43

Living with My Crush (Chapters 1.1- 3.1)


Report

Living with My Crush
By Sapphire Katie

~ CHAPTER 1.1 ~

| Sheyyah’s PoV |

“BEA! Emergency Alert! Alert!” Text ko sa bestfriend ko. Her name is Beatrice Pangilinan, ang bestie ko na magpakakatiwalaan ko sa buong buhay ko.

Siya kasi ay yung loka-loka kong bestfriend na sinasamahan din yung kagagahan ko, and I really love her with all my heart.

Nangangatal akong naghihintay at paikot-ikot sa kwarto ko. Antagal ni Bea! Huhuhu! Nagba-babysitting pa ata yun ng kanyang mga kapatid!

Halos napalundag ako sa gulat ng bumukas ang pinto ko, at dali-dali akong napayakap kay Bea. “Beaaaaa!!! Huhuhu!” Sigaw ko.

“Anong nangyari, Sheyyah? Anong emergency alert? Nahalikan ka ba? Na rape? Nabuntis?” Alalang mga tanong ni Bea sa kin kaya nabatukan ko siya.

“Aray! Ansaket besh!”

“Ang OA mo masyado mag-isip!” Simangot ko sa kanya.

“Hahahah! Joke lang naman besh. Ano ba kasi yun?” Ngiti niyang sabi.

“Dun ako titira daw kina Nikko. Di lang basta Nikko, yung Nikko na yung ultimate crush ko…” Bulong ko sa kanya.

“Kyahhhh! O to the M to the G! Seryoso? Dun ka titira kila Nikko!? As in Nikko Williams?! Yung isa sa drop dead gorgeous model ng bansa?! Ang president nang classroom natin??? Dun ka titira sa kanya??! Wahhhh!” Kilig na kilig na sabi ni Bea.

Binatukan ko uli siya. “Emergency nga ehhh Beaaa! Alam mo naman kung anong nangyayari kapag nakakaharap ko si Nikko! Naiistatwa ako sa harapan niya! Arghh! This is a disaster!”

“Chill Sheyyah. This is your chance! Mayroon ka nang chance mapalapit sa ultimate crush mo since Elementary! You’ve been pursuing him secretly for so so long! Ito na yung chance na pinakahihintay mo!” Sabi ni Bea. Napasimangot uli ako sa sinabi niya.

“Easy for you to say. Speed kayo ni Frank eh.” “Shhhh! Manahimik ka nga dyan!” Awat niya sa kin na ikinatawa ko.

“Tara na nga, mag-impake ka na. Baka maihi pa ako sa kilig sa inyong dalawa ni Nikko. Pabisita ako ah, ” Napatango na lang ako at natawa.

“Kung papayagan ka.” Asar ko sa kanya at nagpout naman siya.

“Alam mo besh, mamimiss kita.”

“Ano ka ba? Drama mong losyang ka. Para namang di tayo magkikita buka— aray!” Hawak ko sa pisngi ko ng kurutin ni Bea yun. Binatukan ko naman siya.

“Aray naman Shey!”

“Eh ikaw kasi! Nagsasalita ako tapos kinukurot mo pisngi ko. Masakit kaya!” Reklamo ko. “Eh sino ba di maiinis eh tinawag mo ang isang dyosang tulad ko na losyang? I’m offended, y’know.”

“Loka-loka ka talaga Bea. Totoo naman kasi.” Pahayag ko sa kanya tapos bigla na lang kinurot kurot ang tagiliran ko. “B-Bea! Hahaha! Ano ba?!”

“Bawiin mo yung sinabi mo! Bawiin mo!” Sabi niya sabay todo kurot pa sa ken. “A-Aray! HAHAHAH! Bea!”

Ganyan kami ni Bea. Kahit 16 na kami, para kaming 12 years old dahil sa kulitan namin. I’m lucky na nagkaroon ako ng friend like her.

Maya-maya ay tumigil na siya at hingal hingal na ako. Grabe si besh kasi! “Pa’no kaya besh kung di ako makabisita? Strikto pa naman ang Mom ni Nikko.”

“Ewan ko na lang besh, pero ipagdasal mo na lang na ma-convince ko. Afterall, namimiss kaagad kita eh.” Ngiti kong sabi sa kanya.

“Dapat lang! Di porket kasama mo dun crush mo, kakalimutan mo na ang bestfriend mo.” Paalala niya sa ken. Natawa naman ako dahil dapat ako ang nagsasabi niyan sa kanya.

“Eh ikaw nga, nakakalimutan mo na nandito ako kapag kasama mo yung crush mo.” Namula siya sa sinabi ko at napaiwas tingin sa ken.

“Besh naman! Mag-ayos na nga tayo! Mamaya di ka na makaalis dahil di pa ayos ang gamit mo.” Tango-tango na lang ang sinagot ko sa kanya saka kinuha ang mga kailangan kong dalhin. Tatakas pa talaga si besh sa topic! Hahahah!

LINGGO ng hapon nang inihatid na ako palabas ni Mom kasama ang maleta ko. Grabe talaga si Mom! Kakaready ko pa lang ng gamit ko, pinadala na ako sa Williams eh sa isang araw pa naman alis nila. Huhu!

Pagkalabas ko ng bahay, naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Nakita kong ina-approach ako ni Nikko. Gosh, si Nikko Williams! Ang freaking drop-dead gorgeous crush ko since elementary. I could die happily! Charot!

“—ello? Hello Sheyyah?” Tawag niya, pero napapatulala talaga ako. Ang gwapo kasi ni crush!

“Aray!” Napasigaw ko sa sakit ng pingutin ako. Hinawakan ko naman ang tainga ko at napatingin sa pumingot ng tainga ko. Si Mom naman pala! Ano ba yan!

“Mom! Masakit man din!” Nakasimangot kong sabi. “Tinatawag ka kasi, tapos nakatunganga ka lang dyan. Pinapahiya mo ko, nak..”

“Mom naman!”

“Hahahah! Ayos lang po, Tita. Ako na pong bahala sa anak niyo.” Ngiti niyang sabi tapos tumingin sa ken.

“Pagpasensyahan mo na ang anak ko Nikko, sadyang kahiya-hiya talaga yan—”

“Mom!” “Joke lang, nak. Sige na, tsupe na! Enjoy hah! Mamimiss kita!” Hinug ko si Mom.

“Oo na Mom, ingat kayo ahh.” Nakangiting paalam ko. “Gusto ko, kayo na ahh, pagbalik namin ng dad mo.” Nanlaki ang mata ko sa bulong ni Mom. Wahhhh!

“Mommy naman!” Kinindatan lang ako ni Mom at tumingin kay Nikko. “Sabihin mo, salamat sa Mommy mo ah, pasensya na kung iiwan ko pa itong babaeng ito sa inyo, wala nang mapag-iwanan ito.”

“Hahahah, don’t worry Tita. Makakarating kay Mom. Sige po, mauuna na kami.” Paalam ni Nikko sabay grab nung gamit ko. Ang gentleman talaga ni crush!

“Bye Sheyyah! Love you nak!” Paalam ni Mom. Nagwave na lang ako sa kanya as a sign of goodbye.

“You’re lucky to have a family like that. Ang swerte rin nila sayo.” Namula kaagad ako sa complement ni Nikko. Tinanguhan ko na lang siya’t ningitian. Nangangatal ako huhuhu!

“S-Salamat.” Pulang pula kong sabi nang bigla niyang buksan ang pintuan ng kotse.

Ningitian niya uli ako. “Your welcome.”

Pagkatapos ilagay ang gamit ko sa likod ng sasakyan, napasakay na din siya at nagsimula nang magdrive yung driver ng sasakyan.

“Excited na akong makasama ka sa Mansion.” Napatingin ako bigla sa kanya at nag-akyatan ang dugo ko sa ‘king pisnge. Why so straightforward,  crush?

Ningitian na naman ako nito at para akong pinana sa puso dahil sa gestures niya. Gosh! Mamatay ako nang maaga nang dahil sa kanya.

I awkwardly smile at him at napatango sa kanya. “A-Ako rin.”

Di rin nagtagal at biglang napatigil ang sasakyan. Napatingin ako sa labas ng bintana. Gosh! Nandito na kami agad???

Binuksan ko na ang pinto at nakita ang Mansion na tinitirahan ng mga Williams. Napanganga ako sa nakita ko ngayon. Times 3 ata ng bahay namin ang Mansion nila Nikko.

Napatingin ako kay Nikko. Ano kaya ang mangyayari na ngayon titira ako kasama si crush???

~ CHAPTER 1.2 ~

| Sheyyah’s PoV |

“GREETINGS, Mrs. Williams.” Ngiti kong bati sabay bow sa kanya pagkapasok ko sa mansion. “I’m very grateful po na dito niyo ako papatirahin sa mansion niyo. Really thankful po talaga ako.”

Tinanguhan lang ako ni Mrs. Williams at binigyan ng tipid na ngiti. “Your welcome, iha. Natulungan na din ako ng parents mo before, so I’m just returning the favor.” Napatingin naman ito kay Nikko bago maglakad papalayo. “Show her to her room, I’ll be back to work.”

“Yes, mom, ” Tango na sabi ni Nikko at tumingin sa kin. “Tara na sa kwarto, akong bahala sa’yo.” Napangiti na lang ako, pero teka, parang may nalimutan ako. Right, yung gamit ko! Naiwan sa sasakyan!

“S-Sandali! Kukunin ko yung gamit ko! Naiwan ko sa sasakyan.” Paalam ko sa kanya, pero nginitian lang niya ako. “No worries, yung driver na ang bahala dun.”

“P-Pero—” “No buts, I’ll show you to your room.”

“N-Naman! Kukunin ko la— Yahhhh!” Nagulat kong sigaw nang hilahin niya ang braso ko. Tinakpan ko kaagad ang bibig ko. Ano ba yan! Nakakahiya ka, Sheyyah!

Tinawanan lang ako nito at di ko mapigilan mapangiti. Di talaga ako nagsisisi na naging crush ko ang lalaking ito.

“Andito na tayo!” Masigla niyang banggit sabay bukas ng pintuan ng kwartong titirahan. Gosh! Times 2 naman ang laki ng kwarto na ito sa isang master bedroom, grabe!

“S-Sigurado ka ba na dito ako tutulog? Okay lang naman kahit saan ako matulog. Nakakahiya naman na parang prinsesa ako dahil sa pagtreat niyo sa ken.” Di makapaniwalang nasabi ko habang naglalakad palibot sa kwarto. “Oh my ghad! Parang pinaghandaan nila ito ng isang linggo dahil prepare na prepare na lahat. Pati taste ko ata nakuha niyo na din.” Wala sa sariling nadagdag ko.

“Well, it’s true na pinaghandaan namin ito ng isang linggo, at napag-aralan ang taste mo.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nikko. “T-Teka, seryoso?”

Napakamot na lang si Nikko sa likod ng ulo niya. “Well, Frank asked your bestfriend about your tastes and stuffs. Thanks to him, napaghandaan namin ang room mo to the fullest and para ma-enjoy mo ang stay mo.”

Wait, nagspill ng info ang bestfriend ko about sa ken??? Si Bea talaga! Basta talaga si Frank ang kausap ng bestfriend ko, di talaga maiitikom ang bibig. Hayyy!

“Salamat talaga, at saka dun sa Mom mo. I didn’t expect na makakatira ako sa mansion ng ganito. Pati tastes ko nakuha niyo. T-Teka nga pala, di ba sabi mo na isang linggo niyo itong pinaghandaan? Ibig sabihin mo ba na last week niyo pang alam na lilipat ako dito?”

“Well yeah. Last week ipinaalam sa ‘min ni Tita na maninirahan ka dito.” Nakangiti niyang sabi sa ‘kin.

So, last week pa pala pinagplanuhan ang paglipat ko, at di man lang ako ni binigyan ng heads-up ng sarili kong nanay? Wowww! Edi sana nakapag-ayos kaagad ako at prepared na prepared akong harapin itong crush ko. Shems naman oh!

Pinamigay na ako ng sarili kong kaibigan, tapos di man lang ako binigyan ng heads-up ng aking nanay. What a betrayal!

Napasimangot na lang ako tapos biglang tumawa si Nikko. Namula naman kaagad ako dahil bihira ko lang makitang tumawa nang ganito si crush. “Sheyyah…” Bigkas niya ng pangalan ko at bigla naman akong kinabahan. Yung titig niya! Mamatay ako ng maaga sa lalaking ito! Grabe, matutunaw na ako!

“W-Well look at the time. G-Gabi na! Mag-aayos pa ako dahil may pasok pa bukas. Good night crus— I mean sayo! Totally sayo ang sinabi ko, wala nang iba pa! I mean ano pa ba sasabihin ko, maliban sa sayo? Driver? Guard? Hahahah! Good night na nga!” Nagmamadaling sabi ko sabay tulak siya sa labas ng kwarto.

Agad ko namang ni-lock ang pinto at sumandal sa pintuan. Grabe, pinapahiya ko ang sarili ko sa kanya! Napahawak ako sa dibdib ko.

*thump! thump! thump! thump!*

Shems talaga! Mamatay ako ng maaga sa tuwing kaharap ko si crush!

Hayyy! Mahintay na nga yung driver para dun sa gamit ko. Di ko kakayaning lumabas dahil makikita ko na naman si Nikko. Baka mas lalo lang kaming maging awkward! Nahihiya na ang sarili ko.

Napabuntong hininga na lang ako at napahiga sa kama. I never thought na makakatira ako sa bahay ng crush ko. I mean, pa’no ba naman ako makakatira eh sobrang layo ng league ko sa mga Williams.

Masyado silang mayaman, samantalang ako, may-kaya lang. Meron lang kaming maliit na tindahan, na pinapatakbo ni mommy. Ang daddy ko naman ay isang doctor, na pinagtatrabahuhan niya simula bata pa lang ako. Trabaho’t tulog lang palagi ang ginagawa ng daddy ko. Nalilimutan na nga raw kumain sa kakatrabaho.

Sa wakas nga naman ay nakakuha si Dad ng bakasyon. 3 months lang yun, at kakasimula ng bakasyon last month. So may natitira pang 2 months, at iispend nila yun sa probinsya. Wew nemen sila!

Marami pa kaming kailangang bayaran, kaya di ko masasabing maaliwalas ang buhay namin. Malaki ang sweldo ni daddy, pero kalahating portion ang kinukuha ng buong pamilya namin dun sa sweldo na yun; yun ang tuition fee at pangangailangan ko sa school. Yung natitira ay sa mga bayarin namin. Bahay, tubig, literally utang talaga and much more.

So I knew na ang pamilya na meron ako ay di maabot ang pamilya nila Nikko. Kasi malayo ang agwat nang meron sila sa meron kami.

Kahit sumakabilang buhay na ang dad ni Nikko, si Nicholas Williams, may kompanya itong pinapatakbo na clothes industry na nagmula sa England. Maraming branches ito, at sikat ang sales ng kompanya sa buong Pilipinas.

Muntik na bumagsak ang kompanya dahil sa pagkawala ni Nicholas Williams, pero mas lalong nag-improve ang kompanya dahil sa asawang si Koleen Williams. Si Koleen ay isang sikat na fashion designer, kaya masasabing ultimate duo ang dalawa dahil sa successful na kompanya.

Syempre, since nasa mundo ng fashion ang mag-asawang Williams, napasama na din ang anak nila, si Nikko. Si Nikko ang naging modelo ng kanilang clothing line, kaya sikat na sikat talaga ang mga Williams.

Overall, di ko lang talaga inexpect na magiging magkakilala ang pamilya namin. Friends pala ang families namin. May little hope, pero siguro nga friends lang talaga ang makukuha ko kay Nikko. Pero I have this gut feeling na pwedeng maging kami.

Hinampas ko ang sarili ko ng unan. Ano bang sinasabi ko?

*tok! tok! tok!*

“Miss Chavez, gamit niyo po.” Pakinig ko sa labas. Took it long enough! Makapag-ayos na nga dahil may pasok pa bukas!

~ CHAPTER 2.1 ~

| Sheyyah’s PoV |

“OH MY GOSH! Bakit kasama mo si Nikko sa pagpasok Sheyyah?” Maddie.
“Oo nga! Kayo na ba???” Bella.
“Wahhh! So romantic!” Yannah.
“Alam mo ba na matagal ko na kayong ship! #SheNikko on the go!” Danielle.
“Sabi na nga ba’t may namamagitan kay Pres at Vice Pres eh!!” Louise.

“Guys! Calm down…” Pagkakalma kong bulong sa kanila. Grabe! Maririnig sila ni crush eh!

Sila kasi ang mga kaklase kong babae na alam na may crush ako kay Nikko, who’s role is the President of our section, maliban sa pagiging supermodel ng bansa. Samantalang ako ay Vice President, syempre tulong-tulong lang kay President.

Pero madalang yung ganun, since nahihirapan akong kausapin siya. Yung secretary pang bestfriend kong si Bea ang kakausap sa kanya since nabubulol ako o kaya naman naiistatwa sa harapan niya.

“Baka naman ginawang aso ni President yang babaeng yan, since mukhang aso talaga yan.”
“Yahhh girl! Plus, you should know your place, Ms. Sheyyah Chavez. Masyado kang out of the league sa Baby Nikko ko.”

Yan ang dalawang kontrabida ng classroom ko. Si Antonia at Scarlette. Si Antonia ay ang sunu-sunuran ni Scarlette, at saka si Scarlette naman ay childhood friend ni Nikko, pero sobrang kontrabida niya pagdating sa min. Napaismid na lang ako at binigyan siya ng ngiti.

“Well, you know, at least naeenjoy ni Mr. President ang company ng dogs kaysa sa clowns.” Napaatras naman si Antonia dahil mukhang narealize niya na siya ang tinutukoy ko. Napatingin naman ako kay Scarlette.

“And also, nasa place ko ako Ms. Scarlette Villanueva. Bakit? Nakaupo ba ako sa upuan mo? Nasa upuan mo ba ako? Pati Ms. Villanueva, who says na pagdating sa love may pa out of the league pang nalalaman? If we truly love each other, it doesn’t matter anymore.” Sweet kong ngiti sa kanya.

“Tama! Tama!”
“Sunog ka pala Scarlette eh!”
“Buti nga sa inyong dalawa!”
“Oo nga!”
“Wala pala kayo kay Vice President!”

Natawa naman ako nang biglang sumabat itong mga kaibigan kong babae, na ikinaapoy sa galit ni Scarlette.

“Ugh! You! Maghintay ka lang na makarating ito kay Mommy!” Banta niya sa kin then tumingin siya kay Antonia. “Tara na Antonia, baka malason pa ang hininga natin sa mga commoners na yan.” Sabay lakad papalabas sa classroom. Napailing-iling na lang ako sa kanila.

“Nabara mo na naman sila once again, Sheyyah!”
“Oo nga Vice President!”

Napakamot lang ako sa ulo. “Nararapat lang kasi na ilagay sila sa kanilang place. I mean, mas la-laki ang ulo ng dalawang yun kung hahayaan sila.”

“Wahhhh! Kaya ka namin binoto as Vice President eh!”
“Oo nga, future wife pa ni President!”
“Ayieeeeee!!!” Asar nila na ikinamula ko lang.

Nagulat na lang ako ng biglang umupo si Bea sa tabi ko at inakbayan ako. “Alam niyo girls, malapit na malapit na dun si Sheyyah.”

“Bea! Ang gulat ko naman sayo besh!”

Niyakap yakap lang ako nito. “Nakita ko si Scarlette sa labas na umaapoy sa galit. Ano? Nalagay mo siya sa place niya? Hanep ah, nataas na confidence mo ahhh.”

“Uyyy, Bea, alam mo ba? Magkasabay si President at Sheyyah pumasok?”
“Oo nga! Sila na ba?”
“Spill the beans nga, Bea!”
“Gagawa na ba ako ng SheNikko Fan Club?”
“Gusto ko talaga malaman kung may namamagitan kay President at Vice President!”

“Guys, chill lang kayo. Wag niyong kalimutan huminga. Aba, meron akong iispill sa inyong news! Alam niyo ba, ” Nag-gesture siya na lumapit pa sa min yung girls, na ikinanuot noo ko at lumapit naman ang girls sa min. T-Teka, sasabihin niya ba?

“Nakatira si Sheyyah kila Nikko.” Bulong ni Bea at ikinairit naman ng girls.

“KYAHHHHH!!!” Irit nila na ikinalaki ng mata ko. “Wag kayong maingay please! Darating na siya maya maya! Huhuhu! Maririnig kayo niya.” Awat ko. Huhuhu! Ayoko pa naman na mareject niya ako.

“Oh my GHA—” “Oh, what’s with the commotion, guys?”

Nanlaki ang mata...


ko nang marinig yung boses na yun. Napatingin kami lahat sa pinto at pumasok na sa loob si Nikko, kasama yung bestfriend niyang si Frank.

“Hi President! Nagchichikahan lang kami dito.” Bati ng mga babaeng kaklase ko sabay may nakapang-asar na ngiti sa kanilang labi.

“Ahhh, balik na sa upuan, may gagawin tayo. Oo nga pala. Di daw makakapasok si Ms. Ramos ngayong first period. May meeting daw ang teachers.” Announce niya sabay upo sa Teacher’s table. “Pakitawag nga yung iba sa labas, Louise. Magtatime na.”

Si Louise kasi ang Auditor namin, kaya tumango ito at nagsaludo pa. “Yes, President Williams!” Sabay lakwatsa sa labas.

“Bea, punta ka dito.” Utos niya at pumunta naman si best friend. Si bestfriend naman ang Secretary, samantalang Treasurer si Frank. Di ba? Ang ganda nang officers hahahha! No joke!

Nagpasukan naman ang mga kaklase naming lalaki na nagbubulungan at iba ding babae na mahinang nag-uusap. Ganyan ang klase namin. Masunurin at may kooperasyon.

Minsan na kasing nagpadala ng message ang nanay ni Nikko sa min, nung nasa photoshoot si Nikko dahil nga supermodel siya.

Sabi ni Mrs. Williams na kapag raw may magulong estudyante sa ming classroom, palipatin o ipatanggal sa section namin. Baka kasi may bad influence kay Nikko, eh tularan raw. Paalala laging sabi yun ni Ms. Ramos. Kaya nga, behave kami palagi at sumusunod kay Nikko dahil syempre, ayaw kong— I mean, namin mawalay sa kanya. Okay? Namin hahhh!

Since Elementary ko pa crush si Nikko, and I know na wala akong pag-asa sa kanya, since isa na siyang Mr. Perfect sa mata ng tao. Pero di ko maiwasan pigilan ang nararamdaman ko. Bukod sa sobrang bait niya, napakasipag niya talaga. Masarap kasama, bonus na yung kagwapuhan at pagiging model niya. Perfect candidate na talaga siya sa pagiging asawa ko.

“Oyy, Vice President! Tulala ka dyan. Hello???” Napablink ako ng ilang ulit at nakitang may nagwawagayway na kamay sa mukha ko. “Oh sorry.” Napapakamot kong ulo kong sabi at saka napatingin dun sa tumawag sa kin. Na-istatwa ako dahil si Nikko pala yun!

“Aray!” Nagulat ako ng biglang may pumitik sa noo ko. Ansaket nun ahhh!

“Gising na! May gagawin ka pa.” Ngiting sabi nito at naglakad papunta sa board. “Wow hahhh, di ba pwedeng iba ang gumawa?” Nakasimangot kong sabi sabay tayo ng upuan ko at naglakad papunta din sa board. May sinusulat siya about dun sa activity namin sa English. Literature ang topic etcetera etcetera.

Tumingin siya na nakangiti sa kin pagkatapos magsulat sa board. “Hindi. Gusto ko ikaw.”

“AYIEEEEEEEEE!!!” Hiyawan nang mga kaklase ko. Para namang nag-akyatan ang dugo ko sa sinabi niya. “A-Ano??” Nauutal kong sabi.

“Oyyy ano yan, President?”
“Aba si Nikko, dumadamoves na.”
“Goshhhh! Record natin for memories.”
“Team SheNikko talaga! Ayieeeee!!”

Gosh, ano na ba talaga ang nangyayari!? Gusto ni Nikko ako?!!

~ CHAPTER 2.2 ~

| Sheyyah’s PoV |

*SLAMMM!*

HALOS mapatalon ako sa takot ng biglang narinig iyon. Hinanap agad ng mata ko ang gumawa nun at nakita kong si Scarlette pala. Ano ba yan!

“Don’t misunderstand Sheyyah, ang sinabi ni Nikko, ” tumingin naman ito kay Nikko. “Di ba Nikko, gusto mong si Sheyyah ang utusan mo?” Nakangiting sabi ni Scarlette.

“Ahh oo. Trabaho kasi namin yun. Bakit? May iba pa bang meaning yun?” Nagtatakang tingin ni Nikko. Napasimangot na lang ako at nagcross-arms na sumandal sa board, nakatingin sa ibang direksyon. “Wala. Ganyan lang talaga ang mga kaklase natin.”

“Good, buti nga sayo.” Nakatingin na sabi ni Scarlette sa kin sabay inirapan ako.

Napasinghal na lang ako at napanguso. Nakakainis talaga!

“Ang kontrabida talaga niyan ni Scarlette.”
“Oo nga, panira ng moment.”
“Nasira tuloy ang moment nila President.”

Usapan ng mga kaklase ko. Napailing-iling na lang ako. Pumalakpak ako para kuhanin ang atensyon ng lahat. “Magsagot na kayo ng worksheets guys! Quiet na!” Nakasulat kasi sa board yung gagawin sa worksheets na pinamigay ni Nikko, kaya I assumed na may sasagutang worksheets.

“Opo, Vice President!” Sagot ng mga kaklase ko at tumahimik na. “Tara na. Pinakukuha kasi ni Ms. Ramos yung notebook natin sa English.” Napatango ako. “Sige sige.”

Pero nagulat ako nang hilahin ang kamay ko, na nakakuha nang atensyon ng mga kaklase ko. Di na lang ako umimik about dun dahil na-e-enjoy ko yung paghawak niya sa kamay ko. Mwehehehe!

“Uyyyyy!” Sigawan ng mga kaklase ko pero nagshush lang ako dahil nakakadistorbo na kami ng ibang seksyon. Bago makalabas ng pinto, napatigil bigla si Nikko. Sa akalang bibitawan niya ang kamay ko, ay di pala natuloy. Goshhh! Kilig to the bones talaga!

“Oo nga pala. Secretary Bea, mag-ikot ikot ka na para sa attendance. Sabayan mo na rin Frank. Since ikaw ang treasurer, mangolekta ka ng piso para sa dalawang worksheets. Para dun sa bayaran, choose your partner pero walang maingay. Maya-maya ay babalik na rin kami—”

“Kayo na??! AYIEEEE!!!” Buti na lang talaga at naka-aircon at sarado ang mga bintana, di ganun kalakas ang sigawan nila. Mapapagalitan kami nito! Baliw talaga itong mga kaklase ko.

“Shhhh! Wag kayong maingay!” Saway ko, pero patagong ngumiti.

“Uyyyyy! Nangiti si Sheyyah!” Asar nila uli at pinigilan ko ang sarili kong ngumiti. Nagseryoso na ako ng mukha dahil di titigil ang mga ito. “Hindi ako nangiti, quiet na!”

Padabog namang tumayo si Scarlette. “Nikko! Yung kamay m— mmmhpp!” Pinasakan naman ito ni Bea ng papel sa bibig.

“Kami nang bahala sa kanya. Mr. President and Ms. Vice President.” Ngiting sabi ni Bea. Tumayo din si Antonia para sumabat pero si Frank naman ang nagpasak ng papel sa bibig nito. “Oo nga, bro. No worries.” Chill na sabi ni Frank.

Tumayo si Louise. “Take your time. Wag kayong magmadali. Enjoy the moment lang. Kaming bahala sa classroom. Di ba guys?”

“Oo nga! Go na!”
“Sige lang!”

“Oh sige hahh. Don’t worry. Babalik din kaming maaga. Salamat!” Ngiting sabi ni Nikko saka kami lumabas at naglakad papalayo.

Nabitawan naman niya ang kamay ko pagkalabas namin pero hayaan mo na. Baka manganib ang buhay ko dahil maraming nagkakagusto kay Nikko eh. Lalo na yung taga ibang section.

Tahimik kaming naglalakad at di ko maiwasan maging awkward, kasi ka walk to walk ko si crush. Malaki ang school, kaya sulit na sulit ko ang paglalakad kasama siya. Hihihi!

“Bakit ang tahimik mo?” Nagulat naman ako ng bigla siyang nagsalita. Confidence, Sheyyah! Kinakausap ka na ni crush!

“W-Wala lang.” Nauutal kong sabi sabay tingin sa malayo.

‘Wow, 16 ka na Sheyyah, pero para kang 13 dahil nauutal ka kaharap ang crush mo. Hanep noh?’ Sabi ng isip ko.
‘Ikaw kayang may crush na parang Mr. Perfect ang dating, samantalang ikaw pang Ms. Ordinary lang ang peg. Di kaya ka rin kabahan?’

“Sheyyah…” Bigla siyang tumigil sa paglalakad. “B-Bakit??” Napatingin ako sa kanya.

“Do I make you uncomfortable?”

“A-Ano?” Napatingin ako sa kanya. How could he say that? It’s the total opposite!

“P-Paano mo nasabi yan? You don’t make me uncomfortable! Promise!” Hawak ko sa kamay niya. Napatingin siya sa kamay niya na hinawakan ko kaya binawi ko kaagad ang mga kamay ko. “S-Sorry.”

“N-No, it’s okay.” Agad naman niyang hinawakan kamay ko kaya bigla naman akong namula. “Oh, may sakit ka ba? Namula ka kaagad. Ayos ka lang ba?” Bitaw sa kamay ko at hinawakan noo ko.

Wow, di ba siya nanonood ng romantic movies about sa ganitong scenarios? Grabe crush, isa ka talagang kondensada! Slow poke, at slow processing!

“Mainit lang kasi sa labas kaya ganito. Tara na nga, teka. San ba tayo pupunta?” Nakaiwas tingin kong tanong sa kanya. Ambilis ng dagundong sa dibdib ko shems!

“Ahhh akala ko naman kung napaano ka na. Sa Faculty Room tayo pupunta. Kukunin natin daw kasi yung mga notebooks at saka yung folders na project natin this Second Quarter. Tapos na check-an eh.” Ahhhh oo nga pala. Kinuha nga pala ni Ma’am yung folders at saka yung notebook for Second Grading. Sa bagay Third Quarter na, kaya siguro pinapabalik na sa ‘min.

“Ahhh okay… President, ” Tawag ko sa kanya habang nakatingin sa ground. Ramdam ko ang nagtatakang titig niya sa ken kaya huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

“I’m sorry if I make you feel uncomfortable. It’s just na nahihirapan ako magwork out ng self confidence tuwing nasa harapan mo. I feel like you’re so perfect while me, I’m just a girl with so many flaws. Don’t get me wrong! Sweet ka, masayahin, masarap kasama, mabait at saka marami pang ibang magagandang qualities! I-I don’t know what to say anymore… Basta tandaan mo, hindi ikaw ang problema! I-It’s me.”

Mahabang speech ko habang nakayuko at kinakamot ang braso ko. Di naman siya lie kahit na ang dami kong na missed na truth, about my feelings, etcetera, etcetera. Half truth naman siya so it’s not completely a lie. It’s true naman dahil nahihirapan ako sa self-confidence ko, pagdating sa kanya. Ako lang talaga ang awkward. Hayyy.

Nakatungo pa rin ako pero nanlaki ang mata ko ng biglang hawakan niya ang kamay ko gamit ang dalawa niyang kamay. Ano ba ang ginagawa mo crush?

~ CHAPTER 3.1 ~

| Sheyyah’s PoV |

“HEY, don’t down yourself. Alam mo, isa ka sa mga amazing na taong nakilala ko. Nung mga panahong di pa tayo nag-uusap dati, akala ko takot ka o di ka komportable sa ken. Palagi mo akong iniiwasan, o kaya naman naiistatwa ka sa harapan ko. O kaya naman sa tuwing dadating ako ay tatakbo ka na papalayo o may gagawin ka nang iba. Kaya siguro akala ko ay takot ka sa ken, dahil baka may nagawa akong mali.

Pero dahil sa paliwanag mo, nalaman ko na isa kang amazing na babae. Kahit di man tayo nag-uusap, masipag kang officer, maaalahaning kaibigan, nandyan palagi sa friends mo at masayang kasama. Nakikita ko rin minsan ang pagdefend mo sa mga kaklase natin kahit na ang kumakalaban sayo ay si Scarlette, ang anak ng principal. It’s right to put her in her place dahil di tama ang pang-iinsulto niya sa iba, kaya hangang-hanga ako sayo, ” napatigil ito sa pagsasalita at biglang iniangat ang baba ko pataas para magtama ang mata namin. Nag-akyatan naman ang dugo ko sa king pisngi at di ko mapigilan mapatitig din sa kanya.

“Sheyyah Chavez, can we get to know each other more? Especially na nakatira tayo sa iisang bahay? I really want to be your friend, and I’ll try my best to work out with your self confidence habang nakatira ka sa min. Would you mind?” Tanong niya sa huli pagkatapos ng mas mahaba niyang speech. Grabe ka talaga Nikko! You never failed to make me smile!

“I-I don’t mind at all. I appreciate ko talaga yung mga sinabi mo. T-Thanks talaga, Nikko.” Nakangiti kong sabi kahit namumula na ako sa harapan niya. Nakita ko bigla ang pagliwanag ng mata niya. “That’s the first time na tinawag mo ko ng name ko sa harapan ko.”

“W-Wait, really?” Nagulantang tanong ko. Tango-tango ang sinagot nito sa ken.

Nakangiti siyang tumango sa ken. “Oo naman, kahit nung pagdating natin sa mansion, di mo ko matawag sa pangalan ko.”

Namula naman ako sa hiya. “A-Ay, pasensya na! Medyo awkward lang talaga ako—” Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang i-ni-shush ang bibig ko gamit ang kamay niya.

“Ayan ka na naman. Wag mong i-down sarili mo. Tara na, pumunta na tayo sa Faculty. Antagal na nating nakatayo dito.” Natawa na lang ako at napatango. “Oo na. Pasensya na.” Kamot sa ulo kong nasabi.

Nagkangitian na lang kaming dalawa at natawa. “Tara na nga, baka magtaka pa yung mga kaklase natin sa tagal nating dalawa.”

Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa makarating sa Faculty Room. Syempre, mabilis lang kami. Ako naman ang tagadala ng folders samantalang siya ang magbubuhat ng notebooks.

Habang naglalakad pabalik, para kaming mga tanga dahil nagtatawanan kami kung magpapalit kami o di naman kaya siya maghahawak lahat o hindi. Ang kulit ni Nikko. Pinipilit niya ako pero ayaw kong magpaawat.

And to tell you the truth, mas lalo akong mahihirapan mag move on sa kanya dahil I’m telling you, he’s giving me this weird feeling na parang siya na yung lalaking makakasama ko habang buhay and I don’t wanna let go him, ever.

Ang sarap sa feeling na makasama mo ang crush mo at katawanan mo habang naglalakad. It’s just feels so… perfect. Na parang ito na yung masayang araw ng buhay ko. Yung kulitan at tawanan. Parang ayaw ko nang matapos. Yung parang umaasa kang habang buhay na lang kayong ganun.

Di rin naman nagtagal ay nakabalik na kami sa classroom. Around 15 minutes ay nakabalik na kami dahil alangan naman magtagal kami sa labas, mapagalitan pa kaming dalawa.

Binuksan ko na ang pinto since dala ko lang yung folders, at naghiyawan naman sila. “Ayan na, nakabalik na yung dalawaaa.”

Nagsignal ako na magquiet sila dahil maririnig sila sa labas.

Tumango naman ang mga ito at tahimik nang nagsagot uli sila. Nakahinga ako ng maluwag. Sobrang dense talaga ng lalaking ito, buti na lang. Masyadong pinalaki na inosente ni Mrs. Williams itong si Nikko. Ayan ang kinalabasan. Hahahah!

Nilagay na namin ni Nikko yung dala-dalang folders at libro sa teacher’s desk saka kami nilapitan ni Bea at Frank.

“Yow Pres, all check, isang absent lang. Si Harvey.” Sabi ni Secretary Bea habang sinarado ang attendance folder at saka tumingin sa kin, na may mapang-asar na ngiti. “Ano, kamusta? Dumamoves ka na ba? Aba, nauubos na ang pasensya namin kakaintay at wala pa ring nangyayari.”

Napatingin ako bigla kay Nikko na nakanuot noo, di gets ang sinabi ni best friend. Nagshrug din ako para kunwari di ko alam saka hampas ko kay Bea yung attendance folder na kakabigay niya pa lang. “Shhh! Wag ka ngang maingay. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi mo.” Inirapan niya lang ako tapos nagsalita si Frank.

“Pres, 10 pesos lang ang nakolekta ko. Since 23 tayo sa classroom, yung isa absent. Samantalang kayong dalawa naman ay di pa nagbabayad.”

Napahawak agad ako sa bulsa ko. “Ahhh ganun ba? Sige magbabayad ako—”

“Shhh. No need, ” napakurap kurap ako ng biglang cinut off ako ni Nikko mid-sentence habang nagsasalita. Napatingin naman ito kay Frank. “Ako na magbabayad sa kanya, Frank. Tutal, kami na lang ang di nagbabayad.”

“Naku, wag na. Pwede namang dalawa tayong magbayad.”

“Sheyyah, sige na. I insist. Pretty please.” Nagulat naman ako ng biglang nagpacute ito sa ken kaya agad namang napatalon ang puso ko. Ano bang ginagawa mo sa ken, crush??

“Sigurado ka ba talaga?” Paninigurado ko sa kanya at tumango naman ito. “Oo naman. And this is my first step para mas lalong gumanda ang friendship natin.” Sabay kindat sa ken.

Oh my ghad! Someone catch me! Mahihimatay na talaga ako sa charms ng lalaking ito!

Kinuha naman ni Nikko ang wallet niya at hinalwat ito. Napailing-iling na lang ako sa inaasal niya.

Napatingin na lang ako kay Bea pero parang tanga itong nakangisi sa ming dalawa. “Wag ka ngang tumingin sa min ng ganyan, Bea. Para kang may nadiskubreng kakaiba eh.”

“Bastaaa! May malalaman kami mamaya. Hintay ka lang.” Ngiting sabi nito sa ken. Pinaikot ko na lang ang mga mata ko. Ito talagang si Bea, may pagkaloka-loka minsan.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Nikko na patuloy pa rin ang paghahanap ng piso. Ano na ang nangyari dito at antagal maghanap ng piso?

“Uyy, anong balita na?” Tanong ko sa kanya. Nagulat na lang ako nang magbaba ito ng 500 pesos sa ibabaw ng table sa harap ni Frank. Kahit yung dalawa ay gulat rin.

“Wala akong piso eh. May panukli kayo?” Nahihiyang sabi ni Nikko sabay kamot sa ulo. Grabe talaga itong si Nikko! Magbibigay ng piso ay 500 pesos pa ang ibabayad!

“Williams, sa tingin mo ba ay may panukli itong si Frank eh piso lang naman ang babayaran mo. San naman kukuha itong lalaking ito,” nakataas kilay na sabi ni Bea sabay turo kay Frank at nagpatuloy uli sa pagsasalita. “–ng 489 pesos?”

“Gusto ko na man din umalis kayo sa harapan ni Nikko dahil sobrang cheap niyong tatlo! Ano? Wala kayong panukli sa 500 pesos? This is so stupid! Why are you talking to these people, Nikko?” Biglang singit ni Scarlette.

“Bakit, may problema ba kung kausapin ni Nikko kami? Pag-aari mo ba si Nikko? Hahh!?” Agad na pagdepensa ni Bea. Yung bestfriend ko, magiging leon na handa nang pumatay ng prey.

Oh no, here we go again. May eksena na namang magaganap!

###

[A/N: Sa wakas at nakapag-update na! Di kasi ako makapag-update dahil ayaw gumana both sa website at app pero ayos na siguro dahil nakapagpost na ako. Ang plano ko ay chapter by chapter ang post ko pero dahil pinaabot niyo ng 100 ang comments at antagal ko mag-update ay dinamihan ko na rin at pinost ang naipon ko. Mahigit 5000 words yan so mahaba-haba babasahin niyo.

Anyways, kung may nagbabasa, pakicomment lang ‘next’ kasi baka wala kayong interest basahin yung story ko tapos update ako ng update. Thanks for reading and I appreciate your comments!]


43 Comments

  1. next po pls sobranggand gustong gusto ko po Sana po buong story na po ksi po sobrangganda po hehe plss

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.