0

m͓̽y͓̽ d͓̽r͓̽e͓̽a͓̽m͓̽b͓̽o͓̽y͓̽


Report

Genre: romance/ action / comedy
P͠R͠O͠L͠O͠G͠U͠E͠ ~
MAHAL NA MAHAL KITA IKAW LANG ANG LALAKING IIBIGIN KO.
AKO DIN MAHAL KITA PINA PANGAKO KO SAYO HINDI KITA SASAKTAN
hoy Rosemarie gumising ka na nga! Na nanaginip ka nanaman! At Naka nguso kapa talaga!!
Si nanay naman eh. Storbo talaga lagi sa panaginip ko eh. Nandun na eh mag kiniss na kame magdidikit na sana nguso namin…
Hoy Rosemarie ako’y tigil-tigilan mo. Tumayo Kana jan. Naka handa na almusal natin…
Opo inay susunod na po. Si inay talaga eh. Makalabas na nga muna at makapag hilamos.
Oh Marie kain na baka lumamig pa ang kape mo. Saka ang sinangag. Ayan yun hotdog at ilog.
Opo itay kakain na po ako pagkatapos maligo narin po. Ako na rin po magliligpit Jan mamaya. Tapos ako narin po mag dilig ng halaman ..
Talaga bang desidido kanang pumunta ng Manila Marie?
Opo itay para makatulong naman po ko sainyo ni inay.
Ayaw mo bang mamalagi nalang dito sa bundok? Marami naman tayong tanim.
Itay kailangan ko mamasukan kahit bilang katulong. Marunong naman po ako sa mga gawain bahay..
Pero Rosemarie iba ang kagamitan doon sa Manila….
Inay madali na po yun matutunan….
Kahit kailan ka talaga Nathaniel!! Walang tumatagal na ibang maid sa atin!! Balang araw May makakatapat ka rin…
Malabo yun daddy mangyari.. takot lang nila
Hay nako Nathaniel ewan ko sayo! Aalis na kami ng mommy mo. Papasok na kami sa office…
Palagi nalang work!! Hindi na ako binigyan ng oras! Hindi ako magiging ganito kung bibigyan nyo ko ng oras! Puro work nalang inuuna!!! Makapasok nalang nga sa kwarto!!
Pumasok ako sa kwarto ko at nag headset nalang ako….
Kailan mo ba, balak umalis Marie?? Magtatagal kaba doon anak???. Mamimiss ka namin.
Itay hindi pa nga po ako nakaka alis mamimiss agad??
Rosemarie baka mamaya maraming mang api doon sayo!..
Nay nakikita po ba nila tong braso ko?? Upakan ko sila! Wala sa lahi natin ang inaapi inay. Kahit taga bundok tayo walang nagtatangkang galawin ang isa sa atin.. dahil palaban tayo nay, itay, kaya wag nyo ko alalahanin.
Hindi naba magbabago desisyon mo Rosemarie??
Inay itong gagawin ko para sainyo. Ayokong nahihirapan po kayo….
Kinabukasan ay maaga akong bumangon upang ako na ang magluto ng pang almusal…
Ng makatapos na ako mag luto ay naligo narin ako dahil aalis pa ako. patungo pa akong pa Manila… Ang layo pa naman namin bundok pa kami..
Inay, itay, kain na po tayo bangon na po kayo…
Oh Marie ang AGA mo naman naligo buti hindi ka nilamig..
At Naka bihis pa si Rosemarie saan ba lakad natin??
Inay nakalimot agad kayo ni itay papasok po ako bilang yaya at hawak ko na ang papel Naka sulat dito ang address..
Kain na po tayo… Para naman po magka laman na mga sikmura po natin. Gutom na po ako eh..
Oh sige Marie tara na almusal na tayo gutom narin kame.. mukhang masarap tong luto mo ahh.
Ng matapos na kame kumain ng almusal ayy hinanda ko na ang ibang gamit ko… para pag umalis…
Lorna hindi naba natin aawatin ang anak mo??. Hayaan naba natin syA???
Inay itay aalis na po ako .. ahh mag iingat po kayo dito palagi…
Marie anak siguradong sigurado kanaba???
Opo itay wag po kayo mag alala susulat po ko. Papadala po ko sulat… Kay tiya bibay tapos sabihin ko paki dala sa inyo… Aalis na po ako mahal na mahal ko po kayo inay itay.
Niyakap ko sila nanay at tatay bago umalis… Para Dina sila malungkot….
Walang iyakAn Marie ahh… Mamimiss ka namin ng nanay mo..
Opo itay...


alis na po ako… Para makapag umpisa narin po ko. At matulungan ko po kayo… Paalam po.
Lumabas na ako ng kubo at para umalis narin…. Para hindi ako gabihin..
Magandang tanghali sir Jonathan. Wala Ho kayong pasok ni madam??
Actually meron talaga.. pero umabsent kami dahil May bagong papasok na maid. Kaya kailangan mainterview muna namin. kahit saglit..
Talaga sir? May bago ulit kaming makakasama. Sana makatagal na po. Kasi lagi nalang po umaalis agad dahil kay senyorito Nathaniel. mabuti pa nga po kayo ni madam mabait eh..
Ding… Dong….
Oh yaya grace Nanjan na ata yung papasok na maid pag buksan mo ng gate….
Opo sir masusunod po.
Binuksan ko ang gate. at nakita ko ang isang babae maputi longhair sexy maamo ang mukha..
Magtatanong lang Ho ako eto Pong binigay sa akin na address ayy dito na po ba?? Tama po ba to??
Oo eto na yun. Ikaw ba yung papasok na yaya din? Tara pasok ka…
Pag pasok ko sa loob ng bshay. Halos lahat ng makita kong bagay ay hinawakan ko… Nakaka mangha kasi ito.
Hello magandang tanghali po sainyo…
Iha maupo ka muna. Yaya paki tawag ung madam Lanie mo sa kwarto!
Ang lambot naman nito lumulubog ako..
Iha ilan taon Kana at taga saan ka?.
Sobrang lambot talaga. Maka tayo nga at subukan tumalon talon.. ang galing ang lambot nakakatuwa naman ito!.
Ehheeeem….
Ayy patawad sir ngayon lang po kasi ko Naka upo at Naka kita nito, ang laki pa po ng bahay nyo palasyo na po ito..
Jonathan Po’v
Mukhang inosente walang alam saan kaya galing ito?? Pero infairness sexy maganda
Iha anong pangalan mo? At taga saan ka? Nasaan magulang mo? At kapatid mo? Ilan taon Kana??
Sir ang dami mo naman Pong tanong. Sasagutin ko po ba lahat yang tanong nyo po??
Oo kailangan papasok kang yaya diba??.
Opo sir hmmm ako po pala si Rosemarie santos taga bundok po ako at.
Wait wait Hintayin nyo ko.
Ahh sir sino po siya?? Ang ganda naman po nya….
By the way siya ang asawa ko….
Bigla akong na paisip ano yung by the way??
Ok iha umpihan muna ulit ang pagpapakilala mo.
Ako po si Rosemarie santos. labing isang taon gulang. At sa bundok kame naninirahan… At nag iisang anak lang po ko nila inay at itay. Simple lang po ang amin buhay… Pero kahit ganun po. Ayy masaya kami… Marie nalang po ang tawag nyo sa akin..
Mommy daddy good morning himala yata hindi kayo pumasok…
Tumingin Ko sa lalake natulala ako… Dahil sya yung nasa panaginip ko. Nilapitan ko sya. At hinawakan ko ang mukha nya. Pisngi ulo kamay sabay kinagat ko syA….
ArAaaayy araaaayyyy bakit mo ko kinagat!!!
Totoo nga ikaw nga yan totoong tao ka. Ikaw yung nasa panaginip ko. Teka nga
Kinurot ko sarili ko. Arayy! Totoo nga hindi na ito panaginip.
Pinisil pisil ko ang pisngi nya…
Bitawan mo nga ko! Para kang ewan!!
Teka lang pahawak sa mukha mo. Ang gandang lalake mo eh.
Sabing bitawan mo ko eh!!
Eh kung ayoko!! May magagawa kaba!!
Lanie mukhang May makakatapat na anak natin ah.
Pansin ko nga Jonathan…
Sabing bitawan mo ko! Umalis Kana nga!! Ngayon palang tanggalin na kita sa trabaho mo!..
At bakit naman ako aalis dito?? Anak ka lang ni sir at madam ang pwede lang mag paalis sa akin ay sila madam at sir. Dahil sila mag papasahod sa akin hindi ikaw. Bleeehhh’…
Pahawak pa nga sa mukha mo ang pogi mo talaga….
NAKA HANAP NA NGA BA NG KATAPAT SI NATHANIEL???
abangan ang CHAPTER 1


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.