akin na nga!” Ani tita lucia at masayang kinarga din ang baby..

“Naku kayo talaga, akala mo naman anak nila ang nanganak.”birong sabi naman ni mang leandro sa dalawa at sabay sabay na silang nagtawanan sa loob.

“Mia’ ang gusto kung ipangalan niyo sa apo ko.” Ani aling agnes.

“Maganda!” Ani aling veronica. Wala ng nagawa pa ang mag asawa dahil sa nakapaligid sa kanila. Sumang ayon nalang sila sa mga nagdisisyon para sa kanilang anak kung anu ang ipapangalan dito….

Wakas……


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.