0

Let me tell you a sad love story


Report

Let me tell you a sad love story
Mag-iisang taon na silang magkarelasyon pero hindi na matiis ni boy ang sitwasyon dahil may sakit si girl.
June 15 2020 bumisita si boy sa ospital kong saan naroon si girl.
“ Mahal sa isang buwan na yung aniversary natin. ” Matamlay na wika ni boy.
‘ Oo nga e, sayang lang kasi may sakit ako hindi tuloy natin maeenjoy yung aniversary natin. ’ Malungkot na wika naman ni girl.
“ Can you do me a favor? ” Paki-usap ni boy.
‘ Ano yun? ’
“ Pilitin mong gumaling bago dumating yung July 15, please? Nahihirapan na kasi ko sa sitwasyong ganito. ”
‘ Pano kong hindi ako gumaling? ’
“ Ilelet go na kita. ”
Napaiyak na lamang si girl dahil sa sinabi ni boy. Pero sa halip na mag give up siya pinilit niya paring magpagaling.
Kahit mapait ang kanyang panlasa pinipilit niyang kumain dahil ayaw niyang iwan siya ni boy.
(July 14 2020, 7:36 PM)
Nagtext si girl kay boy hindi parin siya gumagaling pero wala siyang reply na natanggap hanggang sa makatulog siya.


/> Kinabukasan nakita ni boy ang text ni girl kaya agad niya itong binasa.
Girl: Mahal ayaw na kitang makita na nahihirapan sa sitwasyon ko. Kaya kahit masakit pipilitin kong kalimutan ka.
Agad namang dinial ni boy ang number ni girl. “ Mahal? ” Umiiyak na sambit nito.
‘ Iho, wala na siya. Iniwan niya na tayo iniwan nako ng anak ko. ’
Nagulat si boy sa nalaman niya. “ Tita wag naman po kayong magbiro. ”
‘ Alam kong mahirap pero kailangan nating tanggapin na wala na siya. May text siya na hindi nasend sayo kagabi. ’
Isinend ng mama ni girl ang message.
Mahal alam mo nung sinabi mo sakin na kapag di ako gumaling ilelet go mo na ako? Nasaktan ako nun mahal, palagi akong naghihintay na bumisita ka sa ospital pero hindi ka naman pumupunta. Mahal ginawa ko naman yung lahat para gumaling ako pero ngayong gabi parang naninikip na yung dibdib ko. Hiling ko na sana bukas magising pako kasi 1year na natin yun at kong hindi na ako magising sana mahal wag mokong makalimutan ha? Mahal na mahal kita palagi.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.