2

Maging Akin ka


Report

Tatlong taon nakong nanliligaw sa kanya. Hindi naman ako nagmamadali sa sagot nya dahil ayokong pilit o dahil sa away Jaya nya ako mamahalin. Maraming mga kontra, maraming Hindi pumapapayag kase ako mismo yung babae pero ako itong parang tangang hahabol habol sa isang lalaking hindi naman ako gusto pero hindi nalang ako nakinig sa kanila.

Jagger? tawag ko sa kanya habang nasa harapan ko habang nagbabasa ng libro. Hindi naman ito lumingon o tumingin lang saken, gusto kong magtampo kase sa bawat tawag ko sa kanya no hindi man lang sya lumilingon pero okay lang nasanay nadin naman ako eh. Sakto namang may nakadisplay na gitara sa tabi nya, tumingin muna ako sa kanya bago lumapit sa kanya at kinuha ko yung gitara. Sinimulan ko na ito kalikutin, tumingin ulit ako kay jagger na tulog tulog lang sa pagbabasa kaya naisipan ko na syang kantahan sinimulan ko nang kalikutin ulit ang gitara.

Sana’y pag ibig nalang ang isipin ng bawat isa sa mundooooo~
Sana’y laging magmahalan~
Sana’y laging magbigayan~
Sana’y pag ibig nalang ang isipin ng bawat isa sa mundo~

Tumigil ako sa pagkanta at tumingin kay Jagger. Wala itong reaksyon at tinuloy ko ulit ang kanya.

Sana’y laging magmahalan~
Sana’y laging magbigayan~
Sana’y pag ibig nalang ang isipin ng bawat isa sa mundo~

Tumigil nako sa paggigitara dahil masakit na ang mga kamay ko.

“Baket mo ba ginagawa yan? Nasasaktan ka na nga ginagawa mo pa.” seryosong sabi ni Jagger na ikinagulat ko. Ngayon nya lang ako kinausap dahil sa loob ng tatlong taon na panliligaw ko sa libro lang sya nakatingin kulang nalang pakasalan nya tapos ako na bahala sa kape.

“Ginagawa ko naman ito kase gusto ko, dahil dito ako masaya” sagot ko sa kanya. Ano fight fight tayo lalab ko? Sabi ko ng mahina sa isip ko baka nanaman kasi sumungit sya, hindi ako marunong manuyookko

“Dyan ka pala masaya, ang masaktan” sabay tayo na at naglakad ito palayo. Napaisip nalang ako “Ano bang problema nun?”

Pagkatapos ng araw nayun ewan ko ba hindi ko na sya ulit nakita tuwing pupunta ako sa bahay nila laging sagot sakin ng mga Yaya nila ay “Pasensya napo ma’am Lyra, umalis po si Sir Jagger eh” sabay yuko nila ng ulo sakin at umalis na palayo. Kahit nung isang araw nasa bahay ako nila Jagger, Wala daw Ito ay nagbakasyon muna sa bahay ng lola nya pero hindi nila binigay kung saang lugar iyon. Naiisip ko nalang na “Dito na...


ba magtatapos?” kase kung hanggang dito nalang hindi ko kaya, tumawag ako Ng tumawag Ng tumawag Ng tumawag sa telepono ni Jagger pero walang sumasagot. Ang saket! Baket ang saket?. Hindi ko namamalayan at onti onti nang tumulo yung luha ko, nasasaktan ako kase namimiss ko na sya kahit na hindi nyako pinapansin, gusto ko sya makita dahil sa tatlong taon nayun hinahanap hanap sya ng mata ko at ang huling nasabi Ng bibig ko ay “Mahal ko sya, Mahal na Mahal ko si Jagger”.

Umalis ako at hinanap si Jagger kahit na hindi ko alam kung saan ako naghahanap sa kanya. Ayokong sumuko kahit na sinasabi Ng utak ko na “oras na siguro para sumuko ka, Tama na” pero hindi iyon tinatanggap ng mga luha ko at sunod na sunod na pag agos into, humagulgol ako Ng mahina at pinupunasan ang luha ko.

“Nagtiyaga ako sayo, tiniis kita kaya wala kang karapatan na layuan ako! Nasaan kaba?!” inis na tanong ko habang umaagos padin ang mga luha ko at hinampad hampas ng malakas ang manibela at ang huling narinig ko ay “Nandito ako” na parang may sumagot sa tanong ko tsaka ako nawalan ng malay.

Ibalik nyo ang anak ko! Ibalik nyo! Hindi ito totoo! sigaw ni mama. Lahat sila magkasama, kumpleto sila habang nakatingin sa bangkay ko na ilibing na, lahat umiiyak pero alam nyo ba na natutuwa ako kase nahanap ko na si Jagger!. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko ito at bumulong.

“Nahanap din kita Jagger. Alam mo ba na Mahal na mahal kita” seryoso kong huling sa kanya na ikinaiyak nya. Nakatingin Ito sa bangkay ko at tuloy tuloy na tulog ng kanyang luha, pinunadan ko Ito pero hindi natatanggal at hindi tumulo sa pagiyak.

Nabangga ako at nawalan Ng balanse dahil sa Wala nakong makita dahil puro tubig nalang dahil sa pagiyak ko at sa huli nakita ko nalang ang katawan ko, napatingin ako da mukha ko ng puno Ng dugo at nakangiti ang mga labi ko. Until until nakong naglalaho oras na ata para maglakbay naman ako sa ibang mundo habang nakatingin ako sa kanilang lahat ay ngumiti ako ” Maraming salamat sa pag punta nyong lahat”. Naglalaho nako at biglang sumagi sa isip ko na “Hindi man happy ending para sa inyo, masaya nako dahil nahanap ko yung taong mahal ko.”

Woyyy Ms.Booga nandito akooo! Maganda ba o bitin? Sana nagustuhan nyo dahil kung hindi ampanget nyo psh. HAHAHAHAH

Salamat senyo!

1

2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.