0

MEDALYA


Report

“MEDALYA”
Do you have a mother?
Kung oo ang sagot mo ,masaya ako para sayo.
Kung ang mama ay supportive at caring sayo,masaya ako para sayo .
Kung tanggap ka ng mama mo sa kahit anong mali o kulang sayo , sanaol sayo
Kung nasabihan ka na ng mama mo na mahal ka niya at araw araw niya iyon pinaparamdam sayo,sanaol talaga sayo.
Bakit?Kasi I’ve been longing for a mother’s care , love,support and acceptance.
Yung may mama ka pero parang wala kasi kapag nandiyan ka parang hindi ka niya nakikita
Yung kahit ano gawin mo kulang pa din para sa kaniya
Yung kahit ikaw ang anak , iba ang pinupuri niya
I’ve been asking for answers but how can I get the answers that i want if I don’t have the courage to ask my own mother?
I’m Camille Anne Plaza , 11 years old at panganay sa tatlong magkakapatid.
Mula ng magkaisip ako napapansin kong habang patagal ng patagal mas lalong naiirita ang mama ko sa akin, I even asked my Papa kung anong problema ni mama bakit sa aming tatlong magkakapatid lagi siyang galit sa akin ,but my father would always say
“Hayaan mo na anak pagod lang ang mama mo , intindihin mo na lang” na lagi ko namang ginagawa.
I am an honor student, pati na din si Angel na 8 years old na siyang sumunod sa akin ay honor din at ang bunso naming lalaki na si Gerald na 5 years old pa lang ay matalino din.
Sa aming tatlong magkakapatid ako ang mas maraming awards, pinagmamalaki ko iyon pero hindi ko hinahayaang maramdaman ng mga kapatid ko na mas nakakaangat ako dahil mas madami akong awards, lagi kong sinasabi sa kanila na pantay-pantay kami at natutuwa naman ako sa aking mga kapatid dahil alam nila iyon at suportado nila ako sa lahat ng bagay na aking ginagawa at gayon din ako sa kanila.
Graduation namin ngayon sa Elementary at ako ang class salutatorian, sobrang tuwa ng papa ko sa’kin pati ang mga kapatid ko ng maibalita ko iyon at dahil proud na proud si papa sa akin ay nagpahanda siya sa graduation day ko , nagpa-letchon pa! Sabi ko kay papa na huwag na dagdag gastos lang iyan pero sabi ni papa sa akin
“Anak, sobrang swerte ko bilang ama mo, ama ninyong magkakapatid”sabay gulo ng buhok ko
“Bilang ama, ganito ang paraan ko sa pagpapakita ng pagkaproud ko sa mga anak ko, gusto kong malaman ng buong baranggay at ng buong mundo na may anak akong kasing ganda ” pinisil ni papa ang tungki ng ilong ko ” at kasing talino mo and I’m proud of you anak” pagtatapos ni papa sa sinabi niya and I felt that, I appreciate that.Papa loves me so much ,pinupunan niya ang pagmamahal na dapat si mama ang nagbibigay,how lucky I am to have my Papa.
Idinaos ang graduation day ko and I was hoping that my mother would come pero natawag na ang pangalan ko still she didn’t came.
“Congrats anak!” Sabi ni papa at mga kapatid ko sabay akap sa akin
“Salamat papa, salamat sa inyo mga kulit” at binigyan sila ng pagkatamis tamis na ngiti “at congrats din sa inyo dahil honor din kayo! Keep it up Gel and Gerald! ” dagdag ko sabay yakap sa mga kapatid ko.
Umuwi kami sa bahay na masaya , nakita ko si mama na halatang pagod na dahil sa pag-aasikaso ng mga bisita kaya nilapitan ko siya.
“Mama” pagtawag ko sa kaniya pero di siya tumingin sa akin kaya tinanggal ko ang mga medalyang nakasabit sa aking leeg na nakuha ko sa Graduation day ko at iwinagayway sa harap niya ,napangiti ako ng tumingin na si mama sa akin “tsaraaan! Mama para sayo , salutatorian anak mo mama” masayang sabi ko sa kaniya , kinuha ni mama ang medals ko kaya napangiti ako pero nawala ang aking ngiti ng itapon niya ito sa sahig .
“Masaya ka diyan Camille?!” Sabi niya sabay turo sa mga medalyang nagkalat sa sahig, hindi ko na napigilan ang luhang tumakas sa aking mga mata at napahikbi.
“Hindi ako proud sayo! Salutatorian ka lang! Buti pa yung anak ni Tessa na si Amber valedictorian! Eh ikaw? Sus maryusep, hindi ko ikinakatuwa yan Camille! I’m not proud of you and I will never be! Hindi kita tanggap! ”
Sobrang nasaktan ako sa sinabi ni mama kaya sinapo ko ang aking bibig dahil sa hagolgol , hindi...


ko na din napigilan ang aking sarili na magtanong sa puntong iyon dahil sobrang bigat na ,ang sakit na ,ang sakit-sakit.
“Maa bakit? Ma I’m your daughter, you must accept and love me for who I am and kung ano man ang mga kakulangan ko ma” mangiyak ngiyak kong sabi pero sarkastiko siyang tumawa sabay duro-duro sa akin.
” Hinding hindi kita mamahalin” pagsabi ni mama na kumurot ng sobra sa’king puso
” Mama bakit? “Paguulit ko
” Mama tiniis ko lahat ng mga masasakit na salita na binabato mo sa akin mula noon hanggang ngayon pero ito ang sobrang sakit Mama, hearing you say that you don’t accept and love me as your daughter and you will never be! ” Dagdag ko habang namamalabis ang luha sa aking mata pero hindi kumibo si mama at nag-iwas lang ng tingin.
“Mama bakit? Explain to me why!” Pagsasalita kong muli “Mama”nanghihinang sambit ko kasabay ng pagharap niya sa akin,kagaya ng dati wala pa ding emosyon ang kaniyang mukha,nakita ko ang pagbuka ng bibig ni mama upang magsalita pero dumating si Papa.
“Elizabeth” may bantang tono sa boses ni Papa habang nakatingin ng diritso kay mama habang si mama ay nakatingin din kay papa
“Ricardo siguro ito na ang tamang panahon na malaman niya ang totoo, hayaan mo na ako! ” Pasigaw na sagot ni mama kay papa sabay tingin sa akin.
“Camille…” paguumpisa ni mama sa sasabihin niya
” Elizabeth I said stop! ” Pagsigaw ulit ni papa kay mama. Kitang kita ko ang pagmamakaawa sa mga mata ni papa ko pero sa kagustuhan kong malaman ang ibig sabihin ni mama ay nagsalita akong muli
“Anong dapat kong malaman mama?” sawakas ay tumingin si papa sa aking mga mata , nakikita ko doon ang lungkot at pagkabigo na para bang ayaw niya talagang malaman ko ang nais sabihin ni mama sa akin.
“Please” pagmamakaawa ko sa kanila
“Ano ang dapat kong malaman Papa?” pero sa halip na sagutin ako ni Papa ay humarap ulit siya kay mama sabay ang pagiling
“Ano ba Mama?!” Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapasigaw dahil sa pagod at sakit na nararamdaman, bilang anak kailangan kong malaman kung bakit hindi ako matanggap tanggap ng aking ina, bakit hindi niya ako mahal at bakit hindi niya ako kayang mahalin. I need to know the reason dahil mababaliw ako!
“Camille” pagtawag ni mama kaya’t tinignan ko siya sa kaniyang mga mata ng deritso and at the moment I met my mom’s eyes I can see an anger emotion and pain in her eyes , nakita ko pa si Papa na humawak sa mga kamay ni mama pero hindi ko iyon pinansin at nakipagtitigan lang kay mama bago nagsalita .
“Ano ba ang dahilan mama?” Mahinang sabi ko na may halong hikbi
“Bakit ayaw mo sa akin?Bakit lahat ng ginagawa ko ay hindi sapat?Bakit hindi mo ako tanggap?Bakit hindi mo ako kayang mahalin?Bakit hindi mo ako mahal Mama? Bakit? ”
Sabay sabay kong tanong at sa unang pagkakataon nakita ko ang isang butil na kumawala sa mata ni mama bago siya magsalita
“HINDI KITA ANAK ,CAMILLE” para akong nabingi dahil sa sinabi ni mama . Is this true?
“ANAK KA SA LABAS NG PAPA MO , YOUR MOTHER DIED WHEN SHE WAS GETTING BIRTH TO YOU , AYAW NA AYAW KONG MAKITA ANG MUKHA MO DAHIL KAMUKHA MO SIYA! DAHIL SA KAHIHIYAN AT DAHIL SA SAKIT NA NARAMDAMAN KO NG DAHIL SA NANAY MO NAMATAY ANG UNANG BABY KO! KAYA HINDI KITA KAYANG TANGGAPIN! HINDI KITA KAYANG MAHALIN!” dagdag ni mama.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni mama, is that so?
Kaya pala ayaw niya sa akin, kaya pala galit siya sa akin, kaya pala hindi kami magkamukha, kaya pala hindi niya ako matanggap-tanggap, kaya pala hindi niya kayang tanggapin o pahalagahan ang mga ginagawa ko para sa kaniya, kaya pala hindi niya ako kayang mahalin because I am not her daughter.
AN: So hi guys I’m Parker Jhon Lejesta Requillo ‘s friend , he’s also a writer here.So I just wanna share my passion in writing stories so here I drop one of them hehe , if y’all would like it then I’ll be posting others of my stories and keep u updated hehe thank youuuuuuu❀️
– SAY PART 2 IF GUSTO NIYO PO NG KASUNOD HEHE


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.