0

Meant to be? Chapter 50


Report

Nong snack bandang hapon, nasa cafeteria kami ni Yhany best friend ko.
Napansin agad namin yong mga boys na parang may kinahuhumalingang bago.. Well inamin ko dati ganon din ako.. Nawala lang dahil kay Ace, binakuran nya kasi ako at akala nga dakilang manliligaw ko sya.
Maya maya, nakita namin yong maarte na babaeng parang model kung rumampa. Sakit non sa katawan ah.. Trying hard naman.
May itsura nga pero ang arte naman, di natural yong beauty nya .
Feeling nya tuloy, campus crush agad sya.
Sabi ni Yhany transferee daw yon, at engineering ang course. Oh my! Bat bigla akong kinutuban. Inalala ko yong sinabi ni Ace na may bago syang pinopormahan.. Hindi kaya itong babaeng ito. Knowing na from engineering din sya. Umakyat yong level ng selos ko..
Nanggigigil ako sanhi ng pagtupi nong bottled water na hawak ko.
Biglang umusok ang ilong ko. At tiim bagang tinitigan ang babae. Hindi sya kagandahan.. Sa isip ko. Lalo akong nag ngingitngit dahil ang arte2 nya. The way she talk, and move.. Nang aakit yong galawan nya. Iniisip ko pa lang na nag uusap sila o halimbawa tabihan sya ni Ace..ang sakit na sa dibdib.
Nong papauwi na.. Nasilip ko pang lumingon Ang babaeng yon kay Ace habang naka focus si Ace sa susian ng kotse. At paliko na sya para tuntunin ang kinatatayuan ko. Don sa likod ng nilalakaran ng mga estudyante.
“Yong sinasabi mong pinopormahan mo, engineering din ba yon? ”
Napatingin sya sakin
“Muli na akong papasok sa kompanya ni Papa. Busy na yong tiyuhin ko.” seryoso nyang pahayag.
Bat bigla syang nag change topic.
“Ace… Aalis na lang kami ni Tatay.”
“Huwag mo kong umpisahan Nice ha.!”
Napabaling ako sa labas ng kotse..
“Lumalaban pa ako Ace.. Para kung anong maging kahihinatnan natin, di mo ako sumbatan na di kita ipinaglaban. Tanda ko pa kasi yong sinabi mong hanggang sa pagtanda.. Magsasama tayo, kaya di pa ako bumibitaw.”
Sinabi ko yon ng taimtim kahit di ako nakatingin.
” Hayaan mo muna akong humupa. ”
” Yon lang ba ang kailangan mo, baka kailangan ko munang lumayo muna. Mainit pa kasi ang dugo mo sa akin. ”
Nakakunot na ang noo nya tsaka pinaandar ang makina.. At pinaharurot na ang sasakyan.
Kinagabihan.. Naglaro nga kami.
Pero yon pala para sa paglalabanang kasunduan.
Pag natalo ako, magagawa nya kung ano mang gusto nya ng di ko sya pakikialaman.
.. Kapag natalo ko naman sya. Aalis na kami ni itay sa bahay..
Kita kong kumunot agad ang noo nya at umarko ang kilay ng marinig ako. Diretso uli talikod at pumili ng balang cd.
Nong simula, sya yong bumibida pa. Ganon naman istilo ko talaga. Di ako mg eeffort agad sa umpisa don na ako sa halos end of the game na.. Napapamura na sya. Ramdam ko ang tensyon sa kanya. Para bang takot na takot syang matalo. Halos di na yata sya humihinga.
Plus inaasar ko pa sya. “Goodbye Ace” paulit2
Nang magkachance akong sumulyap kita ko ang pamumula ng mga mata nya. Ayon tuloy na wala ako sa focus.
Alam kong kabado na sya, dahil madalas ko syang matalo. Sobrang focus nya na yong mata nya halos ivulcaseal nya na sa monitor.
Tapos.. Sumigaw ako.. I won!
Napatingin ako sa kanya, Napangiwi sya.. Di ko tuloy nakita may nag iisang bala pa sya.
Huli na, ng mayari na ako.
Boom! Sigaw nya.
Tsaka sya ngumiti ng pagkalapad lapad tila nabunutan ng tinik.
Tumayo na ako at aayusin na ang higaan nang kabigin nya ako, napadagan ako sa kanya.
Nagkatitigan kami, biglang lumamlam ang mata nyang ilang araw nang matalim.
Napakunot akong tumingin sa kanya.. Hinaplos nya ang pisngi ko, at bago pa ako kumontra. Nadampian nya na ang labi ko.
Inilalayo ko pa ang sarili, dahil baka ano na naman gagawin nya, di na kasi ako nagtitiwala sa kanya. Kasi puro sya asar.
Matapos ng maarte nyang halik, niyakap nya ako.
“Lahat ng gagawin ko sayo, huwag kang kokontra. Coz I won over you. Klaro? ”
Sabi na nga ba..
“Pano kung nanalo ako. Hindi ka rin ba kokontra sa gagawin kong yon.?”
Hindi sya nakakibo.
“Pwede bang humingi ng pabor kahit ikaw yong nanalo.”
He press his lips.
“Pwede mo ba akong yakapin at sabihin sa akin na mahal mo pa rin ako. Pang oxygen lang..Masyado na kasing masakit at masikip dito.. “sabay turo ko sa aking dibdib
Napanguya sya tsaka diretso yakap sa akin.
” I love you..”
” Pwedeng itagalog..”
” Mahal na mahal kita Nice. Mahal na mahal kita..”
Ewan ko kung totoo.. Mukhang galing naman sa puso. Ewan lang talaga
Binuga ko yong natitirang naipon pang paninikip sa dibdib ko. Ilang beses bumuntong hininga. Tapos niyakap sya ng mahigpit, iniyakap ko pati ulo ko sa balikat nya. Inalala yong mga sweet moments namin…. Nadama kong hinahagod nya na yong likod ko.
Tapos muli nya akong tinitigan. Napayuko ako..
“Mr. Pogi.. Sukong suko na ako.. ” feeling ko maiiyak na naman ako
“Huwag muna android 18..” napapakurap sya ng tingnan ko
tsaka nya inabot yong baba ko at dahan dahang dinampi yong labi nya. Dama ko na uli yong passionate kiss nya.
Pero ilang minuto lang napamura sya sabay kagat sa labi ko at bitaw. Napaaray ako sa sakit.
Binuhat nya ako.. At dinala sa kwarto. At inangkin ng marahas. Akala ko magiging ok na kami. Tinatanong nya pa ako . Kung mas magaling ba si Gray sa kanya. Nanggigigil sya habang ginagawa yon.. Walang pag iingat, walang pagmamahal tinulad nya sa mga ex nya.
Pagkagising, para akong lantang gulay.. Hindi ng aking katawan pero ng puso ko.
Nakatingin lang ako sa kawalan habang tumutulo ang luha.
“Bumangon ka na.. Malilate tayo.”
Tumagilid ako at sinabing di ako papasok.
“Tsk.. Halika na..”
Hinawakan nya ang kamay ko.. Para alalayan.
Umupo na rin ako tsaka ko pinahid ang luha hinimas himas ang kamay niya. Idinampi sa pisngi ko.
Inabot ko ang pisngi nya at hinalikan. Tsaka sya niyakap. Dinama ko sya ng matagal.
Hinarap ko...


sya pagkatapos.
“Ayaw mo na sa akin?Pakawalan mo na ako. Hmm?”
Napakagat sya ng labi”Sorry na kagabi. Naalala ko lang yong video. Sorry.. ”
Umismid lang ako.. Walang ganang tumayo, binuhat nya ako papuntang banyo.
Inihanda nya rin yong damit ko andon na sa loob.
Ok na rin sana kami ng pagkatapos naming mag lunch. Pumunta kami sa tagpuan namin. Pinahiga nya ako sa dibdib nya at sinuklay suklay yong buhok ko. Kinantahan nya ako hanggang sa nakatulog na rin ako. Nakatulog din pala sya.
Pag ganon kami. Umu ok yong pakiramdam ko kahit papano. Bumabalik yong sweetness nya.
Pero kinabukasan nalaman ko sa kaklase namin.
“Nice, nanliligaw pa ba yong Ace sayo. May bago na kasi syang bet e. Sila na nga daw nong Laila.. Yon ang sabi2. ”
Pinilit kong dedmahin yong nalaman ko.
Tapos yong bakla pagsapit ng hapon.
” Girl, yong Ace mo. Mag on na sila nong transferee ok lang sayo. ”
Tumango ako.. Dedma ko pa rin. Ang alam lang naman nila nanliligaw lang. E di iisipin na lang nilang hard to get ako kaya bumaling sa iba. Then be it!
Papunta ako ng cafeteria mg isa para mag snack. Napaatras ako ng makita si Ace at ng Laila na yon, magkaholding hands. Nagtago ako at napamasid sa kanila ng palihim.
Parang hinihiwa ng kutsilyo uli yong dibdib ko. Actually may konting hawig sakin yong Laila kapag wala syang masyadong make up. Sinabihan siguro sya ni Ace na wag mag make up.
Nakatitig lang sya sa babae na pinupungay ang mata habang nagsasalita ito.
Ganon sya sakin tumingin dati. Nong una pa naming mga encounter. Nong nasa unit nya. Mga bonding namin.. Nanunuyo ang mga mata. At kahit nong mag asawa na kami..
Pero lately hindi na..
Ito siguro ang kasama sa hiniling nya na hindi ko sya pakikialaman sa anomang gustuhin nyang gawin. Kapag nanalo sya sa laro.
Kaya bumuga lang ako ng hangin ng makailang beses, para maibsan ang paninikip. Hindi na kita pakikialaman. Pero gusto ko pa ring lumaban. Konting push pa Nice.. Kaya pa yan.
Ilang araw na nakikita ko silang magkasama, pero alam kong tinetyempo nyang di ko sila makita. So ang nangyari, ako yong umiiwas na lang. Kasi alam ko na naman. Para di na sya mapressure at mapahiya sa akin.
Hanggang kaya ko pa. Isang tanghali after lunch. Galing ako sa tagpuan namin. Inantay ko sya. Nang di sya dumating.. Nakisabay si Ed sakin pagbalik ko ng room.
BSED sya. Major in Math. Pero hanep sa englishan at history. Talented at mathematician.
Gwapo din sya. Lakas ng appeal at punto2 kung magsalita. Parang professor din. May sense of humor.
And last but not the least genuine na tao, super bait, kasama yata pagiging loyal.
Natawa ako sa sarili.nagkasalubong kasi kami nina Ace ka holding hands nya si Laila. May distansya naman kami ni Ed. Halatang sabay lang naglakad.
Nginitian ko si Ace ng may warning na huwag
nyang gagalawin si Ed. Gaya ng dati..
Kita kong nagdilim ang paningin nya. Tiningnan ko ang mga kamay nila. Bumitaw sya na ipinagtaka nong Laila.
Nagsign syang lumayo ako Kay Ed. Tinaasan ko lang sya ng kilay. At niyaya ng naglakad ng mabilis si Ed.. Dahil medyo magkakatabi lang ang department namin.
Ini off ko yong phone nong pumasok na ako sa room.
kinahapunan, nakita ko sila ni Laila na nag uusap. Tapos inutusan sya nong babae na isuot yong kwintas sa kanya. Ginawa naman nya.bo baka galing yon sa kanya.
Pagkatapos non.. Hinawakan nong babae ang kamay nya at naglakad sila sa gilid ng tennis court
Tinext ko sya,
-” mag cocommute na lang ako.”
Hinagilap nya ako.. Pero ng di nya ako makita.
– wait, andyan na.
Kita kong nagpaalam sya sa babae at nglakad ng mabilis papuntang sasakyan.
At nagpunta na sa antayan ko. Kainis!
“Bukas mag cocommute na ako huh!”
“Sorry na, di na mauulit. ”
“I’m giving you warning strikes … At kapag nawala na ako. Huwag mo na akong hanapin .”
Wala na kaming imikan. Tama na.. Sa warning na ako aasa para tuluyan nang bumitaw sa kanya.
Ang babaw ng pagmamahal nya.
Kinagabihan, sinadya kong magharap kaming tatlo. Naglakas loob na akong pinagtapat kay Itay ang lahat.
Umiyak si Itay, nagalit at nais malaman ang salarin sa nangyari sa akin.
Buti pa sya agad naniwala.
Sinabi ko kay Itay na aalis na kami kapag di ko na kinaya dahil inamin ko rin mismo sa harap ni Ace ang pananabang nya sa akin. .
Sumang ayon naman ang itay sinabi nyang para makalaya na kaming dalawa . Dahil kapag nagsama pa kami ni Ace. Madami ang kokontra baka di na daw kakayanin ni Itay kung ano pang mangyari sakin sa susunod. Dahil sa pagpili kong manatili kay Ace.
Umiyak si Ace sa harapan namin.
Nagpasalamat si Itay sa lahat ng naitulong nya sa amin. Sinabi ko kay itay na may naipon na rin naman ako sakaling bubukod na kami.
Humagulgol si Ace nang marinig nya ang sinabi ko. Nakayuko lang sya. Aangat at pinapahid ang luha pati sipon nya.
Lumuhod sya sa akin.. Humiling ng kapatawaran. Hindi nya daw kayang mawala ako. Pati kay Itay humingi sya ng tawad.
At naghanap ng kakampi na huwag ko syang iwan.
Tiningnan ko lang sya.
Tsaka ako nag paalam kay Itay na matutulog na. Pero sa kabilang kwarto.
Kinatok ako ni Ace.
Wala syang alam na alam ko na ang tungkol sa kanila nong Laila na yon. Hindi ko na sya kinompronta.
Kinabukasan..
Nagpunta ako ng principals office, balak ko nang magtransfer sa iba. Kaya inayos ko na yong mga documents ko para diretso na.
Maghihintay lang ako ng ilan pang araw. Pag labas ko nakita ko sina Alvin. Nagulat ako pero natuwa rin.
Napag alaman kong magtatransfer din sila kasama nong 3 nya pang tropa.
Wow! Sa isip ko. Ang saya mo Ace.. Bagong girlfriend. Tapos suportado uli ng tropa. Malamang sya may pakana nong pagtatransfer ng tropa nya.
It’s over now!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.