1

MEANT TO BE ? Chapter 55


Report

Wala na akong nagawa bumalik ng bahay si Ace at dito natulog sa kwarto ko. Kasi bukas pababalikin na nya kami ng Itay sa bahay nya.
Habang yakap namin ang isat isa, yong tropa tawa ng tawa sa sala sa pinapanood nilang movie. Nasa labas pa si Itay, may inaayos sa taxi na minamaneho nya.
” Awkward..” sambit ko ng kumalas at nakatitig na si Ace, nakatagilid sya paharap sa akin. Habang nakatingin lang ako sa walling..
“Hmhehe..makakatulog kaya tayo nito ang ingay ng boarders mo.”
“Masaya ako na yong asawa ko.. ayiee… May tropang gaya nila. Tipong All for one, one for all.”
“Tropa ko, tropa mo, trip ko, trip mo, love mo, love ko. I love you..”
“I love you too Ace..”
Unti Unti syang lumapit.. Alam na this.
At nong naipikit ko na ang mata ko just waiting for seconds.. BiglaNg..
” Bro? .. Oppss! sorry..”
” Bro? ”
“Ah.. E itatanong ko lang kung may extrang unan✌🏻” wika ni Alan na isa ring kalog
” Heto! “Sabay tapon ni Ace na may panggigigil.
” Salamat bro.. Hehe tuloy nyo na! k goodnight.”
” Pwede bang yakapin mo na lang ako. Masarap kasi sa pakiramdam. Yong pakiramdam na kompletong kompleto ako at kontento.
” Sana all.. Hahaha..” sambit nya na puno ng katuwaan sa mukha. Nawala agad yong pagka inis nya.
” Ako rin e.. Naunahan mo lang ako.
Ace?,
Hmm?
” Si Alodia, imposibleng di sya tinulungang makapyansa ng pamilya nya.”
” Nalaman na kasi ng papa nya na ako yong ama ni Lexxis . At gusto nyang makulong muna ang anak nya hanggat narito pa sa Pinas dahil sabi nya hibang daw yon sa akin.”
Sweetie, anak ko sya. Nag pa DNA ako uli
Alam ko Ace.. Kasi ramdam ko. Kaya ako sobra kung magselos nong pinapanood ko kayong tatlo na magkasama.
Talaga.. So ikaw yong nakaramdam ng lukso ng dugo? Hanep ah.
Tseh!!
” HAHAHAHA”
pero alam mo bang kapag nakikita ko sya.. Iniisip ko kung di ako nakunan, kasing edad lang sila sana.
Kaya ba tinanggap mo sya kasi dama mong akin nga sya.”
“pangdama at kutob halos pareho lang yon diba. So yon. Inantok na ako Ace”
“Gumawa muna tayo ng triplets..”
“Pakasalan mo muna ako uli.”
“Hahaha.. Mukhang mapapasubo tayong madaliin ang kasal nito. Ok good night! Love you”mabilis nitong usal tsaka tumayo at naglakad papuntang pinto.
” Teka..”
Bumalik sya at bumulong.,
“May mission akong ibibigay sa tropa ko. Matulog ka na my queen.”
Akala ko tatayo na.. Pero biglang liko at dampi sa lips ko. Saglit lang, saglit lang nangbulabog .. Di na tuloy ako nito makakatulog.
Yan ang parusa sa mga pakipot.. Awwts!..
Kay bilis dumaan at dumating ng araw.
Kelan lang nong sinabi nyang may pamission sya sa tropa. At ngayon naandito ako ngayon nakatayo sa gate ng bahay nya. Habang nilalanghap ang simoy ng hangin at take note..
Naka long casual wedding dress na talaga namang pinaglikuman nya ng pera. Mabili lang ang natipuhan nyang ipasuot sa akin. Magaan lang ito dalhin, hindi common yong itsura. Sya talaga ang pumili, fit sa resort’s wedding namin. Ang sarap ma in love sa lalaking tulad ni Ace..!!
Sinundo ako ng driver. Solo ko talaga to.. Kami lang nong driver. Naiwan ang mga baklang make up artist at susunod na lang daw.
Habang nasa byahe di ko mapigilan ang aking luha. Bahala ka make up. Water proof ka naman..
Tears of joy naman ito kaya ok lang..
Hindi man perpekto ang unang pagtatagpo namin ng lalaking pakakasalan ko ngayon di gaya ng mga ex nya, at least ako yong ihaharap nya sa maraming tao para maging kabiyak ng dibdib at maging partner nya sa habambuhay. May sasaya pa ba sa isang simpleng Nice na katulad ko na ni hindi naimagine na mangyayari ang ganito.. Pero heto ako..
Ikakasal sa taong mahal ko...


at mahal ako. Period.
Kahit kakaiba ang kaba ko.. Di ko na ininda.. Normal lang to sa taaong ikakasal.
🌿🌼🌿🌼🌼🌿🌼🌿
{ACE POV}
Paulit ulit na akong bumubuga ng hangin.. Grave kasi ang kabog ng dibdib ko. Yong feeling ko kapag nanonood sa pares na nagsasayaw ng tinikling.. At kinakabahan kung maaabutan ng kawayan yong mga paa nilang tikling. Haisst…
Huuuh!!! Bakit ba ganito nararamdaman ko. Ngayon lang to e.
Ilang sandali’y pa ay sininyasan na ako ni Alvin. Sa wakas dumating din.. Nasa resort kami ngayon, ganda ng view.. Maaliwalas sa paningin…nakakarelax ang lahat ng preparation na ginawa dito. Sumasabay ang perskong simoy ng hangin.
Nakita ko din sya at last.. Naglalakad na sa dulo ng white aisle papunta syempre dito sa kanyang hari.
Ok.. Beat it.. A thousand years.
Slow motion na ang paligid sa akin. It’s only her who solely captivates my eyes.
Ang ganda nya habang nilipad ang buhok at ang design ng damit. Na nakabitin
Nong papalapit na sya di ko na mawari ang kaba ko. Hanggang sa papalapit at papalapit At konti na lang maaabot ko na ang= kamay nya.. At di na ako nag antay.. Humakbang ako para kunin ang kamay nya.
Tsugz…….
Tsugz…..
Why do birds suddenly appear
Everytime you are near
Just like me, they long to be.
Close to you.. 🎢
Hindi.. Hindi… Hindi!!!!!
Shock ako pero agad ko syang nilapitan.
Tsugz!!!!…. .
Tsaka ko pa sya nasalo.. Habang titig na titig kami sa isat isa.. Unti unting nawawala ang mga ngiti at napapalitan ng pangingilid ng mga luha. Sabay na napadausdos pababa…
Hindi ito nangyayari. Panaginip lang to.
Ace!!
. Huh! Huhu.. Hindi.. Hindi mahal, huwag mahal, huwag…
A.. E.. S…
Mahal ko..
Napaluhod na ako habang nakaalalay sa kanya.. Namanhid na ako ng gumulong na ang bouquet ng mabitawan nya…
Kumukurap kurap na sya..
“Huwag mahal. Huwag mo akong iiwan. Nice please.. Laban please.. Laban.
Mahal ko! Nice please!!!”
Huwag.. Huwag.. Huwag…. Huwag.
Huwag!!!!
“Uhg.. Ma.. Hal k.. ta.. ”
Nakita ko ang ngiti nya ng pilit at sumara na ang kanyang mga mata habang hawak hawak.ko.sya
Hindi!!!!!!!!!!!!!
Huwagg!!!!!!!!!
Mabilis ko syang binuhat kahit hirap ako..
“Wala akong lakas, tulungan nyo ko!!!”
(ALVIN POV)
Shock kaming lahat sa putok ng baril.at sa nangyari kay Nice
Agad akong dumalo sa kanila ng nagsisigaw si Ace.. Iiling iling sya na puno ng luha ang mata.
Kinuha ko si Nice sa kanya dahil mukhang mabibitawan nya na ito. At ayaw niyang icheck ko yong pulso. Pinabibilis nya lang ako.
Patakbo kong sinugod ang sasakyan ng nakasunod lang sya..
Tinawag kami ng tatay Anton
“Ace.. Wala na sya.. ” tsaka ito lumapit na umiiyak. Pinulsuhan nya si Nice tsaka umiling.
Nanlaki ang mata ni Ace.. Pinipilit ipasok si Nice. Tsaka kami lumarga. Naiwang tulala pa ang mga tao sa venue at may luha sa mga mata.
Nakita ko rin sina Mitch at Rica mga kaklase nya nang binubuhat ko na si Nice.. Nag iiyak na sila..
Palihim kong Pinulsuhan ito kanina nang di nakikita ni Ace. Wala na sya.
Ang sakit sa dibdib.. Pinipiga ako para sa bro ko. Ayaw nya pang tanggapin..
Patuloy akong nagmamaneho. Ako yong natatakot dahil pinabibilis ni Ace. Nakatingin lang sa labas ng bintana ang luhaang nyang mga mata habang yakap at hinahalikan ang buhok ng wala nang buhay
na asawa sa dibdib nya.
” PEOPLE WERE NOT MEANT TO BE TOGETHER FOREVER ”
This saying is true.. In real life.
Pero di ito para sa story. Gusto ko lang ishare na pwedeng ganito ang mangyari sa kahit anong relasyon. Because indeed there is no forever in this world.
A/N!: I’m asking sorry to all my readers for this chapter.
Sana support nyo pa rin. Maglalakbay pa ang istoryang ito.
Padayon pa ta sa unahan?


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.