0

MELODIA🌹 (BOOK2) 🌹CHAPTER 9🌹


Report

“Good am mr.Mcgregor!”bungad ng isang malaking lalaki na mahaba ang buhok ..
Nasa pintuan ito ng mansyon ni Demon..
Habang ang lalaki ay kalmanteng nakaupo sa sofa at ang mga tauhan nito ay nasa likod lamang nya..
Lima ang lahat ng iyon at may hawak ng matataas na kalibre ng baril…
Habang ang mga bodyguards ni drake ay naroon sa kabilang bahagi ng upuan..
Dalawa ang nakaupo at tatlo naman ang nakatayo..
Ngunit ng makita nila ang lalaking nasa pintuan ay bigla silang nagulat ng saglit …
Ngunit bigla ring nakabawi ng..
“Nasaan si young master?”sabay titig ng matalim sa kanilang lima…
Ngunit hindi na hinayaan pang sumagot pa ni Demon ang mga kalalakihan dahil tumayo ito at naglakad palapit sa lalaking kararating lamang..
“Who are you???”may seryusong mukha kinuha nya ang baril na nasa gilid lamang niyong sofa..
“Im Moris,at sinusundo kuna ang young master,”nakipag titigan ito sa lalaki..
“Si rodolfo ang nagpadala sa inyo??”
“Yes sir!!”seryuso nyang sagot..
“Anung meron rito??”si sellina iyon nakakalabas lamang galing sa kusina…
Kinuha nya ang bata kay demon at tumabi sa asawa na ang mata ay naroon kay moris..
“Mrs.Mcgregor!si young master po ang hinahanap namin!”
“Bakit hindi ba kayo pwedeng maghintay?naroon lang sila sa taas….
Ng marinig iyon ni moris ay bigla itong gumalaw at nagsalita..
“Anu pang hinihintay nyo?sundan sa taas si young master!!”sigaw nito
Utos nya sa mga tauhan sa labas..at tauhang nasa tabi lamang nito..
May sampo ang lahat ng iyon…
Akmang hahakbang ang lahat…
Ng..
“Hanggang dyan lang kayo!wala kayong karapatang pasukin ang bahay ko…!”kalmadong boses ni Demon ngunit nakakasa ang baril at nakatotok kay moris..
Seryuso ang mukha nito…
Maging ang mga tauhan ni demon ay naka handa naring paputukan ang mga taong sasalungat sa nais ng kanilang boss..
“Hindi na natin kailangang umabot pa sa ganito mr.Mcgregor!”saad ng leader
“Oo,kaya umalis na kayo kung ayaw nyong dito kayo mismo ilibing ..”
“Hon!”humawak si sellina sa braso ng asawa dahil sa takot sa maaaring mangyari…
“Umakyat ka sa kwarto ng mga bata..wag kayong lalabas doon…hanggat hindi ko sinasabi!”utos nito habang ang mata ay hindi inaalis sa lalaking tinututukan nito ng baril
“Pero..ho…
“Makinig ka sakin!para sa kaligtasan ng mga bata ito at sayo narin…”bulong nito kaya hindi na sumagot pa si sellina,
Sumunod na lamang ito sa utos ng lalaki..
Tama nga naman kasi ang asawa nya..
Mabilis itong tumalikod at patakbong umakyat ng hagdanan,ngunit bago mawala sa paningin nito ang asawa ay lumingon muna sya at ngumite…
Kahit hindi iyon nakita ng asawa dahil ang buong tingin ni Demon ay naroon lamang sa lalaking kaharap…
“Pero manang,si kiel po,paano na ang anak ko!”garalgal ang boses nya habang pababa ng terrece ng mansyong iyon…
“Iha,dito muna ang anak ninyo ni drake ..si sellina ang bahala maghatid sa inyo ng bata kapag nakatakas kayo rito!”may pangamba at pag aalala sa mukha nito..
“Pero man….
“Mahal makinig ka nalang muna kay manang!babalikan natin si kiel…
Hindi sya pababayaan ni Demon at Sellina..
..
“Utos ito ni sir Demon iha,kaya sumunod kanalang…
Napaiyak na lamang si melodia habang nakakapit sa tali na umabot sa pinakababa niyong terrece..
Nauna si mel at nakasunod lang din si drake sa may taas nito..
“Mag iingat kayo,tumawag kayo kapag nakarating kayo sa probinsya ha mel?”mahinang saad ni manang eding sa babaeng marahang bumababa at nakahawak sa tali…
Hindi na nag abalang sumagot ang dalawa ,
Dahil baka marinig sila at may makapansin pa sa pagtakas ng dalawang tao na pinag kaitan ng kapalaran na maging masaya sa nais nilang makasama at mahalin..
Pagkababa ng dalawa ay suminyas lang ng”paalam”si melodia at mabilis itong hinawakan ni drake sa kamay at tumakbo ng hindi manlamang lumilingon…
Sa bandang likoran ng mansyon sila dumaan upang walang makahalata na nakaalis na sila ng lugar…
“Sandali!!”hingal na hingal na tumigil si mel at bumitaw sa kamay ng binata..
Natigil ang lalaki sa pagtakbo..
“Bakit??”mahinahon nyang tanong habang tagaktak ang pawis sa nuo..
“Pahinga muna tayo,pagud na pagud na ako !”habol parin nito ang hininga habang nakayuko at nakahawak sa magkabilang tuhod..
“Okay kalang?sorry mahal kong kailangan pa nating gawin ito mahinang saad ng binata habang nakatayo sa paanan ng kasama
“Wala kang kasalanan,kasalaman ito ng ama mo…”tumayo sya at pinunasan ang pawis sa pamamagitan ng braso..
“Im sorry!!”lumapit si drake at hinubad ang damit..
“Wooohh wooh…wag dito!”bigla syang lumayo dahil sa ginawa ng binata
“Sira!”sabay tawa nito ng mahina,lumapit sya sa babae at ginamit nyang pamunas ang damit sa pawis ng dalaga..
“Anung akala mo?dito natin itutuloy??”habang nakatawa ng mahina..
Nayuko tuloy si mel dahil sa hiya nitong naramdaman..namula din sya dahil sa naisip…at reaksyon nito sa ginawa ng lalaki..
“Tama nanga!”bulong nito ng hindi parin tumitigil ang binata sa tawa nito
“Sorry …ito na titigil na po!”tumigil sya sa pagpunas sa pawis ni mel…
“Tara na,baka maabutan tayo rito!”
Muling banggit ni drake,sabay hawak sa kamay ng babae…
….
Habang tumatakbo ay di maiwasang pakatitigan ni mel ang likorang bahagi ng binata..
Ramdam nya kasing safe sya sa tuwing kasama nya ito…
Hindi tulad noong mga panahong walang nagtatanggol sa kanila ng kanyang anak…
Kundi sya lamang…..
……………………………………….. . . . .
“Anak!nandyan na si mama,sandali lang hu!”saad nya sa baby boy na nakalagay sa crib nito..may isang taon at kalahati na si kiel ng mga panahong iyon..
Humihingi kasi ng dede ang bata kaya tinimplahan nya ito…
Ngunit ng palapit na ito sa kuna…
“Tok!”
“Tok!”
“Tok!”
Katok mula sa pintuan ng inuupahan nilang apartment…
Lumipat na kasi sila ng tinitirhan...


dahil hindi na safe ang dating apartment nito..kung minsan kasi may mga magnanakaw ang pumasok sa bahay nya..kung minsan muntik ding nasunog na hindi nya alam kung bakit…
Minsan din syang hinablutan ng bag ng snatcher sa bandang baba ng kanilang tirahan habang naghihintay ng masasakyan..
Na dati rati naman hindi nangyayari..kaya minabuti na lamang nyang lumipat ng makapanganak dahil baka pati ang anak nya ay madamay sa kamalasang nangyayari sakanya…
“Ang aga naman yata ni lenlen..
Sinabi ko naman sakanyang day off ko ngayon kaya kahit hindi na sya pumunta muna!”bulong nito habang palapit sa pinto..
Si lenlen ang nagbabantay ng baby nya sa tuwing nasa trabaho ito..
Maaasahan si lenlen dahil mabait ito at mapagkakatiwalaan..
Kapitbahay lamang nya ang babae..
Dalaga pa ito at nag aaral sa highschool..
Mabuti na lamang at summer kaya may napag iiwanan sya ng bata…
“Lenlen,diba sabi ko da….
Nahinto ito sa pagsasalita ng hindi si lenlen ang nasa labas ng pinto kundi ang matandang mukhang pinagsakluban ng langit at lupa..
Nakita pa ni mel na may mga kalalakihan sa likod nito na pare pareho ang mga suot..
“Magandang umaga huh?sino….
Hindi na sya pinatapos ng matanda..
“Kunin ang bata!madali!!!”utos nito sa mga taong magkakapareho ang suot…
Ngunit ng akmang papasok ang mga ito ay mabilis nyang isinara ang pinto..
Na alarma sya ng sabihin ng matanda na kunin ang bata…
“Buksan mo ang pinto!!”halos mawasak iyon dahil sa pagtulak at sipa ng mga taong naroon…
Mabilis nyang kinalong ang anak..
At patakbong tinungo ang kusina,may daanan roon patungo sa pinakababa ng bahay..
Siguro ang mga dating nakatira doon ay may mga tinatakasan dahil sa klase ng daraanan…
Bago tuloyang umalis ay nilocked nito ang kandadong naroon mismo sa pinto..
Mabilis ang takbo nya..
Halos hindi sya humihinga dahil sa takot sa mga taong naroon sa kanyang bahay..
Alam nya!alam nyang may kaugnayan ang matandang iyon sa lalaking minahal nya at ang ama ng kanyang anak..
Nakarating silang mag ina sa eskinita…
Bago ang lahat kinuha muna nya ang cellphone na nasa bulsa ..
Mabuti na lamang at naipasok nya ito sa bulsa kanina..
SELLINA DIALLING….
“Ring!”
“Ring!”
“Ri..
“Hello,sellina tulongan mo ko..may humahabol sakin…”hingal na hingal ito pero pilit syang kumalma
“Nasaan ka??”
“Narito sa iskinita sa kabilang kanto..bilis!!may mga taong gustong kunin ang anak ko…”hingal at takot ang kanyang nararamdaman ng mga uras na iyon..mabuti na lamang at mabait ang anak nito..
Ni hindi manlang umiiyak…
“Sige pupuntahan kana namin dyan!!”bigla nyang pinatay ang tawag dahil sa mga boses na naririnig
“Hanapin nyo!gamitin nyo ang mga mata,ninyo mga gag*!!!”bulyaw ng matandang boses…
“Master!wala na hu….
“Gag*..hanapin nyo…”sigaw nya
“Hindi pwedeng mawala ang mag ina,kailangang makuha ang bata!kailangan….
“Yes master!”
Hindi sya gumagalaw..
Halos pigilan nya ang hininga dahil sa takot na baka makita sila…
“Blag!”
“Blag!”
Nagulat ang lahat at nadako ang mga mata ng mga kalalakihan sa tunog na iyon..
“Anu yon??”
“Tingnan mo!”takip ng bibig lamang ang kayang gawin ni mel…ng mga uras nayon
“Meow!meow!”biglang lumabas ang pusa kung saan..
Natumba ang basurahan dahil siguro sa pusa
“Pusa lang pala!”buling ng lalaki,
bumalik ito sa mga kasama
Maya maya umalis na ang mga kalalakihan sa lugar…
Halos mawalan ng ulirat si mel dahil sa takot!
Nakahinga lamang sya ng mapagtantong wala na ang mga taong iyon…
Ganito ang buhay nilang mag ina mula ng habulin sila ng mga taong naka suit.
Kahit saan ay nasusundan sila..
Mabuti na lamang at nakakatakas sila ng kanyang anak…
Paano na lamang kung hindi?
Siguradong kukunin nila ang bata?
Paano sya mabubuhay kong ang anak ang tanging lakas nito..
………………………………………….. . . . . . . .
“Mahal?kaya mo paba?”napukaw sya at nabalik sa kasalukuyan ng marinig ang boses ng binata..
Kaya napatingin ito sa kasama at ngumite..
“Kaya ko pa!”saad nito kahit pagud na pagud na ..
“Gusto mo bang magpahinga muna?”nag aalalang tanong ng lalaki..
Hindi nasagot si mel kaya tumigil ang binata
“Umupo ka muna rito!”banggit nya sa ugat ng malaking puno .
Hindi na nagsalita pa si mel,sumunod na lamang ito sa sinabi ng lalaki..
Huminga sya ng malalim…
Bago nagsalita..
“Salamat!”bulong nya
Naupo narin ang binata sa tabi nya…
At hinawakan nito ang ulo ng babae at ipinahilig sa balikat nito.
“Kapag nakarating tayo sa probinsya at nakatakas tayo rito..
Pakasalan mo ko hu?!!”diri diritso nitong saad..
Kaya dahil sa gulat napatayo si mel ng bigla at tumingin sa lalaki..
“Anu???”
“Oh bakit?hindi kaba magpapakasal sakin?”
“Kasi..
“Just say yes!”
“Paano kapag nala…
“Wala akong pake alam ,ang mahalaga makasal tayo at ng maging Yamamoto Ang anak natin..baka sa ganung paraan tumigil na si dad sa nais nyamg mangyari…
“Kasi….
“Please merry me melodia!!”lumuhod na ito kahit walang dalang singsing…nakahawak sya sa kamay ng dalaga at nakatitig sa mukha ng babae..
“Ah-eh…
Nagugulat ito sa mga nangyayari kaya di sya makasagot..
“Say it please….
Kahit walang singsing patutunayan kong pakakasalan kita..hintayin mulang namakarating tayo sa ating pupuntahan…
“Hindi naman sa….
“Ayaw mo ba??”malungkot at mahinang boses nito…
Sasagot na sana sya…
Ng biglang….
“Naroon sila!!!habulin nyoooooo….
Ng marinig nila ang sigaw mula sa malayo ay mabilis na hinila ni mel ang kamay ng binata at muling tumakbo…
“Anu??anung sagot mo?”sigaw ni drake
“Pwede bang mamaya na,!”sigawan ang dalawa..habang patuloy ang takbo
“Sagotin mona….ngayon din!!
Tumigil si drake..kaya nagulat si mel
“Kung di mo ko pakakasalan babalik nalang ako sa japan…”seryusong mukha…
Kaya naalarma si mel..
“Oo na,yes na yes…kaya bilisan mo……..”sigaw ni mel habang hawak ang kamay ng binata..❤️


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.