0

Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 4.1


Report

Naramdaman ko ang malagkit na likidong tumama sa mukha ko. Dinuraan nya pla ako. Di yun mapapansin ng mga taong nandto dahiL nakatutok ang mga mata nila sa tv dahiL sa bakbakang Labanan na pinapalabas. Dagdag pa dito na tanging iLaw lamang mula sa tv ang nagsisilbing liwanag ng salang puno ng mga tao dahiL nakapatay ang ilaw . Di na alintana kung siksikan basta makapanood lamang ang mga ito..
Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang damit kong may butas sa bandang puson dahiL sa kalumaan ay may mga punit na ito. Mas bata sa akin si Mikmik ng 2 taon .klasmeyt sya ni Boboy. Ang bata pa pero matapobre na. Gusto kong umiyak dahiL sa awa sa sarili pero di ko ginawa dahiL baka mas lalo nya akong apihin.. Umalis nlng ako at lumipat banda dun sa kinaroroonan ni tita at Marya sa bandang likod. Di bali ng di ko mapanood ng maayos dahiL sa mga uLong nsa harapan ko. Napabuntong hininga ako ..ganun siguro talaga kapag mahirap ka..inaapi ka. Sa kakaisip ko. Di ko namalayang tapos na pla ang palabas. Umuwe na kameng tatlo sa bahay. Di ako nagsumbong sa tita Sisa ko kase alam kong sasabihin nyang hayaan nalng at ganun talaga kapag Mahirap ka. MAGPURSEGE Nlng yun ang Lagi nyang sinasabi sa tuwing napapaaway kaming magkapatid ..
“Tara.. Tulungan mo ko sa pagdadaing netong nahuling isda ng mga kapatid mo.Ako magdadaing at ikaw magtatanggal ng hasang at bituka” sabi ni tita ng umagang dumaong ang pagmamay aring munting bangka namin sa buhanginan.
Tahimik akong sumunod sa kanya. Pagkatpos naming daingin ay lilinisan namin to sa dagat at isa isang isasaw saw sa madaming asin. At ilalagay sa tubig alat na may asin na nakalagay sa malaking batya at tatakpan at kinabukasan pa ito ng mdaling lilinisan ulit at isa isang ikakamada sa nakalatag na parang banig na pinagbibilaran ng mga daing na maghapong nakatapat sa araw. Para kapag natuyo ay magkakapera na kame dahil pwede na naming ibenta sa suki naming nakatira pa sa ibang baranggay .
Tanghali na naman at andito na nman kame sa papag na tutulugan namin. Tulad kahapon anjan na nman ang mga batang naglalaro ng Shatong.
“oh ano? tara na ” yaya na naman ni Long
“Makulit ka talaga “sabi...


ko.
Nagulat ako dahiL dumaan sya dun sa bintana ng bahay,sumunod si marya sa kanya samantalang kami ni Boboy ay nagdalawang isip pa. Sinilip ko muna sila tito sa butas ng pinto ng kwartong kinaroroonan namin. Busy sila sa pagtatahi ng Lambat sa labas kasama si tita at nakatalikod sila sa kwartong kinaroroonan namin.. Sa nakita ko’y di na ko nagdalawang isip. Agad akong dumaan sa bintana na dinaanan ng mga kapatid ko. Sumama narin si Boboy sa akin. Agad kaming sumali sa mga batang nagLalaro.. Kami lng ang walang tsinelas kase sinadya naming iniwan sa labas ng pinto para di maghinala ang tito at tita ko.
“ahhhh.. ‘sigaw ko habang buong lakas kong hinampas ang maiksing kahoy papunta sa akin. Natamaan ko ito at ang saya saya ko. Pakiramdam ko malaya akong naglalaro at napakasaya nun. Kasama ko din ang mga kapatid ko at tingin ko ganun din sila masayang masaya sa paglalaro sa labas. Di alintana ang init ng sikat ng araw. Takbo dito takbo dun.
” ikaw Esang.. Ikaw tong matanda pero ikaw pa tong pasimuno.,sana ikaw tong sasaway sa mga kapatid mo kase matanda ka sa kanila.Titigas ng mga uLo nyo ” yaw yaw ng tita Sisa ko.. Galit na galit sya dahiL nalaman nyang wala kme sa kwarto at dun kame sa labas na pawis na pawis sa kakatakbo..
“Malapit na to,” sabi pa neto.
Umiiyak kameng lahat dahiL nakatikim kame ng kurot sa hita namin bawat isa. Yung luha at Sipon namin nagkahalo na.. Sa haba ng kuku ng tita Sisa ko tiyak naming Magiging ube na nman angkulay ngbalat namin bukas. At yung sinasabi nyang malapit na.. Yun yung sobrang pinakuLo nyang tubig sa Takure. Nag salin sya sa apat na baso na nasa harap namin. Tag isang baso kame ng kapatid ko.. Masaya sana kung kape to eh ang kaso yung Shatong na walang hugas at tinadtad ng sibak ng tita ko gamit ang itak ang syang Laman ng takure.
Opo Katas ng sanga ng Lanete (isang uri ng Puno) ang Laruan naming Shatong nilaga ni tita at ipapainom sa amin ang katas ๐Ÿ˜
-itutuloy.
Tigas kse ng mga uLo ๐Ÿ˜‚
Comment nman po jan ang madalas mapalo haha
Last na po talaga tong UD ngayong araw.. Bukas po ulit. ๐Ÿ™‚


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.