0

Munting Pangarap ni Esang ” Kabanata 28.1


Report

“NaguLat ka ba?Panong na punta sa akin tong basura mong CARD?? “halata sa boses nito ang galit.
Hindi ako sumagot.. Nasa likod ko parin ang malaking bag na puno ng gamit ni Long. Nabitawan ko na ang plastik na bitbit ko kanina nung sampalin ako ni tito..
Di ako umimik. Umiyak na ko. Di ko alam kong saan ang masakit na iniiyakan ko.. Yung pagsampaL ba sa akin o yung tinawag ni tito na basura ang Card ko 😭
“Akala mo talaga di ko malalaman to no? Pano mo natago sa akin ng matagal to? NILOKO MO KAME ESANG. “,akmang sasampalin na nman ako neto pero pinigiLan nya.
“Sorry po tito.. Please po pakiusap pakinggan nyo ko. “pagsusumamo ko dito..
“ang kapal ng mukha mo! ” at yung pagpigiL sa sarili nito kanina na sampalin ako ay di na nya nagawa at sa pangalawang pagkkataon ay SINAMPAL ako ni tito .
Poot ‘Galit at Pagkabigo ang mararamdaman mo sa ikikilos ni tito kahit di mo tingnan ang mga mata nya. Halata sa kung pano nya ko panggigilan sa galit .
Napaupo ako sa lupang sahig at agad na lumuhod sa harap niya. Si tita ay nasa isang sulok ng bahay.. Di ko alam kung ano ang nararamdaman nya sa mga oras na ito..
“tit—“,
“Tumayo ka jan! “.sabay sipa sa akin dahilan para mapatihaya ako. “Di ako Diyos para Luhuran mo “, pagkasabi nito’y agad na umalis palabas ng bahay.. Kahit masakit ang pagkakasipa’y pinilit kong bumangon para sana habulin sya pero yung mga tuhod ko ayaw makisama.
Napakatahimik ng gabi at tanging pagluha lamang ang aking nagawa.
Kanina pag alis ni tito ay sinabi sa akin ni Boboy na hinatid daw ni Nene yung Card ko. At sa kasamaang palad ay si tito ang tumanggap ..
Naalala ko bigla baka nakalimutan ko ang card ko sa room dahil nalibang ako sa pakikipag usap kay Maam Criselda at ipinadala nlng sa pinsan ko ito..
Nangandalaite daw ito sa galit at bago pa...


kame dumating ay nag away na sila ni tita. DahiL daw pakiramdam ni tito ay niloko namin sya .Kasalanan ko lang nman yun pero bakit ang daming nadamay.. DahiL sa nalaman ko ay halos ayaw na huminto ng luha sa mga mata ko.
DahiL sa nangyare ay walang may gustong kumain. Nakasiksik kameng apat sa isang sulok ng bahay.. Di parin umuuwe si tito at si tita namn ay umalis para hanapin ito..
“Pano mo ba kase nagawa to Ate. ”
“Di ka ba nakonsensya? ”
“Nakakaawa naman sila tito at tita “,
“sana nag isip ka muna bago mo yun ginawa.. ”
Mga salitang binitiwan ni Marya at Boboy samantalang si Long ay nanatiling nakatikom ang bibig.. Di ko alam kubg ano ang kanyang iniisip..
Nakatulog akong humihikbi ng gabing iyon..
Ang napakalungkot kong gabi 😭..
Naalimpungatan ako ng marinig ang boses ni tito.
Lasing ito at inaalalayan ni tita…
Gusto ko mang lumapit ay natatakot ako dahiL baka magalit si tito..
“Kung sino pa ang Pinakamamahal ko sa magkakapatid hek ay sya pang magpaparanas ng subrang hek kabiguan sa akin. Ang sakit lang hek Sisa kase hek ginagawa ko nman ang lahat hek lahat ng kaya ko hek pero bakit ganito hek pa din ang nangyare hek.. Asan na ba yang pesteng hek babae na yan.. “!
“tulog na. Pabayaan mo na bukas nalng kayo mag usap. Nakakahiya na gabi na oh.. Nakakahiya sa mga kapitbahay “mahinahong sabi ni tita.
“Mas malaking kahihiyan hek ang binigay nya sa akin..
Malaking kahihiyan… “huling katagang sinabi ni tito bago tuluyang nakatulog..
Umiyak na nman ako pero anong magagawa ng iyak ko… Di na maibabalik ang lahat sa dati.. Tama si tito mas malaking kahihiyan to sa kanya dahiL pinagmamalaki nya sa lahat kung gano ko pinupursge ang sarili ko sa pag aaraL..
“MASIPAG MAG ARAL YAN AT MATALINO PA. SYEMPRE AKO KAYA ANG TATAY NYAN. MANA YAN SA AKIN ANAK KO YAN EH ” madalas bukang bibig ni tito sa tuwing may kausap sya.
-itutuloy.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.