0

My Bestfriend, My Boyfriend


Report

Hi, I’m Rishell, nag umpisa ang lahat sa isang sikat na libangan noon kung saan puro text ang ginagawa. CLAN, yan ang tawag nila. Puro text, hashtag at kung minsan wala namang kwenta yung gm’s eh. Sa totoo lang nakakatamad. But I never expect na dun ko sya makikilala. Ang founder ng clan ay ang naging bestfriend ko. Pero syempre hindi naging madali ang lahat bago kami naging magkaibigan. Di kase kami magkasundo, puro asaran at bangayan ang meron kami. Until one day, dineclare namin na we’re bestfriends na. Naging tawagan naminang KHULET since makulit kami pareho (pero mas mkulit sya😂). Katagalan ng friendship namin naging M.U kami. Sweet messages at lambingan pero hanggang dun lang yun. Kase naging crush nya yung girl bestfriend ko. So bilang kaibigan nila, sinuportahan ko sila. Naging tulay nila ko. Kaso walang nagyari, diko alam bkit? Then one day, tinanong nya ko na what if ligawan nyako? Ang sagot ko simple lang. We promised na bestfriends tayo diba? At sabay ko syang nginitian. Nagtaka ako kase diko na sya nakikita, di na din sya ngsisimba, mga halos dalawang buwn din syang naglaylo pagkatapos nyakong tanungin. Nagkaron ako ng boyfriend nung pagbalik nya. Nagtampo pa sya saken dahil bakit daw diko sya sinabihan. Nagpaliwanag ako sa kanya, naintindihan naman nya. Pero kahit ganun may mga times pa rin na sweet sya saken. Sa pangalawang pagkakataon natanong sya saken kung ano ba talaga yung...


gusto kong mangyare saming dalawa. Ganun panrin ang sagot ko, mas gusto kong maging magkaibigan lang kami dahil ayokong baka balang araw mawala lhat ng pinagsamahan namin kapag pumasok kami sa isang relasyon. Natatakot akong mangyare yun. (PS. May bf ako that time) sya yung naging takbuhan ko pag may misuderstanding kami ng bf ko. To make the long story short. Nagbreak din kami nun. Sa panahong yan nagkagf din sya. Nung nagbreak kami ng bf ko, nagbreak din sila ng gf nya. Diko alam kung sinadya ba nya? Or nagkataon lang. Naging sandigan namin ang isa’t isa. Sa pangatlong pagkakataon, hinayaan ko na syang ligawan ako at patunayan ang sarili nya. Dinala nyako sa bahay nila, agad ko din namang nakapalagayan ng loob yung buong family nya kaya di ako nahirapang mag adjust. Dati kase sya lang ang pumupunta samin dahil nga magbestfriend kami. January 22 naging official na kami. Sa unang buwan namin medyo complicated pa dahil yung ex nya bago ako, biglang dumating sa bahay ng bf ko at nagpang abot kami. Pero okay lang dahil nasaken naman ang pabor ng pamilya nya. At ngayon magtatatlong buwan na kami, masasabi kong paunti unti mas lalong sumasaya at nabibigyang kulay yung dalawang taon na nireject ko sya, sinaktan, binalewala at kung ano ano pa. Diko alam kung hanggang saan kami dadalhin ng daan na nilalakbay namin ng magkasama hindi bilang magkaibigan kundi bilang iisa.

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.