0

MARRIED TO A HEARTLESS MAN CHAPTER 5


Report

MARRIED TO A HEARTLESS MAN ♥️
CHAPTER 5
Maagang nagising si Clara dahil wala na sa tabi niya si Tyron. Mukhang maagang bumangon ang asawa niya. Nagbihis muna siya bago bumaba.
Naabutan niya ang asawa niya na naghahain sa lamesa. Dapat siya ang gumagawa noon at siya rin dapat ang nagsisilbi dito. Pero mukhang baliktad ata. Di bale na lang babawi nalang siya dito.
“Good morning” pukaw atensyon niya dito.
“Good morning wife, how’s your sleep?” tanong ni Tyron sa kanya.
“Maayos naman, nagising lang ako kasi wala na pala akong katabi” kunwari ay nagtatampo siya dito.
“I’m sorry wife I just cook our breakfast” sabi ng asawa niya pasimpleng nagkamot sa ulo.
“Talaga ikaw nagluto?” tumango naman ito.
“With a little help of Manang Cely” matapat nitong sagot sa kanya. Lumapit si Clara sa asawa niya at niyakap ito pagkatapos ay pasimpleng humalik sa mga labi nito kay sarap halikan.
“Thank you ako dapat ang nagsisilbi sayo ehh, dapat ikaw ang pinagluluto,babawi ako” sabi niya sa asawa at binigyan ito ng matamis na ngiti.
“I like and love it when you kiss me” sabi ni Tyron sa kanya. First time na siya ang humalik dito kahit na smack lang yun.
“Ano yun ikaw na lang palagi ang hahalik? Parang hindi tayo patas kung ganun. Ang just what I said yesterday I want to be a perfect wife of yours” siya ang naglagay ng kanin at ulam sa pinggan ng asawa niya. Tutal ito ang nagluto siya dapat pagsilbihan niya rin ito. Napangiti naman si Tyron sa inasta niya. Yung ngiting sobrang nakakainlove.
“Wife may pupuntahan tayo mamaya” sabi ng asawa niya habang nakain sila. Napaisip tuloy siya saan sila pupunta?
“San tayo pupunta?” di naman siya sinagot nito at patuloy lang sa pagkain. Did he wants to surprise her?
“Secret, later you’ll find out” usal nito at ngumiti sa kanya.
“Ang sarap naman ng niluto mo, parang mas masarap ka pa magluto sa akin ehh” napatawa naman ng mahina si Tyron sa sinabi niya.
“Your sinigang is the best dish Ive ever tasted, yun ang pinakamasarap na sinigang na natikman ko and I’m not lying” giit nito sa kanya. Alam talaga ni Tyron kung paano siya pakikiligin.
“Bolero” bulong niya.
“No I’m not” sabi ni Tyron sa kanya.
“Okay naniniwala na ako, gusto ko ng pumunta dun sa lugar na sinasabi mo” napangiti naman ang asawa niya because of what she said.
Pagkatapos kumain umakyat ulit si Clara. Sabi kasi ni Manang Cely at ito na daw ang magliligpit ng pinagkainan nila. Naunang matapos kumain si Tyron kaysa sa kanya at umakyat agad ito sa kwarto dahil may kailangan daw itong kausapin.
Ang mga gamit at damit niya ay nasa kwarto na rin ni Tyron at ilang araw na rin siyang natutulog sa kwarto ito.
Pumunta siya sa walk in closet para maghanap ng damit na maisusuot saktong nahanap na niya ang dami na susuotin ng biglang lumabas sa banyo ang asawa niyang si Tyron bagong ligo ito at tanging tuwalya lang ang nakatapis sa bewang nito.
He looks so hot, yun ang nasa isip ni Clara, ngayon niya lang nakita ng ganito si Tyron. Her handsome is so hot and handsome.
“Wife stop staring at me, its turning me on” sabi ng asawa niya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.
“Malili—go na ako” nauutal niyang sabi. Narinig niya naman ang mahinang tawa ng asawa niya.
Hinubad niya ang mga damit niya at nagsimula ng maligo. Di niya nilock ang pintuan baka isipin pa ni Tyron na wala siyang tiwala rito at ayaw niyang mangyari yun.
Pagkatapos ng kalahating oras na paliligo ay nagbihis na rin siya sa banyo at siya sa lumabas. Hawak niya ang tuwalya at pinupunasan ang buhok niya.
Naabutan niya ang asawa niya na nakaupo sa kama at nakatingin lang sa kaniya.Nakabihis na rin ito that’s makes him more handsome in her eyes.
“Dapat sa baba mo na lang ako hinintay” sabi niya dito, Pagkatapos ay pumunta siya sa may harap ng salamin. Nakaharap siya dun habang pinupunasan ang basa niyang buhok.
Naramdaman niya na lang na may yumakap sa bewang niya at may ulong sumiksik sa leeg niya. Alam niya kung sino ito. Si Tyron.
Hinahalikhalikan nito ang leeg niya habang nakatalikod siya dito na nagdulot ng milyong milyong boltahe sa katawan niya.
“You look lovely wife” sabi nito at hinalikan ang pisngi niya. Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya. Di niya alam pero may feeling siya na parang nanghinayang.
“I just wait you downstairs” sabi nito bago maglakad paalis...


sa kwarto nila.
She knows it! Nagpipigil ito.
Binilisan niya ang pag-aayos niya at bumaba na rin.
Nakita niya naman ang mga maid na nakatitig sa kanya at gandang ganda sa kanya.
“Wow ma’am Clara ang ganda niyo po talaga” maid 1
“Para na kayong diyosa ma’am sa kagandahan niyo, mapapasanaall na lang talaga ang iba” maid 2
“Sana all binigyan ni Lord ng ganyang beauty, bagay na bagay talaga kayo ni sir Tyron, Yie!!!” maid 3
“Maganda rin naman kayo” sabi niya sa mga ito at ngumiti .
“Ayytt ma’am love ka na talaga namin” sabay sabay na sabi ng mga maid. Kaya napangiti nalang si Clara.
Nakita niya na ang asawa niya.
“Iha ang ganda mo talaga” sabi naman ni Manang Cely.
“Ayy si Manang binola pa ako” balik niya naman kay Manang.
“Hindi ka namin binobola tanungin mo pa ang asawa mo” giit ng matanda.
“They are right wife you look, pretty, gorgeous, lovely and beautiful” sabi nito sa kanya at ngumiti. Nag-iinit na naman ang pisngi niya dahil sa sinabi nito.
“San ba kayo pupunta?” pag-uusisa ni Manang Cely.
“It’s a secret Manang” sagot naman ng asawa niyang si Tyron dito. Kaya napangiti na lang siya.
“Siya ingat kayo” usal ni Manang Cely.
“We will Manang, kayo rin po ingat” sabi niya dito.
Pumasok na sila sa kotse ni Tyron.
Habang nasa biyahe nakatingin lang siya sa magandang tanawin sa labas ng kotse. The beauty of nature kumbaga. At dahil tahimik nagulat siya ng biglang may tumugtog, at si Tyron pala ang may gawa nun.
105 is the number that’s comes through my head🎶🎶🎶
When I think of all the years 🎶🎶🎶
I wanna be with you🎶🎶🎶
Wake up every morning with you in my bed🎶🎶🎶
That’s precisely what I want to do🎶🎶🎶
Tumugtog ang marry me. Parang tinatamaan siya sa kanta. Parang para sa kanya talaga at kay Tyron ang kanyang iyon.
Hinawakan ng asawa niya ang kamay niya at hinalikan ang likod nito habang ang isang kamay naman nito ay abala sa pagdadrive.
Parang alam niya ang direksyon tinatahak nila pero di niya lang matandaan.
Hanggang sa tumigil sila sa isang mansion. At hindi siya nagkamali it’s her parents mansion. So dito pala si papunta ni Tyron. Ito ang surprise nito sa kanya. Alam talaga ni Tyron kung paano siya pasasayahin. Namiss niya na ang parents niya.
Pagkababa niya ng kotse naabutan niya ang mommy at daddy niyang naghihintay sa kanya.
“Mommy!!!” dali dali siyang tumakbo papunta sa mommy niya at niyakap ito. Niyakap siya nito pabalik at nakiakap na rin ang daddy niya.
“We miss you Clara” sabi ng mga ito sa kanya.
“I miss you too mom and dad” balik niya sa mga ito.
“Noong sinabi ng asawa mo na pupunta kayo rito inabangan ka talaga namin, we miss you baby ” sabi ng mommy niya. Ito pala ang tinawagan ni Tyron kanina pagkatapos nitong kumain.
“Good morning ma’am and sir ” sabi ni Tyron sa mga magulang niya.
“Ano ka ba Iho asawa ka ng anak namin call us mom and dad” sabi ng mommy niya kay Tyron.
“We must thank you for taking a good care to our beloved daughter” dagdag pa ng daddy niya. Walang pagsidlan ang saya ni Clara. Her husband always make her happy.
“Ohh siya maiwan na muna namin kayo pasok na lang kayo sa loob, inihahanda ko pa ang tanghalian natin mamaya” sabi ng mommy niya.
“Diyan ka muna sa asawa mo Iha tulungan ko muna ang mommy mo” sabi naman ng daddy niya. At pumasok na ang mga ito sa loob.
Tumakbo siya papunta kay Tyron at niyakap ito ng mahigpit.
“Wife I can’t breath” alam niyang nagkukunwari lang ito at binibiro lang siya.
“Thank you, thank you, thank you, miss ko na talaga sila” sabi niya kay Tyron habang nakayakap pa rin dito.
“I know kaya nga dinala kita dito dahil ako rin ang dahilan bakit di mo sila nakikita” sagot naman ni Tyron sa kanya.
Bumitaw siya sa pagkakayap dito at walang sabi sabing hinalikan ito sa mga labi. Pinalalim pa nito ang halikan nila. Pero bago nilang makalimutan na nasa labas sila bumitaw na siya.
“I love you Tyron” di niya alam pero iyon ang lumabas sa bibig niya. Kaya bakas ang pagkagulat at pagkamangha sa mukha ng asawa niya.
Walang iba na nasa isip niya ngayon kung hindi sabihin kay Tyron ang nararamdaman niya para dito.
To tell him the truth that she already loves him.
Thank you po sa patuloy na pagbabasa ❤️😍


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.