0

LOVE POTION


Report

LOVE POTION”
ONE SHOT STORY
WUN: JEMELECA
“Jenny heto oh, salamat sa pagpapahiram ng notes mo ha makakabawi din ako sa’yo,” ngumiti siya bago umalis.
Siya si Spencer, siya ‘yong crush ko sa school sa kaniya lang ako mabait pero sa iba masungit ako. Higit sa lahat ay may iniingatan akong sekreto kaya minsan ayukong makipagkaibigan sa mga kamag-aral ko.
Ako ay isang anak ng mambabarang, ang nanay ko din ay isang magaling na manggagamot di kami pareho sa ibang mambabarang na sa masama iniwan na ni Mama ang gawaing iyong matapos namatay si Papa.
Ngayon ay naggagamot nalang siya ng mga kababayan namin sa aming baryo. Marami din ang nakapagsabi tungkol sa akin na anak ako ng mambabarang kaya minsan nilalayuan nila ako subalit nabago ang paningin na iyon nong napagaling ni Mama si Dainne isa sa mga kamag-aral ko na pinaglaruan ng maligno.
“Jenny, pahiram fin ako ng notes mo.” Pakamaawa ni Akira sa akin.
“Huh, tapos kapag binalik niyo kusot-kusot? Kay Spencer nalang kayo maghiram.” Sabay na ipinasok ko ang aking notebook sa aking bag at umalis.
It was a break time nakita ko si Spencer may kaakbayang babae at Babe ang tawagan nila kayw sabi ko baka tsken na si Spencer nagselos ako ng sobra at nalungkot sa araw na iyon. Padabog akong lumakad papalayo sa kanila.
Nang hapon na iyon ay nagmamaktol ako sa bahay namin walang imik at tinatanong ni Mama kung naano daw ako tanging sambit ko lang ay napagod lang ako sa gawain sa paaralan.
“Ganoon ba anak? Sige dito ka lang muna at maguluyo ako ng hapunan.”
Nang otas na iyon naisipan kong gumawa ng Gayuma, para mapaakin su Spencer kaya naman pinakialaman ko ang mga gamit ni Mama. At sa wakas nagawa ko na ang gayumang iyon.
“Anak, kakain na tayo!” Sigaw ni Mama sa akin para kumain na.
“Opo! Papunta na.” Agad kong tinakipan ang maliit na bote na pinaglagyan ng gayumang iyon.
Kinaunagahan sakto niyaya niya akong kumain ni Spencer sa Canteen. At pagkakataon ko ng ilagay iyon sa kaniyang pagkain.
“Teka lang may nakalimutan akong bilhin diyan ka lang ha!” Tsaka umalis na siya at nilagay ko ang gayumang iyon sa inumin niya inubos yong ginawa ko.
Tagumpay ang plano nainom niya iyon at nag iba na ang Spencer. Sinabi din niya sa tropa niya na kami na at ang babaeng kasama niya lagi ay walang sinabi sa amin kundi natuwa pa ito.
Ang babaeng...


kasama ni Spencer palagi ay isang kaibigan lang call sign ang babe ang wirdo naman kung tutuusin eh. Habang lumilipas ang araw ay tumitindi ang gayumang iyon. Lagi nalang akong napapahamak at napapagalitan ng guro dahil kahit sa gitna ng klase ay nanlalandi si Spencer.
Kaya naman pag-uwi ko tinanong ko si Mama sa gamot ng gayuma.
“Ma, ano po ba ang gamot sa gayuma?” Tanong ko sa kaniya.
“Hmm, bakit anak?”
“Kasi po si Spencer na sabi kong gusto ko ay ginayuma ko po para maging akin pero tumitindi yong gayuma. Ma, ano pong gamot doon?” Tanong ko ulit sa kaniya sabay namang binatukan ako ni Mama kaya’t napagawak ako sa aking batok.
“Bakit ginawa mo yon? Ginamit mo sa masama ang natutunan mo sa akin! Minsna ang gayuma nawawala sa tunay na pag-ibig at ang isang paraan ay sugatan ang palad niya at lagyan ng kalamansi. Paalala ko lang anak maaari ka niyang kamuhian sa susunod kung maaari.” Tugon ni Mama sa akin at paalala.
Kinaumagahan ay nandoon kami sa bahay niya at nagluto kami. Sinandya kong sugatan ang palad niya at nilagyan ng kalamansi. Agad na bumalik ang mabait na Spencer.
“Anong nangyari? Akala ko nasa canteen tayo?” takang tanong niya.
“Sorry Spencer, kung ginayuma kita pasensga ka na dahil sa kagustuhan kong mapaakin ka!” Lumuhod ako sa kaniyang harapan at napaiyak sa aking ginawa.
“Gayuma? Teka, bat ang hapdi ng palad ko anong nangyari?” Sunod-sunod na tanong niya.
“Sinugatan ko upang mawala ang gayuma patawarin mo ako Spencer.” Tumayo ako at tumakbo palabas ng bahay.
“Jenny!” Sigaw niyaw at sinundan ako.
“Teka lang, ibig sabihin ginayuma mo ako? Para lang maging sa’yo? Alam mo dapat di mo na ginawa iyon dahil sa Canteen palang balak ko ng umamin. At napatunayan ko ding gusto mo din pala ako at ginamot ang gayuma kaya wag kang mag alala,” wika niya sa akin.
“Pero di na ako ang karapat-dapat sa isa’t isa.” Nalulungkot na wika ko.
“Hmm, pwede naman eh, basta wag mo na ulit akong gayumahin ha!” Tumawa kami pareho ng malakas sa sinabi niya.
“Oo.”
Pasalamat pa din ako at tanggap ako ni Spencer at di na ulit ako uulit pa kung ganoon ang kinalabasan ng gayuma st natuto na ako.
Di na pala kailangan ang gayuma para lang maging sa’yo ang taong nagugustuhan mo. Hayaan na sila mismo ang lumapit at magtapat at mahalin ka ng higit sa kagustuhan mo.
@mayo
Pcttro:


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.