0

Meant to be? Chapter 22


Report

Sa limang araw na nagdaan, dalawang games lang na by team ang di napanalunan ng Nice-Ace couple. Kaya di sinasadyang naging apple of the eyes agad sila ng mga kasamahan.
Pero sa nagdaang araw na yon, na halata ni Nice ang madalas na paglapit ni Venice sa binatang ama ng dinadala nya.
Pinagsawalang bahala nya na lamang ito.
Ngayong araw ay pupunta sila sa isang Beach resort, mag pipictorial sila doon. Titingnan kung sino ba talaga sa kanilang mga kalahok ang couple na may kakaibang lakas ng dating at chemistry para maging deserving sa endorsement na gagawin .
Maaga pang nagising si Nice at Ace.. Nag sabay pa silang lumabas ng mga kwarto.
Kinindatan lang sya ng binata ng magtagpo na sila.
“Good morning miss..”
NapAnguso lang ang dalaga..na nauna nang naglakad. Nakangiting nanunukso lang ang mga kasamahan nila na kasabay sa paglalakad
” Oi, di pwedeng walang tugon.”
“Oo nga naman! “sabat ni George na sinisiko pa si Ace.
” Good morning,”
” Miss Nice pwede ba akong humirit sa puso mo. Total di naman kayo talo ni Ace dahil magkabaro lang kayo.
Mahinang batok ang inabot nito kay Ace
Nagtimpla agad ng 3n1 si Ace, para sa kanilang dalawa matapos nyang hilaan ng upuan si Nice pagdating sa dining area.
” Alam nyo guys, napapansin ko. Ang lakas na ng tama nitong manok ko sa partner nya. Parang nag aaruga lang ng asawa oh.. ”
Napapailing na lamang si Ace.
“Tama na bro, di na sya komportableng tinutukso.”
“Oie.. Tsk Tsk.. Ang sweet talaga ni papa Ace.”
Kantyawan na rin pati mga dalagang umiinom ng kape sa mesa
“Naman oh, sige na don ka na mag timpla ka na rin. Mag to tour muna kami.”
” San pupunta? dito na lang ako..”
“haLika na”
” Oiee… “sabat uli ni George
Pumunta sila sa labas malapit sa swimming pool, doon nagpasikat ng araw habang umiinom. Marami ding naroon, nagkasalubong pa sila ni Venice at partner nito.
Umiinom din ng kape.
“Hi..good morning! “bati nito sa kanila pero ang tingin nakafocus kay Ace.
Good morning! Bating Pabalik ni Ace, ngumiti lang din si Nice.
” Are you ready for today’s activity.” malambing nitong wika
Ahm.. Medyo..” patango tango lang si Ace, sya kasi ang kinakausap. Sinulyapan nya si Nice sa tabi. Nakatingin lang ito sa babae at nasisingkit dahil sa sinag ng araw.
Di nya namalayang nakatitig na sya sa mukha nito. Blooming na blooming si Nice sa paningin nya, parang pinipiga ang puso nya sa kilig.
“Ahem.. “pagpapapansin ni Venice sa binata..
” Sya una na kami, enjoy na lang mamaya.”
” Ah, sige salamat, kayo din”
“Sige bro.. ” tapik ng partner ni Venice Kay Ace.
” Mag on sila?”
” Hindi.”
Ahh.. ” sabay sulyap na may pagdududa sa binata.
Kinindatan lang sya nito.
Masaya silang nag agahan, enjoy na enjoy ang 20 couples parang hindi nila feel ang competition pag nagsasama Sama.
Kulitan lang at kantyawan ang nangyayari. Ilang araw din silang byahe ng byahe dahil sa mga activities na ginawa. Pero yong bonding nila di matatawaran. Mas lalo lang nagiging close ang mga couple at yong iba nagkakadevelopan na.. At isa na sina Nice at Ace na tinutukso.
Gusto mang iwasan ni Nice si Ace, pero kung dapat maging sweet para sa ikapapanalo, sasakyan nya na lang ang trip nito. Akala nya magtataray sya dito pero mukhang malala pa sya sa maamong tupa kung pasunurin ni Ace.. Bat ba sya nagkakaganon..” Feeling husband material kasi ang kumag.”
At lage na lang sumasagi sa isip nya ang sinabi nito patungkol sa “tadha tadhana.”
habang kumakain, lagi itong nakamasid sa pinggan nya. At hinihimas ang kamay nya sa ilalim ng mesa. Lagi na nga nito iyong ginagawa. Nasanay na tuloy sya.
Mabilis na syang uminom ng tubig dahil, ihing ihi na sya. Mabilis syang napatayo..
” Tapos ka na?”
“Oo”
“Mamaya ka na umalis”
Nahihiya naman syang bigkasin na iihi sya o mag ccr dahil kaka tapos lang kumain. nakahilira kasi sila sa dalawang mesang mahaba.
Kaya binulong nya na lang sa teynga nito. Na ikinakiliti ng binata.
“Ow – OK.”.
Iba ang nakita nyang reaksyon sa mukha ni Venice ng mapasiulyap sya sa tapat nila.
Paglabas ni Nice sa banyo, Nahagip agad ng antenna nya ang chismis 4 da day.
4 na babae ang nag u usap sa living room, tapos na ang mga itong kumain..
“Guys bagay din pala sina Ace at Venice pag nagtabi noh”
Napa atras sya at nagtago sa walling.
“Oo nga, kita mo yon kahapon? Parehas kasi silang halatang may binatbat sa buhay, mga galing sa sosyal na pamilya.”
“Parang ang sarap nilang panooring magkasama. ”
“Di nyo ba pansin, parang ang lakas maka trip ni Venice may pasapak sapak pa sya kay Ace kahapon. Tinamaan na yon malamang.”
“Halata naman ah, pansinin nyo! Lagi yang nakatitig sa guy nang palihim. Gwapo naman kasi ni Ace e.. Ang ganda pa ng katawan. Tapos napaka friendly, ang sarap kausap, ang lakas ng dating, ang lambing at ang responsable, mabait pa. Sana all na lang tayo neto..
Ang swerte swerte ng babaeng mamahalin nya. ”
” Mukhang don sa partner nya yata sya may gusto e. Nagkadevelopan ata sila.
Actually pwede pa naman syang maagaw ng iba, kasi di naman sila totoong mag syota”
“At feeling ko, si Venice wala na sa contest na to ang focus. Na kay Ace na! “tsaka sila nag aper at nagtawanan.
… Di naiwasan ni Nice na masaktan sa mga narinig. Nakatulog kasi sya kahapon. Buong akala nya tulog din ang binata. Magkasama pala sila..
At masakit isipin ang mga banat ng mga chismosa nyang...


housemate. Sa bagay, may freedom naman sa loob ng bahay kahit pa sa pagchichismis.
Sa byahe, halata ni Ace ang pananahimik ni Nice. Snub din ito sa kanya. Nilambing nya ito habang tulog pa ang iba nilang kasama.
“Hoi..napano ka?”
Umiling lang sya at nag iwas ng tingin, sumentro sa labas. Akma syang kikilitiin ni Ace
” Tigilan moko!”
Napa diretso ng upo ang binata at napatitig lamang sa kanya, mula sa gilid
Pagdating nila sa area. Mabilis na nag sibabaan ang lahat diretso sa resort.
Gusto ni Nice na MaEnjoy nya ang sarili sa lugar na yon, na di inaantay kung paano sya pasayahin ng binata. Baka kasi masanay syang laging pinangingiti nito at kung sya na lang mag isa mahihirapan na syang pasayahin ang sarili.
Hindi naman yon ang unang dahilan. Kung di nagtatampo at Nasaktan sya sa ginawa nito kahapon. Feeling nya, nag traydor ito. Pero anong karapatan nya, wala syang magiging lugar sa buhay nito. Mag iilusyon lang sya kung sasakyan nya ang mga salita nito.
Hinila agad nito ang kamay nya.
“Pano natin to magagawa ng mabuti kung ganyan ka.”
“Magagawa natin to, wag ka lang mangulit”
” Huwag mo akong tinititigan!”
“Fine! ” anong problema nito” takang bulong ng binata
Padabog itong nagpatiuna at sumabay magbihis sa mga kasama. Sa may cr nagkasabay pa sila ni Venice sa pagpasok.
Sobrang sexy nito pag labas ng cubicle
Halatang may pinasesesexyhan.
Pagbalik nila ng set.. Naging alerto ang paningin nya sa magiging reaksyon ni Ace. Papalapit na sila, nskita nyang nakatingin ito sa kanya pero saglit ding napasulyap sa mga kasama nya. “Malamang kay Venice!” Gigil ng utak nya.” Confirmed mr. playboy!”
Ngunit muli din itong tumingin sa kanya. At di na inalis ang titig.
Nang makalapit sa isat isa, matamis itong ngumiti.
“You always look different!”
Iwinaksi nya ang kamay nito na akmang hahawak.
Pero nang nagsimula na silang magshoot, naging malambing na uli si Nice, balik kulitan sila. Syempre magaling syang umarte.
Kaya naging pa natag uli ang binata ngunit nong natapos na sila at nag aantay na lang sa iba.
Sinundan nya si Nice sa cr dahil medyo natagalan ito. Pero nakita nya ito sa may dalampasigan nakaupo sa buhanginan.. Mag isa.
Mabilis ang hakbang na nilapitan nya ito.
Nasa likod pa lang sya, dinig nya na ang mahinang hikbi. Agad nya itong hinarap.
“Bakit? Anong nangyari sayo? May nanakit ba sayo? Huh? May nagbully ba sayo?”
“Iwanan mo muna ako. ”
“My, kanina ka pa e, wag ka namang ganyan”
” Gusto ko lang muna mapag isa” ok lang ako, gusto ko lang sulitin tong peaceful moment na to, tong view na to.”
” Di ba ako pwedeng tumabi sayo”
“Please Ace..”
” Nasasaktan ako pag ganyan ka..”
“Iniisip ko lang.. Dahil sa katangahan ko! Masisira ako!”
Nice?
“Mula pagkabata, hinangad ko nang magpakabuti lalo na nong nagkakaedad na ako, para makabawi ako sa hirap ng mga magulang ko. Hindi ako naging suwail, at kahit nong nawala si nanay,nagpakatatag ako para kay tatay.. Pero binali ko rin yong expectation nya sakin 🥺Masakit sakin na ganito nangyari sakin! Pero wala akong magawa!”
“Nice..” akma sya nitong hahawakan. Pero umiwas sya
“Oo, heto ka.. Inaalalayan ako, pero hanggang kailan Ace? Hanggang magsawa ka na sa sitwasyon natin? Hanggang sa mapagtanto mong di talaga tayo pwede?
” Ayokong masanay sa kabaitan mo, sa pag aaruga at pagpapasaya mo sakin. Ace..hindi na ako aasa na may magiging tayo.”
“Nagdesisyon akong sumali dito para, manalo, para pag naawaan hindi na ako aasa sa sustento mo kahit papano. At makakapagpatuloy ako sa pag kokolehiyo.”
Namumuo na ang mga luha nya.
Si Ace man din, na nakakuyom na ang kamao
“Pero kung mapilit kang sumustento, di ako tatanggi. Pero wag mo nang ipilit pa yong satin, walang magiging tayo, Ace.
Sana maunawaan mo ko.. Kung pipiliin kong hindi sumugal.”
” Ibaling mo na sa iba ang atensyon mo, ayos na na di mo tinalikuran ang obligasyon mo sa naging resulta ng aksidenteng gabing yon.”.
Napakagat ng labi si Ace dahil sunod sunod na ang pagpatak ng kanyang luha dahil sa mga narinig nya. Nabigla sya!
” Nice..? ”
“Sana malinaw na ang lahat ngayon satin Ace.”
Tsaka sya tumalikod..
😭 ” Ang sakit! ”
Dinig nya ang hirap sa pagsambit non mula sa kanyang likuran.
“Ang sakit sakit!”
Bumuntong hininga lang sya at tumuloy na sa paglalakad.
Pero mabilis na nahablot nito ang kamay nya.. Hinila sya papunta sa may likod ng punong niyog at isinandal sya don.
Umiiyak ito.
Kaya di nya matingnan ng diretso.
” Tumingin ka sakin, tumingin ka sa mga mata ko!” sabay pawi ng luha
” Sabi mo diba mahal mo na ako?”
Tsaka pa sya tumingin.. “Pwes di na ngayon”
” Kalokohan..”
Narinig nila ang tawag mula sa mga kasamahan na uuwi na.
Aalis na sana sya ng muling Isandal ni Ace.
“Sa tingin mo, papayag akong ganon ganon na lang!”
” Uuwi na tayo!”
Pilit nyang inalis ang kamay nito at muling sinubok na humakbang pero muli lang syang hinablot at diretsong siniil ng halik! Nanlaki ang mga mata niya habang namnam ang mapusok nitong halik. Tila nagpaparusa at lumalalim,
Hindi sya pwedeng magpadala. Inipon nya ang lakas at tinulak ito pero muli lang syang sinunggaban at sa pagkakataong yon, masuyo na ang halik.. Tila Nagmamakaawa at pilit pinadadama ang kanyang wagas na pag ibig.
Di na kayang awatin ni Nice ang sarili.langdyo na, napatugon na rin sya.
Sabay ng mga luhang umagos sa kanilang mga pisngi ay ang patuloy na pagpapadama nila ng pagmamahal sa isat isa, sa pamamagitan ng makapugtong halikan.
Di na nila tanto ang nangyayari sa paligid,
Lintik na pag ibig. Sadyang mapanakit!!!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.