0

Long Distance Relationship


Report

Long Distance Relationship,
Para sa dalawang taong ‘di naiinip.
‘Yung may malawak na pag-iisip,
Honestly,Loyalty,Understanding, Trust, sangkap Sa relasyon na kailangang nakalakip.
Tangi lamang cellphone,
Ang araw-araw niyong komunikasyon.
Dapat may matibay na pundasyon,
Upang ‘di masira ang relasyon!
Over-thingking,selos,pagdududa, madalas maramdaman,
Hindi ‘yan maiiwasan, lalo’t malayo ang pagitan,
Maaring sinabi niya sayo’y isa lamang kasinungalingan,
Pero ‘yan ang dapat lagpasan!
“LDR” Para sa matatag lang yan,
‘Yung tipong malabo na pero pilit inilalaban,
Sa bawat-isa’y puro away na’t ‘di magkaunawaan,
Pero pilit inaayos para ‘di matapos ang samahan.
Para sa iba ang LDR walang patutunguhan,
Puro pangako lang daw kung minsan,
Sobrang daming pangakong bibitawan,
Pero hindi kayang panindigan!
Pero ‘di sa lahat ng oras ang malapit,
Hindi na maaring ipagpalit,
Kasi malayo man o malapit,
Makakaranas ng sakit!
“LDR” Hindi mo siya mayayakap,
Minsa’y habang nakatingin sa alapaap,
Ikaw ay nangangarap,
Balang araw iyo na siyang makaharap.
“LDR” Kapag gusto mong makapiling,
Hindi ka basta-basta makakarating,
Para siya ay lambingin,
Sa tuwing siya’y totopakin.
“LDR” Kapag may sakit ‘di mo maaalagaan,
Kaya ang tangi mong magagawa ay umiyak nalang,
Kasi ‘di mo siya mapapagsilbihan,
At ‘di mo malulutuan ng paboritong niyang umagahan.
“LDR” May mga bagay na ‘di agad maaayos,
Pasensiya’y nauubos,
Time sa bawat-isa’y namamalimos,
Lalo’t komplikado ang pinasok niyong relasyong tila isang unos!
“LDR” Wala kang magagawa ‘pag namiss mo siya,
Gusto mong halikan sa labi o pisngi niya,
Gusto mo nang personal makita,
Pero hindi pwede kasi malayo ang distansiya!
“LDR” Hindi mo siya maiiwasang magduda,
Kasi hindi mo nakakasama,
Aakalain niyang may iba ka,
At malay niya bang pinaglalaruan...


mo lang siya’t pampalipas oras lang pala!
“LDR” Hindi mo masasamahan sa mga lakad niya,
Sa isang lugar na romantic, gusto niyang pumunta,
Sa lilim ng puno’y magpapahinga,
Na kasama ka’t kayo lang dalawa habang nangangako sa isa’t-isa!
“LDR” Kapag monthsary or anniversary,
Hindi mo siya makakatabi,
Para i celebrate ang bawat sandali,
Tanging net working sites ang paraan para mai-celebrate niyo ng mahal mong ginoo/binibini.
Oo, ganito ang LDR, puno nang sakripisyo,
Kahit na kayo’y magkalayo,
Hindi dapat alam ang salitang “PAGSUKO!”
Kasi sa isa’t-isa’y buo ang tiwala niyo!
Ngayong alam mona,
Tatanungin lang kita,
Susugal ka parin ba?
Sa relasyong mahirap kaya iniiwasan ng iba!
Distansiya ba’y iyong hahamakin?
Pagsubok ay kakayanin?
Upang magawa mong abutin,
Ang yaong pinapangarap mong bituin?
Dyan kasi sa “LDR” marami nang nabiktima’t nagpaka-tanga!
‘Pag sinubukan mo baka maging isa karin sa kanila!
Dyan sa “LDR” maraming manloloko’t paasa!
Kunwari mahal ka, sa personal may mahal palang iba!
Anumang oras ay maari kang iwanan,
Manlalamig biglaan,
Minsan nagkakaroon pa nga nang ghostingan,
Iiwanan kang ‘di mo nalalaman ang dahilan ng kanyang paglisan!
Sa “LDR” bibihira ang nagtatagal,
Tanong lang ulit, handa ka bang sumugal?
Kasi sa relasyon na ‘yan ay maraming sagabal!
May mga taong eepal!
Magiging dahilan ng inyong paghihiwalay,
Dahil hindi makapaghintay,
Pagpapalit ka sa abot kamay,
At pagmamahal niya’y do’n na iaalay!
Diba iniiwasan ng karamihan,
Oras ang kalaban, langit lupa ang pagitan,
Pero hindi ‘yun hadlang,
Para sa dalawang taong tunay nagmamahalan!
Sabi nila…
Maghirap magmahal ng taong ‘di mo araw-araw nakikita?
Mahirap nga ba?
For me no, pagtitiwala oras at pag-unawa sapat na!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.