8

LARAWAN PART 1


Report

LARAWAN
PART 1
THIRD’S POV
Nandito ako ngayon tumutulong maglinis sa lumang bahay nila lola, medyo matagal tagal na daw hindi to nililinisan
“Apo dun ka sa kwarto sa taas mag linis” sabi ni Lola ko at agad ko namn syang sinunod
Pumunta ako sa taas at ayun nga ang kalat at agad ko namn itong nilinisan. Habang naglilinis ako ay may napansin akong isang kahon na nakalagay sa gilid
“Ano kayang lamn nito” sabi ko sa sarili ko at binuksan ko ito. Madami akong nakitang mga larawan ng lolo Alfred kapatid ni lola habang tinitignan ko ito ay may napansin akong larawan ni lolo na may kasama nyang babae
“Hmm sino kaya to” sabi ko habang tinitignan ang litratong iyon. Nilagay ko sa gilid ung litrato at niligpit na ung iba tinuloy ko ang pag lilinis dito sa kwarto
FAST FORWARD
Pagkatapos kong linisin ito ay bumaba na ako at tinanong ko kay lola ung tungkol sa litratong iyon
“Lolaaaa” tawag ko sa kanya
“Oh bakit apo” sabi nya at lumapit sya sakin
“May tanong po ako lola” sabi ko sa kanya
“Sge ano yun apo ko” sagot nya
“Habang naglilinis kasi ako kanina may nakita ako dun sa isang box...


lola isang picture ni lolo Alfred” sabi ko
“Hmm anong litrato” tanong nya
“Ito po lola oh” sabi ko sabay pa kita sa litratong iyon at itoy tinignan namn ni lolo halos ilang minuto din nya itong tinignan bago sya mag salita
“Ahh ito, ito ung huling litrato ng lolo mo sa kanyang pinaka mamahal na babae” sabi nya
“Po?” sabi ko habang naguguluhan
“Ito ung huling litrato na nakunan habang mag kasama pa sila” sabi nya
“Bakit po yan ung huli at tsaka sino po yang kasama nya jan” tanong ko
“Sya si Maria ang una at huling babaeng minahal ng kapatid ko at ito ang huling larawan ay dahil namatay si Maria” sabi nya
“Bakit namn po” tanong ko
“Kasi may sakit si Maria sa puso nun at hindi na ito napagamot pa ” sabi ni lola
“Ayyy” yun lang ang na sabi ko
“Ahmm lola pwede nyo po bang e kwento ung love story nila lolo Fred” sabi ko kay lola
“Oo namn” sabi nya
“Makinig ka ha, nag simula ito nung nag ka bangaan sila sa palengke…….” sabi ni lola at nagsimula na syang mag kwento
TO BE CONTINUE
COMMENT FOR PART 2
SORRY SA WRONG GRAMMAR AT TYPO


8 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.