Love Is Sweeter The Second Time Around



It was year 2014 when I enter college. It’s a little bit hard than I expected. But I did everything I could to at least survive my everyday life at the University. Due to poverty, tinitipid ko Ang sarili ko sa 20 pesos na bigay Ng nanay ko araw araw. Gumigising ako Ng alas kwatro Ng magaling araw para makapaghanda sa pagpasok ko sa eskwela. Nilalakad ko Ang may 5 kilometro papuntang eskwela araw araw para mai-save ko Yung 10 pesos ko na para Sana sa pamasahe ko. Ganun din sa uwian. Ang 10 pesos ko ay pambili ko Ng ulam. Isa akong panganay sa walong magkakapatid ,Kaya Naman nagpupursige ako sa eskwela Ng sa ganoon ay makatulong ako sa pamilya ko. Ni sa hinagap ay Hindi ko naisip Ang magka crush man lamang Hanggang 3rd year ko sa college. Hanggang isang araw ay nakilala ko Ang lalaking wawasak sa buhay ko. Simpleng lalaki, responsible at mabait. Naakit ako syempre ngunit nandun pa Rin Ang takot na baka Hindi ako makapagtapos Ng pag aaral Kung yun Ang aatupagin ko. Sya Si Ren, at fourth year college na that time. Nanligaw siya at sinagot ko Naman. Maayos Naman kami nung unang mga buwan. Walang issue masyado. Pareho din kami abala sa pagbuo Ng mga pangarap namin. Lalo akong nagpursige na makapagtapos dahil may inspirasyon ako.
Second semester na noon at kelangan na nilang mag-undergo Ng OJT. Malungkot na masaya Kasi Alam mong malapit na Nita makamit Ang tagumpay niya pero malungkot dahil di na kami magkikita araw araw sa school. Nalalapit na Ang graduation nila noon. Kami din...

busy sa final exams namin. Ngunit isang Gabi nagtext Ang kasamahan Ng boyfriend ko sa OJT na tila may something say kanila Ng kaklase niya. Madalas magkasama, magka holding hands at magkatabi pa Kung matulog. Parang lumaki Yung ulo ko sa Hindi ko mawaring dahilan, lumamig Ang mga kamay at paa ko, at uminit Ang mga tenga ko. Iyak, puyat ,eyebags . Yan Ang mga natamo ko nung nalaman ko Ang mga pinag gagagawa Nita sakin. Niloko niya ko! Kayat naglakas look ako na sitahin siya sa text ,inaway ko siya at nakiagkalas na ko. After graduation, Wala na Kong balita sa kanya. Hanggang nakapagtapos na Rin ako Ng college. Nag abroad ako as factory worker sa Taiwan para tuparin Ang pangarap ko sa pamilya ko. Yung dalawang taon sa ibang bansa ay ginugol ko sa pagtatrabaho. Aminin ko Hindi pa ko nakaka move on . Para bang Hindi language puso ko Ang sinaktan Niya kundi pati na Rin Ang pride ko. After matapos Ang contract ko umuwi ako Ng pinas. Dumalo ako sa kasal Ng kaklase ko sa kolehiyo ngunit di sinasadyang magkita kami. Single pa Rin Naman sya. Nanligaw siya ulit at nag explain na Hindi Naman totoo Yung balitang nakarating sakin, na Gawain gawa lamang yun para mawasak kami. Pinatawad ko siya at tinanggap ulit sa buhay ko. (Gabyan ako karupok haha). Ngayon, masaya na kami. May anak na Rin kami. Dalawa na. At ngayon ko napatunayan na napakabuti niyang tao kaya’t Lalo pang tumibay Ang aming relasyon kasama Ang binubuo naming pamilya. Napakabuti huwarang asawa’t ama. Kaya’t masasabi kong napakabuti swerte ko.




6 thoughts on “Love Is Sweeter The Second Time Around