0

Look-alike


Report

Look-alike
By: imcissistic
Nagmumuni-muni ako ngayon sa kalsada, joke lang nawawala talaga ako. Kasalanan ‘to ni manong pinababa ba naman ako ng jeep, bastos di’ba? Ganito kasi ang nangyari.
“Ang halik mo, namimiss ko~”Pagsabay ko sa patugtog ni manong.
Feeling ko nag-coconcert ako. Kasi naman yung mga audience ko dito nakatingin sa’kin.
“Ano ba namang boses yan, parang boses manok.”
Oh di’ba! Kinumpara pa ako sa manok. Ang galing-galing ko talagang kumanta.
“Bakit iniwan mo ak–” Natigil ako sa pagbirit ko ng masubsob ako.
“Ineng bumaba ka na. Ang pangit ng boses mo, malas! Baka mabangga pa ako!”
At pinagtabuyan na nila ako. Tinulak-tulak pa ako ng ibang pasahero, akala mo naman hindi sila nag-enjoy sa pagkanta ko.
“Ahh!” Inis na sigaw ko at pumadyak.
Nakakainis on the way na kasi ako sa fan meeting ni Vinter, ang actor na sikat na sikat ngayon. Idol ko yun ‘no! May nagbigay lang sa’kin ng ticket, tapos ngayon nawawala ako. Gusto ko’ng ma-meet ang boyfie ko. Huhu send help.
Napapitlag ako nang may humawak sa balikat ko.
“Hoy! Bitiwan mo ak–”
Napatulala ako nang mapaharap sa kaniya. Ang gwapo! Mukhang nalaglag na ang panty ko. Napadako ang tingin ko sa labi niya, shuta ang pula, sarap halikan hihi.
“Why are you here?” Tanong niya habang naka-kunot ang noo.
Lalong gumwapo! Napatigil ako nang may mapansin. Parang pamilyar ang gwapong makalaglag ng panty na lalaking ‘to. Sino nga ba? Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig.
“Alam mo may kamukha ka,” saad ko habang nakaturo ang nanginginig ko’ng hintuturo sa kaniya.
Lalong napakunot ang noo niya. Ang gwapo pa rin! Yung garter ng...


panty ko sumusuko na help!
“Kamukha mo si Vinter!” Saad ko at tumalon-talon.
Hindi ko man ma-meet si Vinter at least nakakita naman ako ng kamukha niya. Look at the brighter side!
Itinaas niya ang kilay. “Oh, really?”
Tumango-tango ako. “Oo, kamukha mo yung boyfriend ko! Kyahhh!”
Hindi ko na mapigilan ang pagtili. Myghad akalain mo, swerte pa rin ako. Kikidnapin ko na ‘to!
“Stop that. Sumakay ka na ng kotse.” Saad niya na nagpatigil sa’kin.
Huh? Ano daw? Nabasa niya ba ang na sa isip ko kaya willing na siyang mag-pa kidnap? Omyghad! Pero teka, ako yung pinapasakay niya.
Ipinagkrus ko ang mga braso. “Shield to! Wag mo ko’ng kidnapin. Kahit gwapo ka at kamukha mo si Vinter hindi ako sasama sa’yo!”
Napa-iling-iling siya. “Come on, malalate na ako.”
Hinawakan niya ang pala-pulsuhan ko kaya naman ay nagpumiglas ako.
“Hoy! Kahit kamukha mo si Vinter hindi ako sasama sa’yo! Ni hindi nga kita kilala e! Tsaka nagiisang boyfriend ko si Vinter kaya wag ka ng umasa!”
Humarap siyang muli sa akin at nanlaki ang mata ko ng dumampi ang labi niya sa labi ko.
“Stop this silly scene of yours. I’m late, sumakay ka na sa kotse, wife.” Hindi na niya ako hinintay na sumagot at binuhat ako papasok sa kotse.
“One more thing. I’m not your boyfriend, I’m your husband, Laine.” Dagdag niya bago inutusan ang driver na paandarin ang kotse.
Naihampas ko ang kamay sa noo. Oo nga pala may asawa na ako. At ang asawa ko ay ang bumihag sa puso ng maraming mga dalaga, syempre isa ako do’n, Vinter!
This is a work of fiction


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.