0

Munting Pangarap ni Esang ” Kabanata 35.1


Report

Pagkatapos kausapin ni tita sa selpon si tito ay agad agad itong pumunta sa kinaroroonan namin..
“sabi ng asawa ko ay yung mga bata na daw ang bahalang magdesesyon o di kaya si Mikang .. “, agad na sabi ni tita pagkatapos umupo sa upuan..
“kung anong desesyon ng mga anak ko..yun narin ang sa akin… “sabi ni mama
Pagkatapos ng usapang yun ay umuwe na si mama sa nobyo neto.. Pero kame ay bukas nalang pupunta kela mama… Ayaw kase pumayag ng mga tiyahin kong umalis agad pagkatapos ng libing ni papa… Nakiusap sila na kung pwede bukas nlng kame pumunta dun kela mama ..Nung una ay ayaw pumayag ni tita pero kalaunan ay pumayag na din..
Kinabukasan ay byumahe na kame papunta kela mama pero bago kame umalis ay nagbilin sila Ante Eva na sa pagbabalik namin sa kanila ay dapat nakapgdesisyon na kame kung Payag kameng sila na ang magpaaral sa amin..
Habang nasa byahe ay walang may gustong pag usapan ang inaalok na tulong ng mga kapatid ni Papa..
Nasaktan ako ng sabihin ni titong kame na ang bahalang magdesesyon kung dito na nga kame magpapaiwan sa mayniLa at mag araL.
Pakiramdam ko di na nya kame maHaL.. Kase parang ang dali lang nya kameng bitawan.. Siguro dahiL ayaw nya na sa amin.. DahiL nawalan na sya ng tiwala lalo na sa akin..
Sana sinabi man lang nya na ayaw nya kameng payagan at ok lang naman yun sa akin. Khit madalas pinaparamdam nya sa akin na galit sya sa akin..kahit araw araw nya pa kong sampalin tatanggapin ko lahat ng iyon basta wag nya lang kameng bitawan..
Pero naisip ko din baka kapag wala na kame sa puder niLa ay mas maging masaya na siLa. Na baka di na nila maranansang maghirap dahiL wala na kme sa kanila. Maeenjoy na niLa ang buhay niLa. Kung tutusin mas pabor yun sa akin.. Para makalaya na rin ako sa kanila .
Wala ng mananakit sa akin
Wala ng manunumbat sa akin.
Wala ng may galit sa akin.
Kaya buo...


na ang Pasya ko..
Magpapaiwan ako dito sa MayniLa.
Nakarating na kame kela mama at tama si Mama.. Napakabait ng nobyo nya.. Wala kang maiipintas..
Kinausap sya ni tita at kahit si tita ay boto na rin ito para kay mama..
Naging masaya ang araw na nandito kame kela mama.. Pansamantalang nakalimutan ang galit na nasa puso ni tita ..na pansamantaLa’y pinagpasalamat ko.
Ilang araw na ang lumipas at bukas ay uuwe na si tita sa probensya..
Di na ko sasama. Di ko rin alam kung anong desesyon niLa Long. Basta ako buo na ang desesyon ko.
Tumawag kame sa celpon. Tinawagan namin si ante Eva.para sabihin ang desesyon namin.. Kapag kse pupunta pa kme dun ay gastos lang. Sabi ni mama kung sakali mang ano ang desesyon namin ay sya na ang bahalang maghatid sa amin kela ante Eva kung papayag kame sa gusto niLa ..
“Hellow? ” oh Esang ..kamusta. ?
“Ok lang po. “,
” nakapag desesyon ka na ba??
“opo..
” pumapayag ka na ba dun sa napag usapan natin? excited na tanong nito..
“HINDI PO “! Buong loob na sagot ko.
Biglang natahimik ang nsa kabiLang Linya..
” ay. Sayang nman? Pano kame makakabawe nyan kung ayaw nyo kaming bigyan ng pagkakataon. “,kunyare’y malungkot ito sa kabiLang Linya
“Madami na pong pagkakataon ang nasayang..sana kung gusto nyong makatulong ay noon pa po. Pero ok lang po yun. Wag po kayong mag alala kaya nman po kaming itaguyod nila tito at tita. “,buong tapang kong pagkasabi dito .
Alam kong may kabastusan ako sa pagkakasabi ko nun pero di ko na inisip yun.. Kahit ang dami dami ng pwede kong gawing rason para piliing iwanan sila tito ay kayang burahin ang lahat ng rasong yun ng tatlong salita..
Ang salitang “MAHAL KO SILA ”
Narinig ko ang pag tot’tot’tot sa kabilang linya..
Na ang ibig sabihin ay pinatay na nito ang tawag.
Nakangiti kong inabot sa Tita ko ang selpon..at nakita ko sa mata nito ang labis na tuwa.
Itutuloy
Goodnight ❤


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.