0

Mafia boss missing wife Twenty one


Report

by: Gail Montenegro
nagising si bella sa isang malaki at marangyang silid ,nilingon nya ang paligid at ikinalat ang paningin saka bumuntong hininga ng makita ang picture frames nila ni clark noong bagong kasal pa lamang sila ,tumayu sya at agad na tinungo ang pintuan pinihit iyun at lumabas nasa may railings pa lamang sya ay dinig na nya ang dalawa or tatlong taong naguusap usap sa may veranda tumigil sya ng matanaw ang mga ito mula sa ibaba..
“bumalik nga ang alaala nya pero hindi lahat ,naiwan ang alaala nya sa kasalukuyan at nakaraan lamang ang naaalala nya! paanong nangyare ang ganoo?” naguguluhang tanong ni clark sa dalawang doctor
“ngayun pa lamang ako nakaingkwentro ng ganitong case doc…” ani ng doctor na kasama ni doc limmar chipper mas bata ang itchura nito kesa sa una
“bilang lang sa daliri ang ganitong kaso “may nangyare ba sakanya kaya agad na bumalik ang alaala nya sa nakaraan??” tanong ni doc chipper kay clark
nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga saka pinagsalikop ang dalawang palad na waring humuhugot doon ng pwersa upang makayanan ang lahat ng ito “nabagok ang ulo nya sa malambot na carpet hindi naman ganoong katigas pero tingin ko naalog lamang naman ang ulo nya ,i don’t think so kung dahil ngaba doon, hindi ko alam!” hawak hawak ang ulong saad ni clark sa dalawa.
mula sa itaas ay nakikita ni bella kung gaanu na nahihirapan si clark ,kung ganoon ay totoo palang may amnesia sya… na hindi talaga ito nagbibiro…unti unti ay napahawak sya sa magkabilaan nyang sentido saka ipinikit ang dalawang mga mata pilit na inaalala ang mga nangyare kung saan nagsila ang ganitong bangungot sa buhay nya.. napaupo sya sa lapag ng bigla ay may kumislap na alaala sa utak nya!
“Nakaraan!”
“sige na kunin nyu sya!!! sya lamang naman ang kaylangan ni boss ,patayin nyu lahat ng taong makita nyu..” utos ng isang lalaking may stocking sa mukha
mula sa pagkakasiksik sa kama ay bumaling ang paningin ni bella sa pintuan ng banyo… sa banyo kailangan nyang makarating doon upang mailock yun at hindi sya mapasok
“hwag mo ng balakin pang manlaban miss bella ,hindi ka namin sasaktan dahil kaylangan ka ng big boss ko ,kung sasama ka ng maayus walang aberya kaya halika na!!!” ngising saad nito
tinangkang lumapit saakin ng lalaki ngunit dahil nasa kaliwa ko itoy nagawa kong tumakbo patungo sa banyo mabilis na pumasok at agad na inilock ang pintuan, sa likod ng pintuan ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata at inalala ang mukha ni clark… at dumaloy ang masaganang luha mula sa pisngi nya “babe….save me…save me and our baby…” pipi nyang bulong sa hangin habang hinahaplos ang hindi pa kalakihang tyan..
“buksan mo to!!!!! kahit pa magtago ka jan sa loob tingin mo hindi namin masisira ang banyong to” malakas na tinig ng lalaki mula sa labas ng banyo
“hwag please maawa kayu!!!! hwag kunin nyu na lahat ng mga mamahaling bagay na nandyan …please tigilan nyu na ako,,kunin nyu na lahat….” umiiyak na sigaw ni bella ,ilang sandali lamang ay dinig nya ang malakas na tawanan ng mga hayup mula sa labas...


ng banyo pati na ang mga bagay na pinampupukpok ng mga ito para masira ang pinto ng banyo ,nanginginig ang buong katawan na sumiksik si bella sa gilid ng bathtub habang panay ang panalangin na sanay dumating na ang kanyang asawa…
“bilisan mo’t marami ng nasayang na oras…” utos ng lalaking lider ng mga ito
matapos lamang ang ilang segundo ay buong lakas na bumukas ang sira nang pintuan ng banyo kaya lalong napahagulhol si bella “hwag…maawa kayu!!!” pakiusap nya sa mga ito
“hindi ka naman namin sasaktan miss bella…” wika ng lider ng mga masasamang loob at hinaplos pa ang nakalantad na hita ng babae…
“diego….hwag mong pagnasaan malalagot tayu kay big boss…” paalala ng isa sa mga kasama ng lalaki
“hwag mo nalang banggitin raul.. tignan mu nga angsarap nya!!!” titig ni diego sa mukha ni bella hanggang sa mapupulang labi ng babae ,pati ang makinis nitong balat ay nagpapahumaling sa kaibuturan ni diegong tila lulong sa droga habang pinagmamasdan ang napakagandang asawa ng isang mafia ,tinangka nitong hawakan si bella ngunit pinigil sya ng isa sa kanyang mga kasama
“ako na!!!!” si raul na hinawakan pa sa balikat si diego wala syang tiwala sa pagmumukha nito at baka mayare pa sila sa kanilang amo
“ako na!!!” piksi ni diego kay raul at tinabig pa ang kamay ng kasama saka marahas na kinuha ang babae mula sa pagkakasiksik nito sa gilid ng bathtub
“hwag ayoko….bitawan moko hayup ka…” malakas na tili ni bella at pinagkakalmot ang mukha ng nagngangalang diego ,ibinaba sya nito at tinangkang sampalin pero maagap na hinarang ng isa pang lalaki
“yan ang wag na wag mong gagawin ,papatayin ka ni big boss oras na ginawa mo yan” tutok baril na asinta ni raul sa kasama ,umatras naman ito kaya malayang nahila ni raul ang babaing sadya nila
“maawa ka please…pakawalan nyu na ako” umiiyak na pakiusap ni bella sa lalaking nagngangalang raul dahil mukha naman itong mabait
“pasensya na miss weaver ginagawa ko lang ang ipinaguutos saakin” sagot nito
“sino bang boss nyu…sino ba??!!!” piksi ko dito ng tangka sya nitong ipasok sa itim na ban
“malalaman mo kapag naroon na tayu…” huli nitong wika at hindi na muling nagsalita pa kahit panay ang kausap ko dito
ipinasok ako nito sa loob ng itim na ban kasama ng iba pa bago bumyahe ,habang sana byahe ay panay ang away ni raul at ng kasama nitong si diego ,nagtatalo ang dalawa tungkol saakin hanggang sa sumigaw ang driver ng ban na hindi na nito macontrol ang manibela pati ang preno kaya bago pa sumalpok sa isang construction site na puno ng bakal ay syang pagbukas ni raul sa pintuan ng ban at kaagad akong hinila ni raul palabas ngunit hinawakan ako ni diego kaya nagpambuno ang dalawa habang napay ang sigaw ko “talon miss bella… talun na!!!” malakas nitong sigaw kaya pikit mata akong tumalon ,bumagsak ako sa isang malambot na damuhan ngunit tumama naman ang kabila kong sentido sa isang matigas na bagay bago dumausdos paibaba kasabay ang malakas na pagsabog mula sa kung saan….
“kasalukuyan!”
“no!!!!!!!!!!!!!!” malakas na tili ni bella, kasunod ang mga yabag na nagmamadaling umakyat sa matarik na hagdanan.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.