23

Love pano mo masasabi love mo ako


Report

” Love, paano mo masasabi na mahal mo ako?” I asked to my boyfriend tinignan nyako na parang nagbibiro ba ako.
“Mahal kita kasi mahal kita.” sagot nito sa akin ngumiti ako sakanya ng malapad.
“Sana hindi yan mapako love, I love you.” aniya ko dito at hinalikan siya sa pisngi.

It’s been a year nang mangyari ‘yon ang bilis ng panahon parang kahapon lang sinasabi mo pa sa akin mahal mo ako. Parang kahapon lang binubuo pa natin ang magiging future natin. Para kahapon lang mahal mo ako pero hindi mahal na mahal.
“Love, aalis ka?” chat ko sa sa’yo.
“Yea, may swimming kami ng mga kaklase ko noong grade 12 love.” sagot mo sa akin ngumiti na lang ako ng pilit kahit hindi mo ako nakikita.
“Mag-iingat ka I love you.” sabi ko dito at nag out na. This past few days naramdaman ko na nag-iba ka hindi ko alam kung bakit basta nag-iba ka. Ngayon na may reunion kayo magkikita kayo ano na lang kaya ang magiging reaksyon mo pag nagkita kayo.
“Love kamusta?”
“Ok lang.”
“Masaya ba dyan love? Naliligo naba kayo?”
“Oo”
“Masaya ba dyan love?”
“Love?”
“Yuhooo naliligo kaba?”
“Bakit naka online ka kung naliligo ka love.”
“Hey, love take care i love you.”
Tadtad na chat ko sa’yo but you seems happy kahit wala ako ayos lang reunion nyo yan hindi naman ako mahigpit sabi ko sa isip ko.
“Sorry nag kainuman na kasi.” pag kachat mo nyan ay nag...


out ka ulit ngumiti ako ng pilit at madaming pumasok sa isip ko ng mga kung ano-anong negatibo. Pag may alak may balak? Ipinilig ko ang ulo ko at nag pahinga na lamang.

“Goodmorning love.”
“Morning”
“Kamusta ang swimming/reunion nyo?” tanong ko dito.
“Masaya.”
“Ahh sobrang saya ba love?”
“SOBBBRAAAAA” mahabang sabi mo dito at may pa heart emoticon pa nangilid ang luha ko dahil nararamdaman ko na ang makakahinatnan ko. Days past nagka malabuan tayo at tumuntong na tayo sa hiwalayan hindi ako pumayag kasi mahal kita, mahal kita pero palagi mo akong tinataboy tiniis ko yon kasi nga mahal kita.
Hanggang sa narealize ko na na sana pala hindi na kita ipinasama doon kung magiging ganyan kadin naman pala. Sana hindi kita pinayagan kung gusto mo pa pala siya. Sana pinilit kitang manatili sa bahay para hindi kayo magkita. Sana sinamahan kita para kung magkakalapit ‘man kayo ilalayo kita. Tanginang sana yan kung hindi ko naman ginawa, naiinis ako at the same time naiiyak kasi ako yung girlfriend mo but still you choose her pwera sa akin. Gusto kitang saktan,sapakin,bayagan at kung ano-ano pang sakit na pwede mong maranasan pero kasi mahal kita hindi kita kayang saktan, hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan.
Ngayon alam kong siya padin talaga, siya mula noon at hanggang ngayon. Siya padin ang mahal mo. Siya padin yung kinababaliwan mo. Siya pa din yung hinahanap mo. Siya padin yung iniiyakan mo.
“Ate bakit ikaw pa….”

~Na gustuhan nyo ba practice lang💜💕

14

23 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.