0

Munting Pangarap ni Esang ” Kabanata 10

Report

Alas 9 na ng gabi pero gising padin kame. Syempre Abala kame sa paghahanda para sa aming pangangaroLing sa baryo. Desyembre ngayon db baka nakakalimutan nyo 😁..
Kasama ang mga pinsan ko ay masaya kaming naglakad papuntang Purok Uno. Bitbit ang tansan na binutansan at tinuhog ng alambre.. At isang maliwanag na flashlight ay masaya namin itong pinapaingay sa daan . Pero Iba ang dala ni MoyMoy isang kawa na may tali at isinabit nya sa kanyang leeg at dalawang malaking bato sa magkabilang kamay para pampokpok sa nasabing kawa. Pwede nman kaseng takip ng kadero lng eh kaso ayaw nya. Baka daw mabigyan kame ng malaki kapag nakitang nag effort daw kame hahaha.
Bali 20 kame lahat. May kasama pang bata. Alam naman namin na di rin nman sila kakanta. Gusto. Lng talaga maglakwatsa. Bali si Kuya Tupe ang lider namin. Sya ang sesenyas kapag papalitan na namin ang kanta o kapag magsisimula na kameng kumanta. At syempre nsa kanya din yung tabo na lalagyan namin ng barya barya πŸ˜‚..
So ito na. Unang bahay na kakantahan namin.
“oh Ready Sing ” si kuya Tupe
Senenyas nya ang kamay.. Hudyat na magsisimuLa na kame …
MaLamig ang simoy ng Hangin 🎢🎡
Masaya ang bawat tanawin 🎢🎢
kahit medyo nahihiyay pinagpatuloy namin ang pagkanta..
Nasa harap kame ng bahay ni Kapitan. Sabi ni Kuya Tupe ay ito daw dapat ang bwena mano para swertehin kame πŸ˜‚ at saka hellow tatlong araw kaya kame nagpractice no.
At Oo nga inabutan kame ni Kap ng singkweta ..para sa amin malaki na yun.
Di namin alintana ang kahoLan ng mga aso at malamig na simoy ng hangin .. Basta tuloy lang sa pangangaroling sa bawat bahay na madadaanan namin pati nga yung bahay ni Lola Ason ay pinatos pa namin hahaha.
. Pagkatapos namin sa Purok Uno ay sa Purok 3 na ang sunod naming pupuntahan. Nilagpasan na muna namin ang aming Purok. Purok 2 kase kme. Sa bandang gitna. Yung Purok uno ay sa kanan at ang Purok 3 ay sa kaliwa .Yun kase ang usapan namin eh ihuhuli namin ang aming purok para deretso uwe na kame kapag nahati hati na...


namin ang perang pinagkarolingan naming makakaibigan.
Masayang masaya kame sa bawat hakbang ng aming paa. Kahit pipiso lang binibigay sa amin ay ayus lang.
🎢Thank you. Thank you ang babait ninyo thank you 🎢🎢
Patapos na kanta namin sa huling bahay na kinaroling namin sa Purok 3.
“Wag na tayong mangaroling sa Purok natin.” .sabi ko sa mga kasama ko.
“wag sayang .minsan lang to sa isang taon. “sabi ni kuya Tupe na sinang ayunan nman ng lahat..
Natapos na kameng mangaroling sa kanya kanya naming bahay. At heto na. Nasa harap kame ng tindahan ni Ate Nenet ..nakasarado na ito pero dahiL dto din sya nakatira kinaroling parin nmin .Tiyak namin magagalit na nman sya pero di namin yun alintana. Baka maganda ang mood nya ngayon kse balita sa aming baryo na may nanliligaw na dto…
Sinimulan na namin ang pagkanta..
Hey! Jingle beLLs ..Jengle biLLs plashing oL da wey.
(ganyan talaga mali mali lyrics hahah english ey basta ang importante nsa tono)
Malapit ng matapos ang kanta at sakto namang bumukas ang ilaw sa labas .nakita namin si Ate Nenet na nakangiti kaya kita sa mga mata namin ang tuwa.
Pero biglang may sumira sa maganda sanang mood nya…
Si Moymoy!
Napakalakas ng Bunganga neto ng dugtungan nya ang kanta naming Jingle Bells …
🎢Hey ! bambo. Bambo de Corazon ang Hey! Jumbo hotdog kaya mo ba to? Kaya mo ba to? Hindi kame bato para magpatalo ..🎢🎢🎢
Sa gag* ..lahat kame napatingin sa kanya.
At yubg ngiti ni ate nenet. Napalitan ng galit .pumasok ito sa loob at akala namin di na kame babayaran pero nagkamali kame …isinaboy nya sa amin ang mga barya saka mabilis na pinatay ang ilaw sa labas.
Ang nangyare nag effort kame flashlightan ang lupa para hanapin ang mga barya. Grabi tig bibishingko sentabo na halagang sampong piso. Ang Lupet talaga ni ate Nenet pero malakas kamebg nagtawanan dahiL sa ginawa ni Moymoy.
Naghati hati na kme ng naipon namin.. Tig bebente ang bawat isa sa amin 😁 ..
Nakakapagod na gabi pero ubod ng Saya 😁
itutuloy. ..
Last update na po. Bukas po ulit πŸ™‚


Leave a Reply

Your email address will not be published.