1

My husband cheater


Report

Kabanata 59

—–Lumuwas ng maynila ang mag asawang aling agnes at mang leandro para sa kanilang anak na si zara, mula nang malaman nilang nagdadalang tao na ito ay masaya silang alagaan at babantayan si zara. Ayaw na nilang mawalay sila sa kanilang anak na matagal tagal. Mula na kasing mawala ito at inakala nilang patay na ay para bang ayaw na nilang maulit pa iyon.

Daming niluto si aling verinica para sa kaibigan. Naisipan din kasi nilang mag celebrate para sa bagong yugto ng mag asawa. Lalo na at mag kakaanak na ang mag asawa. At darating din sa celebration sina tricia at tita lucia. Gayun din si ethan.

Bihis na bihis na mag asawang zara at mateo. Para salubungin ang mga special na bisita nila na sila sila lang din naman. At nag invite din sila sa kanilang mga kakilala at iba pang kamag anak ni ethan. At ibang mga katrabaho nila sa opisina at empliyado.

Magaling si zara sa paggawa ng mga dicoration. Kahit napakaliit lang ng kanilang bakuran sa loob ng kanilang bahay at sa may swiming pool aria pa sila naka venue ay talagang nakaka mangha na ang mga ito. Lalo na at may mga baloons pang nakapaligid dito na may tatlong kulay na pink white at black..

“Oh!my god! Amazing!!!”ani tricia na kakapasok pa lang sa may gate ay tanaw na tanaw na niya ang napaka simple at bonggang venue na ginawa ng pinsan nito na kahit simple lang ay matatawag mong sobrang ganda.

“Pinsan, thank you for coming.” Masigla naman sabi niya habang naka suot ito ng pangbuntis na bistida na kahit medyo maliit pa ang tiyan ay parang pinaghandaan na niya talaga ang kanyang pagbubuntis.

“Oo naman!”
“Tita! Kamusta po!”sabay halik sa pisngi nitong sabi niya sa kanyang tita na kasunod lang ni tricia.
“Mabuti naman sa awa ng diyos!si inay mo.”
“Nasa loob po tita!kasama po si aling veronica at si itay po.” Sunod sunod niyang turan.

“Samahan kuna lang po kayo!” Biglang tugon ni mateo na kanina pang walang kibo sa tabi ni zara dahil masaya siyang pinagmamasdan ang mga ito.

“Okey lang mateo, dito lang kayo.” Tangging sabi niya at agad na itong humakbang papasok sa loob.

“May gift pala akung dala.”dugtong sabi naman ni tricia at kinuha agad ang rigalo sa loob ng kanyang bag at ini abot kay zara.

“Thank you! Nag abala kapa.” Aniya
“Si kuya nandito na.” Ani mateo at agad sinalubong ang kuya nito na halos magkasabay din sila dumating ng dating kaibigan ni mateo na si jon.

“Kumusta bro!!” Ani mateo sa kaibigan.

“Okey lang bro!!” Ngiting tugon nito.
“Pasok tayo kuya.” Aniya at sumunod naman ang dalawang lalaki na sabay naman nilang itinaas ang kanilang palad para pagbigay galang sa dalawang babaeng halos pabulong kung magsalita.

“Hindi parin ba pansin ang beauty mo pinsan? Ang tagal munang crush iyan ah!” Pabulong na sabi ni zara sa kanya.

“Ewan ko ba dyan!” Isnab naman niyang sagot sa pinsan. Natawa nalang si zara sa reaksyon ng pinsan nito.

Halos lahat na ng mga iniinbitahan ay nandun na. At naka upo na sa kani kanilang puwesto. Ang iba ay nag uunahan na sa pagkuha sa mga pagkain para makakain. Pagkatapos mag speech nina mateo at zara lalo ang mga magulang nito.

Masayang masaya ang araw na iyon para sa mag asawa hindi nila iniisip ang problema.

Pero sa kabila ng kasiyahan na iyon sa kanila. May isa naman ay tila nagluluksa. Halos durugin ni elane si zara sa kanyang paningin. Lalo na ng mabalitaan niyang buntis na ito.

“Sige lang magpakasaya kayo.” Giit ng isip nito habang naka tingin sa labas ng gate.

Pagkatapos ng kanilang celebration ay kanya kanya ng nagpapaalam ang kanilang mga panauhin.. ganun din sina tita lucia at tricia.

“Sabi kuna man sayo mateo na sa bahay kuna kayo tumira. Malaki ang mansyon na iyon.”giit naman ni ethan sa kapatid.

“Kuya, ang bahay na iyon ay sayo. Kaya dapat lang na sayo iyon. Lalo na at mag asawa...


kana.” Sagot niya dito at biniro pa.

“Huwag na muna ngayon.” Tugon nito.
“Kailan pa? Kung saan matanda kana.?” Dogtong biro nito.

“Diko pa nakita ang D’1 ko.” Ngiting sabi nito.

Kabanata 60

—Halos 24 hour na nagbabantay si elane sa labas ng bahay nila. Plano niya yatang doon na tumira. Walang kaalam alam ang mag asawa.

Maaga palang nagtulog na ang mag asawang aling agnes at mang leandro dahil sa pagod dahil maaga silang dumating sa maynila at tumulong pa sila sa gawain sa pagluluto para matulungan si aling veronica at isa nilang katulong na si fate.

Si aling veronica ay maaga din natulog. Si aling agnes at mang leandro sa taas sila natulog dahil dun ang may vacante sa baba naman ay iyong katulong nila.

“Happy?” Biglang tanong ni mateo sa asawa na unti unting tinatanggal ang suot nito para magpalit para sa pampatulog na damit.

“yes!Thank you!”ngiting tugon nito.

Masayang niyayakap ni mateo ang asawa habang hinahalikan sa pisngi nito.

“Hindi ako papayag na habang buhay kayo magsasama zara. Papatayin kita?” Galit na sabi ni elane habang nakita niyang nakapatay na ang ilaw ng kuwarto nila mateo at zara. Parang dinudurog ang puso nito sa tuwing iniisip niya ang mga ginagawa ng mag asawa.

Hanggang dumating ang isang araw. Pagbukas ni zara sa gate para pagbuksan si mateo. Nagulat sila ng biglang tutukan ng baril ni elane si zara.

“Papatayin kita zaraaa!!!” Sigaw ni elane. Agad bumaba si mateo sa kutsi nito para puntahan si zara na nakataas ang mga kamay dahil sa takot na kalabitin ni elane ang baril.

“Elane, please huwaggg!!!” Sigaw naman ni mateo.

“Anung huwag!!! Siya ang dahilan kaya ka makipag hiwalay saakin.!!! Sigaw nito

“Baliw kana ba!!! Si mateo ay asawa ko!! Ikaw ang umagaw saakin!!!” Sagot naman ni zara. Bigla naman lumabas sa loob ng bahay sina aling agnes at mang leandro at ganun din si aling veronica na labis ang pagka bahala.

“Elane!! Ibaba mo ang baril na iyan!!! Sigaw naman ni aling veronica.

“Zaraaa!!! Tawag naman ng dalawang mag asawa ng makita ang anak nilang tinutukan ng baril na halos maiyak na si aling agnes.

“Elane maawa ka kay zara. Buntis siya!!! Ani aling agnes.

“Elane! Pwedi naman natin pag usapan ito e’ please elane.!!”

“Pag usapan!! Anung pag usapan mateo!!! Wala na!!!

“Please elane..!
“Papatayin kita para matapos na ang paghihirap ko!!”

“Wala akung ginagawa sayo elane!!! Bakit mo ako iginaganito. Kaibigan kita pero bakit mo ako pinaparusahan!!!” Sabi ni zara.

“Dahil sayo kaya ayaw na saakin ni mateo!!!” Giit pa nito.

“Nahihibang kanaba!!! Wala na akung gusto sayo!! Dina kita mahal nagkamali lang ako nun!!pinagsisihan kuna iyon!! May mahanap kapang lalaking magkakagusto sayo at magmamahal sayo!!! Toloy toloy niyang sabi.

“Alam mo naman na ikaw lang ang lalaking iyon!!!” Anito. Lalapit sana si mang leandro sa anak pero biglang nagpaputok si elane na siya naman ikinabigla nila at halos maghiyawan sila.

“Sige, lumapit kapa at sa ulo na mismo ni zara ko ito ipuputok!!!”

“Please elane!!! Itigil muna ito. Harapin mo ang katotohanang hindi ikaw ang mahal ko!!! Sigaw ni mateo sa kanya na may halong galit.

“Hayop ka!!! Pinaasa mulang ako.!!” Pagkasabi niya ng ganun ay bigla niyang kinalabit ang gatilyo ng baril at tumama sa kaliwang braso ni mang leandro ng makita ng matanda ang naging reaksyon ni elane ay bigla niyang nilapitan ang anak para saluhin ang isang putok ng baril ni elane. Na halos naghiyawan sila at sunod sunod na iyak ang maririnig mo.

“Itayyy!!!

“Leandrooo!!!” Ani aling agnes na umiiyak nang makita niya ang asawang naka handusay sa sahig na duguan ang kaliwang braso. Si mateo naman agad inagaw ang baril sa kamay ni elane. At agad dumating ang mga pulis dahil tumawag ng pulis si fate sa loob ng bahay…


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.