0

Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 1.1


Report

Katapos lang namin magbasa at matutulog na kame.Walang laot ngayon kase medyo malakas ang hampas ng alon kaya delikadong pumalaot kaya ksama kong matulog ang buong pamiLya. Habang nakahiga sa matigas na sahig na gawa sa kawayan at tanging banig na sapin at maiksing kumot lamang ang meron ako ay mayroon akong iniisip.
” Makakapagkolehiyo kaya ako at makakapagtapos? Sana bigyan pa ng lakas ang mama,tito at tita ko para mapag aral pa nila kame khit high school lang’ ako na ang bahalang dumiskarte para makapag college “bulong ko sa sarili ko habang baluktot na nakahiga dahiL ramdam ko ang lamig ng gabi.
“Gusto kong maging isang GURO’ maging magaling na GURO sa baryong ito “dagdag ko pa at dahan dahang ipinikit ang mata at tuluyan na nga kong nakatulog.
“Gising na mga anak at mag iigib tayo ng tubig. Maglalaba tayo ngayon”boses ni Tita Sisa
Uminat muna ako at humikab pa. Antok pa ko pero kailangan ko ng bumabgon. Nakita kong nagsibabaan na ang aking mga kapatid sa munting papag na aming higaan at sumunod sa tita kong dala dala ang gasirang ilaw palabas ng bahay. Agad akong sumunod at binitbit ang nakatukang balde sa akin. Bawat isa sa amin ayay kanya kanyang baldeng dala para mapuno agad ang Bangang pag iipunan namin ng tubig. Maglalaba kase kame ngayon at bukas ay may pasok na. Papasok na naman sa paaralan g nandto lang din sa aming baryo. ang swerte ng baryo namin at may Elementary School dto khit medyo nsa bukid ang lokasyon neto.Tutulungan ko ang tita ko sa paglakaba samantalang ang dalawa kong kapatid na lalaki ay sasama sa bukid. Nakakahiya mang aminin pero sa totoo lng tanging tig dalawang panti at brief lang ang meron kaming magkakapatid kaya ang siste e pagkahubad namin ay agad din naman naming lalabhan para kinabukasan matuyo ng may pamalit sa ginagamit namin ngayon. (Secret lang natin to aa) 😂
Nakakapagod ang araw na to pero salamat sa Diyos at nakaya namin ang buong maghapon.
Kinabukasan pagkatapos ng agahan ay naligo na kame ..kanya kanyang asikaso papasok ng eskwela. Isinuot ko ang paborito kong damit na kulay...


itim na kupas na at may desenyong barbie pinarisan ko ito ng isang short na luma na rin..tanging tsinelas lamang ang sapin ko sa paa. Ganun din nman ang mga kapatid ko. Wla nmang problema kse di nman required ang school uniform sa paaralan namin. Naiintindihan nman yun ng mga guro na dto lng din nakatira sa aming baryo.
“Tita’Tito aalis na po kame ” sabay sabay na paalam naming apat bago pumasok sa eskwela
“sige ingat kayo mga anak ‘pagbutihan ang pag aaral at kapag may perpek na score bibilhin ko ng piso bawat isa.”sabi ng tito ko. Natawa nlng ako. Bibilhin daw ng piso eh wala nga kameng baon. Pero siguro sinabi nya lng yun para galingan namin sa school.
Habang naglalakad papasok ng paaralan bitbit ko ang luma kong bag na may lamang dalawang aklat, Isang papel,isang bolpen at limang notebook ay may kasiyahan akong pumasok. Sa school pwede kameng makapaglaro ng mga kaibigan ko..sa school naeenjoy ko ang pagiging Bata ko. Pakiramdam ko maLaya ako. At masaya..
“Esannnnnggggg..’ tawag sa akin.
Mas lalo kong binilisan ang paglalakad kase khit di ko pa nakikita ang pagmumukha nyay kilala ko na sya. Saktong paakyat na ko sa palanas( yung daanang bato. Para syang bundok pero sa halip na lupa ay bato ang nandun) kaso nadulas ako.
“Ayyyyy Palaka.. “sigaw ko sa pagkagulat. Napaupo ako at tumama ang pwet ko sa bato.. Nagsitawanan ang mga kasama ko dahil sa nangyari sa akin. Agad akong tinulungan tumayo ni Long pero mas lalo lang akong napahiya ng napunit ang short ko at nakita ang panti kong may nakasulat na MONDAY 😂 . Lalong lumakas ang tawanan at nangibabaw ang boses ni Moymoy. Agad kong itinakip ang bag ko sa napunit kong short at pumihit pabalik ng bahay para magbihis. O baka mamayang tanghali nlng ako ppasok. Whole day kse ang pasok namin. Pero umuuwe kame sa tanghali para kumain at babalik ng ala una at uuwe ng alas kwatro ng hapon.
Naiinis ako habang naglalakad pabalik.
” Sayang namn gusto ko pa nmang maglaro ng Luksong tinik” naibulong ko ng may panghihinayang sa dibdib
Itutuloy..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.