0

MY GIRLFRIEND IS FAT


Report

Habang nagde-date sa mga turo-turo rito sa tabi ng kalsada… iba’t ibang bulungan ang naririnig namin ng boyfriend ko.
“Ang guwapo no’ng guy halatang mayaman tapos nandito lang sa turo-turo?”
“Oo nga eh, at saka sino kaya yung kasama niya? Mama niya kaya?”
“‘Di ko alam masyadong mataba hahaha baka nga!”
“Grabe lang antaba nga parang nanay niya eh,”
Para sa’kin masakit tawaging gano’n sobra.
“Huy taba! Tumabi ka nga muna diyan may bumibili sa likod mo o Marami, ‘di sila makadaan dahil nakaharang ka!” Aniya ng fishball vendor na aming binibilhan.
“Pasensya na po.” Napapayuko akong nagbigay daan sa ibang mamimili na dalaga– nakita ko pang tinarayan at inirapan ako ng mga ito.
“Haharang-harang kase kita nang ang laki-laki ng katawan!”
“Akala niya ‘yata siya lang yung bibili,” kinain ko nalamang yung binili ko kesa maiyak dahil sa pinagsasabi nila. “Tabachoy nga naman pakain-kain lang kaya lumalaki!” Natigil ako sa sinabi niya kaya ibinaba ko nalamang yung kinakain kong fish ball saka tumingin ng malungkot sa boyfriend ko.
Nakita ko siyang seryoso habang nakatingin sa mga fishball na niluluto– lumapit sa kaniya yung dalawang babae na sexy… oo sexy sila, ako tabachoy lang.
“Hello?” ani nong isa habang kumakaway sa boyfriend ko pero hindi sila nito pinansin.
“Napaka suplado!”
“Nakikipag-kaibigan lang eh,” tumingin yung boyfriend ko sa kanila– seryoso ito.
“Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga taong mapanglait– you’re body...


shaming my girlfriend– Hindi ko kailangan ng kaibigan na ang alam lang ay insultuhin ang kapwa niya.”
Naglakad palapit sa’kin si Josh yinakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
“Hey I’m sorry– I love you” bumaling siya sa tindera nang Fishball.
“At ikaw naman Ale, sana ayusin mo ang trato mo sa mga Customer mo– hindi ka lalago kung ganiyan mo tratuhin ang mga customer mo,” hindi ako nakapagsilata dahil sa ginawa at sinabi ng boyfriend ko.
“Huwag mo na silang pansinin– inggit lang ‘yan sila, tandaan mo hanggat nandito ako walang mananakit sa’yo… mahal na mahal kaya kita, you’re the only one I love– Kahit ganiyan pa ang katawan mo mahal kita hayaan mo nalang sila, ayos ba? Walang magbabago sa pagmamahal ko sa’yo!”
“S-Salamat Josh, I love you!” Agad akong yumakap sakanya nang mahigpit.
“T-Teka lang ‘di ako makahinga!”
“Ay sorry sorry nadala lang hehe,” saka ko niluwagan ang yakap sakanya.
“Don’t worry– kapag ikaw sumexy gaganda ka pa muwah. My girlfriend is fat yet sa paningin ko napakasexy mo– hali kana masyadong maraming mapang-mata rito sa lugar na ‘to alis na tayo!” Tumango ako sa sinabi niya kaya’t agad kaming lumakad paalis.
Ako na ‘yata ang pinaka masuwerteng babae sa mundo dahil may lalaking tumanggap sa’kin at minahal ako ng buo kahit ganito ang katawan ko.
——END—–
Work Of fiction
Written By: Ms. Portia


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.