2

Mahal Pa Kita!


Report

Ako nga pala si Queisha (Di ko tunay na pangalan) nagsimula ang kuwento ko nang makilala ko ang isa’ng lalaki’ng nagpatibok ng puso ko, si Martin (hindi niya tunay na pangalan, grade one ako nang maging kaklase ko siya pero sa sunod na taon ay inilipat ako nang section, hanggang sa nagpatuloy tuloy na iyon.

Masakit man peto tiniis ko, lahat naman gagawin ko para sa kaniya eh, nang mag-grade 7 ako ay ganun din pero ang nalaman ko may GF na siya, akala ko mapapansin niya ako eh, nang lumipas ang ilang taon ay lumipat ako ng school, sa isa’ng university na public din pero malayo sa kaniya.

Nagdesisyon ako’ng magmove on na pero ewan ko ba kung ano’ng meron ang lalaking yun at hindi ko makalimutan, siguro ay sa haba haba ng panahon kaya di ko pa siya makalimutan.

Napagdesisyunan ko rin na magtapat ng nararamdaman ko para sa kaniya, pero wala namang nangyari, kasi nga sila pa eh.

Nang maka-graduate ako sa College sa kursong Architecture ay bumalik ako sa dati naming bahay para naman dalawin ko ang mga naiwan ko dun.

Mga ilang araw ay nasilayan ko si Martin sa isa’ng lugar, habang naglalakad ay kailangan kong dun dumaan, awkward na kung awkward basta ayoko nang makita pa siya, nilagpasan ko lang siya.

Pero naramdaman ko’ng sinusundan niya ako pero wala lang sa akin yun, malamang baka pauwi na siya pero bigla niya ako’ng niyakap sa likod ko.

“Queisha, I miss you!” sabi niya habang nakayakap parin sa likod ko.

“Bitiwan mo na ako Martin!” pagpupumiglas ko...


pero sadyang napaka-lakas niya kaya hinayaan ko nalang siya hanggang sa kumalas na siya sa pagkakayapos.

“Mahal kita Queisha!” nabigla ako sa kaniyang sinabi, pero pano?

“Ano’ng pinagsasasabi mo?” gulong tanong ko dito.

“Hindi ko kaya ng wala ka sa tabi ko, nagtiis ako ng ilang taon, sorry kung hindi ako nagtapat sayo kasi kami pa ni Jennie, hindi ko naman siya kayang saktan pero nakipag-break ako nung malaman kong lumipat ka sa ibang University!” mahabang salaysayin niya sa akin.

Wala na akong nagawa nung Time na yun, tinanong niya sa akin kung puwede ba maging kami, ako naman sobrang malambot para hindian siya kaya umoo nalang ako sa kaniya.

Mga 4 years na kaming dalwa, pero medyo naging cold siya sa akin sa mga araw na yun, lagi siyang badmood, minsan umiinom, naglalasing siya kaya pinatigil ko na siya.

Ilang araw ay may biglang tumawag sa akin, si Sheilla pala, friend ko sa nilipatan kong University.

“Hello bes, alam mo na ba ang nangyari kay Martin?” tanong ni Sheilla sa kabilang linya.

“Anong nangyari?” kinakabahan kong tanong kay Shellia.

“May cancer siya, stage 3 hindi na yan kayang magamot, kailangan ng —” hindi ko na pinatapos si Sheilla at agd kong pinatay ang phone ko.

Hinanap ko si Martin, na nasa kuwarto lang pala, lumapit ako sa kaniya para kumpirmahin na totoo yung sinabi ni Sheilla sa akin.

“Martin, bakit di mo sinabi sa akin?” sabi ko kay Martin habang umiiyan.

“Alin?” tanong niya sa akin.

“Na may Cancer ka, stage 3?”—ako.

“So-sorry, Mhie… ayoko lang na magalala ka sa akin!” he said.

TO BE CONTINUE…


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.