2

LDR


Report

Mananalo ba tayo kung ilang distansya ang layo mo?
Mananalo ba tayo kung ilang sasakyan ang haharapin bago mapunta sayo?
Mananalo ba tayo kung milya milyang metro ang pagitan ng tayo?
Mananalo ba tayo kung tadhana na ang kalaban natin dito?

Metro ang pagitan para makulong sa yakap mo.
Distansya ang kalaban para mahalikan ang mga labi mo.
Kelangan magtiis bago mahawakan ang mga kamay mo.
Pero kaya ko to
Kaya natin to
Strong kasi tayo.

Ang lawak ng tawiran
Ang lawak ng sasakyan
Ang laki ng kalawakan
San ba ang iyong tahanan?

Sa pagdaan ng mga araw masaya pa tayong dalawa.
Pagkagising sa umaga mensahe mo agad ang nababasa.
Pangalan mo ang nahahagip ng mata.
At litrato mo ang nakikita.
Nangako ka pa nga diba?
Magkikita pa tayong dalawa?
Ititira mo pa ako sa bahay kung saan nag hahari ang pagmamahalan!
Na ako lang hanggang sa dulo walang iwanan!
Pero bat moko niloko? Bat moko iniwan sa hindi sapat na dahilan.

Ikaw ang kumumpleto sa buhay ko.
Ikaw ang nagpahalaga sa katulad ko.
Pinagtiyagaan mo ang ugali ko.
Tinanggap mo ako at tinanggap kita sa kung sino ka!
Sa kung anong meron ka!
Hindi pa ba sapat ang pinakita ko para maghanap ka pa ng iba

Saksi ang kalangitan sa ating pagmamahalan kahit napakalayo ng pagitan.
Saksi ang bitwin at buwan sa paglubog ng araw patuloy parin ang pag iibigan.
Saksi ang ulan sa kung paano humalakhak ang ating mga puso
Saksi ako sa...


kung paano mo sinira ang tiwala ko!

Hanggang sa dumating siya sa buhay mo.
Isang gabi mo lang nakausap agad ay minahal mo?
Mahal pano na ako?
Tiniis mokong hindi kausapin habang magkausap kayo!
Tinanong mo siya kung kumain na ba siya samantalang ako gutom dahil sa kahihintay sayo!
Babe tawagan niyo? Ang jeje niyo gago!
Binalewala moko habang sa kanya umiikot ang mundo mo.
At natapos tayo!
Natapos tayo kasi mas pinili mo siya.
Sumuko ako kasi mahal mo na siya.
Mahal? Kulang pa ba?
Kulang pa ba ang lahat para magloko ka?
Hindi basehan ang distansya para mangiwan ka
Hindi basehan ang oras para manloko ka.
Kasi kung ako lang talaga! Sa una palang ako lang sana!
Huwag mong sabihin na hindi mo sinasadya kasi ang panloloko ginugusto yan ng mga walang kwentang tao!
Huwag kang humingi ng patawad kasi hindi iyan ang bagay sayo!
Sana seryosohin ka ng bago mo at hindi itulad sa pang gagago mo!

Pinaniwala mo ako sa mga kasabihan mo.
Pinaniwala moko sa mga bagay bagay na meron tayo.
Pinaniwala mo ako na mahal mo pa ako.
Pinaniwala ko ako sa mahika ng kasinungalingan mo.
Pinaniwala mo ako na lugi ang seryoso pag nagmahal ng manloloko
Pinaniwala mo ako na nagmamahalan pa tayo
Mahal! Minahal ko ba ako?
Bakit ka kumagat sa tukso.

Patawad kasi kahit mahal kita susukuan na kita.
Ikaw na rin ang nagbigay ng dahilan para iwanan kita.
Mahal kita!
Pero tama na!


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.